Matapos magbihis ay pinasamahan ako nito papuntang dining room dahil magbibihis daw muna ito sa kwarto. Pagdating doon ay agad napako ang mga mata ko sa mga pagkaing nakalatag sa mesa.
"Sana magustuhan ninyo ang inihanda ng chef, miss." Ani ng kasambahay bago ako iniwan sa dining area.
At doon ako napaisip...
Chef??? Wait. He has his own chef in his house?!
Kaloka...
Napailing na lang ako. Kelan ba ako masasanay na sadyang mayaman lang talaga sila at afford na afford nila kahit na ang chef pa mismo ng presidente ng white house ang i-hire nila?
Muli akong napatitig sa mga nakakatakam na pagkain sa mesa. Mukhang sosyal ang mga ito dahil hindi siya masyadong familiar sa mga putaheng nakalatag maliban na lang siguro sa fried chicken na nasa harap niya ngayon.
Teka, bakit ang dami naman ata nito? May iba pa bang bisita?
Tumunog ang tiyan ko. Shit... nagugutom na ako...
Sinapo ko ang tiyan kong kumakalam na sa gutom.
"Wait lang okay... mamaya ka na mag-ingay dahil wala pa ang may-ari! Manners tiyan, manners!"
Kaya hayun, nakuntento na lang muna ako sa pagtingin sa mga katakam takam na pagkaing nasa harapan ko. Tiis tiis lang Tana... Tiis lang... sabi ko sa sarili. Pero limang minuto na'y wala pa din ang magaling na lalaki!
"Tss. Nilamon na ba ng banyo iyon? Ba't ang tagal? Gutom na gutom na ako..."
Kung wala lang akong hiya ay baka kanina ko pa nasunggaban ang pagkain sa harap ko at nilamon.
I was still busy lusting over the food in front of me when I heard a tiny growl just behind me.
Nanigas ako sa kinauupuan. Kahit hindi ako lumingon ay alam na alam ko kung ano ang tunog na iyon.
Gusto kong magpapadyak!
Bakit ngayon pa may ganitong eksena kung kelan gutom na gutom ako at walang ka-ene-energy-ing tumakbo palayo?
Another growl.
Dahan dahan akong lumingon sa aking gilid. And true enough. Ang pamilyar na dalawang tuta na naman sa bahay nila Stefano ang nasa gilid niya ngayon!
Bakit nandito na naman itong dalawang ito?!
Ang isa ay walang tigil ang pagkahol sa kanya habang ang isa naman ay nakatayo lang, nakalabas ang dila at kinakampay ang buntot habang nakatingin sa kanya.
Gusto niyang umungol ng malakas! Isang maamo at isang masungit na tuta. How fun! Ang sarkastikong wika ko sa isip.
Sunod sunod na tahol ang pinakawalan ng itim na tuta. Mariin akong napapikit. Ano bang problema ng isang 'to sakin?
"Puppies..." I cooed at them. Nalingunan ko ang fried chicken at agad na kumuha ng isang piraso. "You want some? Huh? Here oh... I'll give you one just promise not to bite, okay?"
Mabilis na kumuwag ang buntot ng puting tuta habang ang isa naman ay umingos lang sa akin na tila ba wala itong tiwala sa mga sinasabi ko.
That surprised me.
Dahil papaanong nai-co-convey ng walang kahirap hirap ng tutang ito ang nararamdaman na katulad ng sa isang tao? Weird...
Ipinilig ko ang ulo. You must be crazy Tana. Maybe they are just... trained. Afterall, mga pets naman sila di ba? Domestic pets actually. They are supposed to be trained and act with manners kagaya ng sa isang tao.
BINABASA MO ANG
Petrove Series: Owning the Ice Cold Wolf
WerewolfDefine the Petrov family--- one of the most influencial family that owns the most distinguished business empire in the country. Now how they attained such wealth? Well everybody says it is 'old money'--- a term typically describes a class of the r...