Chapter one

6.6K 113 2
                                    

"Lampa!"

"Hindi ako lampa! Madulas lang yung putik kaya nadapa ako!"

"Weh? Mahina lang kasi yang binti mo kaya ka madaling madulas!"

"Hindi sabi eh!"

Tumawa lang ang batang babae sa tinuran ng batang lalaki.

"Basta! Isa kang lampa!"

"Hindi ako lampa! M-malakas ako!" Ang naiiyak na sabi ng batang lalaki.

"Weh? Asan naman ang malakas diyan? Eh ang payat payat mo nga. Mas matangkad pa nga ako sa iyo at mas malakas."

"Hindi totoo iyan!"

"Hahahaha! Nagpapatawa siya! Hahahaha!"

"Ang sama mo!"

"O, bakit? Magsusumbong ka na?" Asar pa ng batang babae. "O baka naman iiyak ka na? O ano, iiyak ka na b-----"

"Tumigil ka na sabi eh!!!!"

"Aw..." Daing ng batang babae sa pagkakatumba.

"Tumigil ka! Tumigil ka!"

Nakapaibabaw dito ang batang lalaki. "No... s-stop..." Napasinghap ang batang babae, "Panong... ang mga m-mata mo.."

"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to!" Sigaw pa rin ng batang lalaki na unti-unting ikinatakot ng batang babae lalo na ng sinunggaban nito ang leeg niya.

"B-bitawan... mo... ako..." Ang nahihirapang wika ng batang babae. Hindi na ito makahinga.

"Tumigil ka! Tumigil ka!"

Huwag... huwag... huwag...

I was lying next to her.

I felt her pain as if it was my own. Her face was a bit blurry. And when I finally saw her... it was like I'm looking at a mirror.

The girl... she looks like...

Me.

Wala sa sariling nasapo ko ang leeg. Bigla akong nakaramdam ng mga kamay na sumasakal sa akin. I began to struggle like the little girl. I tried to pry the invisible hands choking my neck but to no avail. Tears sprung on my eyes. My eyelids were threatening to close. My mouth opened and tried to gasp for air but failed.

Dread instantly filled me.

I'm going to die.

Tama na... I heard the girl cried.

I tried to reach for her but she seemed so far even though she's just near.

This is it.

Were going to die.

"Katana!"

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman pagbuhos ng malamig na bagay sa aking mukha. Sunod sunod ang ginawa kong paghinga. Sinapo ko ang leeg at saka inilibot ang mga mata sa paligid.

I'm in my room. It wasn't real. Panaginip lang.

Matapos kalmahin ang sarili, doon ko pa lang napansin si Kuya Camden na nakatayo sa gilid ng kama. At doon ko pa lang napansin ang basang mukha.

"Kuya!"

"Ano?"

"Bakit mo ako binuhusan?!"

"Paanong hindi eh nung ginigising kita, huwag ka ng huwag. Nakakabanas!"

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon