Chapter eighteen

1K 61 12
                                    

Pagpasok ko ng school gate kinabukasan, nagulat ako ng tila nagkakagulo ang mga estudyate papasok sa main building ng eskwelahan. Takbuhan ang mga ito habang nagbubulung-bulungan pa.

Kunot noong napatigil ako sa paglalakad.

"What's this ruckus all about so early in the morning?" Ang nagtatakang tanong ko sa sarili.

Sa sobrang curious, naki-usyoso na din ako sa kung anumang kaguluhan ang meron ngayong araw. Sinundan ko ang mga estudyante papasok sa main building. Kumunot ang noo ko ng makita ang mga itong nagkukumpol kumpol sa may cafeteria.

Ano kaya ang meron dito?

With so much curiosity, naglakad ako palapit sa mga ito. Pero dahil nab-block na nila ang entrance ng cafeteria, kahit tumingkayad ay talagang walang makita sa loob.

Ano ba yan. Pinapatay na ako ng curiosity ko eh... ano ba talaga ang meron?

Natigil ako sa pagtingkayad ng may magsalita sa tabi ko.

"Ano ba yan... wala akong makita..."

Napalingon ako. Isang babae na tulad ko ay kanina pa tumitingkayad para lang makita kung ano ang meron sa loob ng cafeteria.

"Ahm, Miss? Alam mo ba kung anong meron sa loob?" Tanong ko sa babae.

At ewan ko kung anong meron sa tanong na iyon dahil bigla na lamang nagningning ang mga mata nito. Then all of a sudden, she started gushing in front of me with excitement!

"Yieee!!!!" Kinikilig na tili muna nito bago nagpatuloy. "Kumpleto kasi ang magpipinsang Petrov at Andrade diyan sa loob ng cafeteria ngayon. At hindi lang iyon, bali balita na sa buong campus na kadarating lang ng childhood sweetheart ni Prince Chance na si Miss Amalia Zaragoza galing Spain! Curios na curios ang lahat kaya gusto nilang masilayan first hand ang mukha ng babaeng nakabihag sa puso ng aming hot cold prince!" Ang kinikilig na salaysay nito sa akin.

Agad nabura ang ngiti ko. Bigla ay nakaramdam ako ng pamimigat ng kalooban. Same sa naramdaman ko bago umalis sa bahay ni Chance kahapon.

"Ah, ganoon ba..." Bigla ay nawalan ako ng ganang makisingit sa mga nakiki-usyoso dito sa cafeteria dahil sa sinabi ng babae.

"Oo! At balita pa nga na papasok na sa makalawa dito si Miss Amalia para makasama lang si Prince Chance." Dagdag pa nito bago tila nangangarap na bumuntong hininga. "Mahal na mahal namin si Prince Chance pero kung katulad naman ni Miss Amalia na maganda, sexy, matalino at galing sa mayamang angkan ang makakatuluyan ng aming prince, wala kaming magagawa. Susuporta na lang kami tutal super perfect naman sila together!"

Napasimangot ako. Ewan pero tila mas lalo akong nawalan ng gana sa narinig. Kinapa ko ang dibdib. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Hindi ko talaga alam kung bakit!

"Ah... Sige, una na ako sa klase." Paalam ko dito bago tumalikod at naglakad papasok sa first subject.

Habang nagka-klase ay tila nasa ibang dimensyon ang utak ko. At ang dimensyong iyon ay walang iba kundi ang cafeteria. Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka get-over sa kumakalat na balita.

Akalain mo yun, minsan pala sa buhay ng lalaking yelo na iyon ay nakapagpa-ibig ito ng isang babae?

"...Miss Arguella."

Tsk... I wonder kung papaano nagawa ng babaeng iyon na tunawin ang yelo na nakapaligid sa puso ng lalaking iyon...

"Miss Arguella."

Baka naman—

"Miss Arguella!"

Agad akong napatayo sa sigaw na iyon.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon