Chapter Thirty three

483 23 9
                                    

Months quickly came and passed by. I was so happy to have experience every milestones of my career after graduation. Passing the board exam was freaking nerve wraking. Si Stefano lang ata ang alam kong examinee na hindi man lang kakikitaan ng kaba. Minsan nga naiinis na akong nakikita ito tuwing nag pupuyat ako sa kakaaral dito sa condo. Kasi habang nag aaral ako, andun lang siya sa may sofa, nakahilata habang naglalaro ng mobile games.

Dumagdag talaga siya sa kaba at stress ko kasi iniisip ko talaga paano kung hindi 'to pumasa?

I would nag at him everytime para mag aral pero lagi lang nitong sagot, nag aral na daw ito bago pa pumunta sa condo ko.

Pero hindi ako naniniwala, petiks nga lang ito nung college. Hindi nga din masyadong nakikinig sa mga professors namin so papaano siya papasa?

Pero everytime, hindi ko man lang siya kakikitaan ng kaba. It was almost like he had done the board exams a hundred of times kung magsalita at umakto ito.

Mabuti na lang talaga at nalampasan namin pareho ang pagsubok na iyon. It was a sweet victory. Holding my license in my own hand and planning for the next steps of my life.

"Cheers!" Masayang sigaw ni Sapphire habang nakataas ang wine glass nito.

We happily raised our glasses. "Cheers!"

Agad lumuwas si Sapphire kasama sila Charlotte at Hya ng malaman nilang pumasa kami ni Stefano sa board exam. Agad nag aya ang mga itong lumabas kaya heto kami, nagcecelebrate dito sa BGC. Si kuya Cam and auntie Marie naman ay bukas pa darating upang i-congratulate ako.

"Grabe. We are so happy for you, ate Tana!"

"Sa akin lang? I-congratulate niyo din naman 'tong si Stefano."

Ngumuso si Sapphire. "Nakakasawa ng i-congratulate yan eh."

Natawa ako. "Grabe ka, Saph. Ngayon pa lang naman siya nag take at pumasa."

Alanganin itong ngumiti. "Oo nga pala. Congrats, bro."

Stefano just rolled his eyes. He picked a grape and popped it in his mouth bago sumimsim ng wine.

"Wala akong perang ibibigay sa iyo."

Tuluyang napasimangot si Sapphire. "Mayaman din ako no! Hindi ko kailangan ng pera mo! Tong feelingero na 'to."

Tuluyan akong natawa. "Inaasar mo kasi." Suway ko kay Stefano.

"Kasalanan ko bang pikon yan." Ingos naman nito.

"Ate, Tana oh!"

Kinurot ko sa tagiliran si Stefano. Hinuli nito ang kamay ko at hindi pinakawalan.

"Oy ano yan?" Charlotte teased while looking at our entwined hands. Iniangat nito ang cellphone at saka itinutok sa amin.

Binawi ko ang kamay pero ayaw iyong bitiwan ni Stefano. Nakangisi ito habang nakatingin sa camera. Hindi pa ito nakuntento at ini-angat pa ang magkahugpong naming kamay.

"Look at the camera, little lamb." Nakangiting wika nito habang nakatingin pa rin sa harapan namin.

I refused to follow. Nakakunot at nakanguso lang ako habang nakatitig dito.

"Ang cute!" Charlotte gushed as she looked at her phone. "Bagay kayo."

"Heh!" Binawi ko ang kamay ko, nagtagumpay naman ako. "Burahin mo iyan, Char." Babala ko.

"Huwag, Char. I-post mo yan." Banta naman ni Stefano.

Natawa ang tatlo habang ako ay hindi na maipinta ang mukha. Pinagpapapalo ko sa braso ang mokong.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon