"Kuya Cam is running late..."
Limang minuto pa siguro akong nakatayo sa entrance gate ng tumunog ang cellphone ko.
Tana I'm sorry hindi ako makakasabay sa iyo pauwi. Nag extend ang review namin eh... mauna ka na lang sa bahay.
Mabilis akong nag tipa ng isasagot. Naka in-house review sina kuya Cam. Malapit na ang graduation nila kaya madalas ng mag extend ang review sessions nila.
Nasa dulo pa ang abangan ng tricycle kaya kailangan pang lakarin ang distansya niyon. Muli akong tumingin sa relo ko.
Six thirty in the afternoon. Papadilim na din.
Iyon ang kapansin-pansin kapag nasa probinsya ka. Mabilis dumilim. Kahit maaga pa, wala na ding masyadong katao tao sa paligid.
Malapit na ako sa paradahan ng tricycle ng may makita akong batang babae na nakaupo sa gilid ng daan. Sa tabi nito ang isang basket na may lamang kakanin. Hula ko'y nasa walo o siyam na taong gulang ang bata. Napakunot noo ako ng mapansin ang dumudugong sugat sa tuhod nito. Awtomatiko akong lumapit.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.
Nag-angat ng tingin sa akin ang bata. Napansin ko na may bahid ng luha ang mga mata nito bago muling tumitig sa sugat. Naawa ako bigla kaya naman tinabihan ko ito.
"Nadapa ka ba?" Malumanay kong tanong.
Hindi ito sumagot, imbes ay marahan lang na tumango.
Kinuha ko mula sa bag ko ang lagi kong kipkip na band aid. Inilabas ko din ang panyong hindi ko naman nagamit.
"Pupunasan ko ang sugat mo ah..." Paalam ko.
Nang humarap sa akin ang bata upang ipakita ang sugat, sinimulan ko iyong linisin sa abot ng makakaya ko. Malaki ang gasgas nito sa tuhod. Hindi kakayaning takpan ng baon kong maliit na band aid kaya naman ang panyo na lang ang ginamit kong pangtakip.
"Ayan. Pagdating mo ng bahay, linisin mo agad ang sugat mo ah at saka sabunin para hindi maimpeksyon."
Hindi ito sumagot. Nanatili lang itong nakatingin sa panyong ibinalot ko sa sugat nito. Pinagmasdan ko ang bata. Actually, maganda ito. May katamtamang tangos ng ilong. Kayumanggi ang kutis at may mahaba at tuwid na tuwid na itim na buhok. Amongst all her beautiful features, the one thing that striked her the most was her cat-like hazel brown eyes. They looked exotic... almost magical.
"Kaya mong tumayo?"
Sinubukan nitong tumayo. Mabilis ko naman itong inalalayan. Nang paika-ika itong humakbang ay doon na ako nag-alala. Madilim na at kung ganito ito uuwi ay baka kung ano pang mangyari dito sa daan.
"Saan ang bahay niyo?"
Kumunot ito. There was this conflicting look on her face. Mukhang ayaw nitong sabihin kung saan ito nakatira. Hindi ko man maintindihan kung bakit ayaw nitong sabihin, kinumbinsi ko pa din ito.
"Gabi na, neng. Hindi kita maiiwan dito ng ganyan ang kalagayan ng paa mo. Ihahatid kita sa inyo kung okay lang sa iyo ah."
Kinagat nito ang ibabang labi.
"Ako nga pala si Katana. Ate Tana na lang ang itawag mo sa akin. Ikaw, ano ang pangalan mo?"
"Freya..."
Napangiti ako. "That's a very nice name. Freya..."
Nang tumingin ito sa akin ay isang munting ngiti ang pinakawalan nito. She's even more beautiful when she smiles.
"So, gumagabi na. Kakargahin na lang kita, okay lang?" Isinukbit ko sa harapan ko ang bagpack at saka umupo ako patalikod dito.
Ilang segundo lang ng maramdaman ko ang bigat nito sa aking likod. Muli akong napangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/61609589-288-k938423.jpg)
BINABASA MO ANG
Petrove Series: Owning the Ice Cold Wolf
Hombres LoboDefine the Petrov family--- one of the most influencial family that owns the most distinguished business empire in the country. Now how they attained such wealth? Well everybody says it is 'old money'--- a term typically describes a class of the r...