Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip ng usapan namin ni Chance kahapon. Kinakabahan ako. Baka mag-away sila ni Amalia. Chance has been quiet the whole time I was telling him what happened. He had been eerily quiet to be exact.
Napalabi ako habang sumusunod kay kuya Cam papasok ng campus. Nasa entrance na kami ng engineering department ng mapahinto ako. Tinitigan ko ang aking wrist watch. Thirty minutes bago ang first period.
He must be at the greenhouse right now. I need to talk to him to pacify things between him and Amalia.
"Kuya, mauna ka na sa loob."
Nagtatakang nilingon ako ni kuya Cam.
"Bakit? Saan ka pupunta?"
Nagpaskil ako ng ngiti sa mga labi upang hindi ito makahalata.
"Hihintayin ko lang saglit si Stefano."
Mas lumalim ang pagkakakunot noo nito. "Napapansin ko na masyado ka ng malapit sa lalaking iyon, Tana. Mamaya boyfriend mo na pala yon ah?"
"Kuya naman! Hindi ah! Kaibigan ko lang yun."
"Hmm." Hindi naniniwalang iling nito.
"Oo nga kuya. Sige na!" Pagtataboy ko dito.
Mariin muna niya akong tinitigan bago bumuntong hininga. "O siya sige. Pumasok kayo agad sa classroom."
"Oo, kuya."
Hinintay ko muna itong tuluyang makapasok ng building bago ako lumihis at dumiretso ng greenhouse. Malapit na ako doon ng maulinigan ang dalawang nagtatalong boses.
"Did you have to do that?!"
"Yes! So what?! Pinagtatanggol mo ba ang babaeng iyon, Chance?!"
"Don't turn the tables on me, Amalia! Mali ang ginawa mo!"
"At ano ang mali doon? That bitch wants to have you! Sa tingin mo basta ko na lang siya hahayaan?!"
"You're being fucking paranoid!"
Amalia scoffed. "Paranoid?! Manhid ka ba? Halata namang gusto ka ng babaeng iyon eh! Huwag mong sabihing hindi mo alam?"
Ilang sandaling katahimikan ang namayani. Kasabay niyon ang tila paglakas ng tibok ng puso ko.
"O ano, hindi ka makasagot? Don't tell me you like that girl?" Marahas na tanong ni Amalia.
Napigil ko ang hininga. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa lakas ng tibok niyon.
"Why won't you answer?!"
Katahimikan pa din ang namayani.
"Chance!" Came Amalia's frustrated voice.
That's when I heard him answer.
"No..."
I stiffened. Nagsimulang bumagal ang mundo ko.
"That's impossible."
"Talaga lang ha?" Bakas na bakas sa boses ni Amalia ang pagdududa.
BINABASA MO ANG
Petrove Series: Owning the Ice Cold Wolf
LobisomemDefine the Petrov family--- one of the most influencial family that owns the most distinguished business empire in the country. Now how they attained such wealth? Well everybody says it is 'old money'--- a term typically describes a class of the r...