Chapter Thirty two

200 14 4
                                    

I walk through the hallway while looking at my phone. I was searching for Universities in Manila where I can take my Masters Degree. Abala ako sa pagtingin sa aking phone ng may umakbay sa akin. Napasimangot ako ng makita kung sino iyon.

"Watcha doin'?" Stefano asked playfuly.

"Looking up for some universities." Sagot ko sabay baling ulit da cellphone.

"Huh? Yung sa masters degree ba iyan?"

"Ah-huh."

Napanguso ito. "Maaga pa ah. Saka may board exam pa di ba?"

"Graduation na next week. I need to have my options na. I'll just take the exams in Manila."

Tumigil ito sa paglalakad. Napatigil na din tuloy ako.

"So aalis ka na talaga?" Malungkot nitong sabi.

"Oo." Napangisi ako. "Bakit, sasama ka?" Biro ko pa bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Pwede?!" Dinamba ako nito ng akbay.

"Ano ba! Ang bigat mo!" Suway ko dito. "Saka naniwala ka naman. I was just joking."

Umismid ito. "Well ako hindi nagbibiro."

I rolled my eyes, "Sabi nila Sapphire, hahawakan ninyo ang kanya kanya ninyong family businesses after graduation. Kaya hindi ka makakaalis dito."

"But I've been handling it already..." Bulong nito.

"Ano?" Hinarap ko ito.

Napakamot ito sa ulo. "I mean... matagal na akong tine-train sa paghawak ng negosyo namin."

"Oh... like an Intern?"

"Yeah! You got that right."

I sighed. Iba talaga kapag anak mayaman.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Iyon naman pala. Eh di ikaw na agad ang isasalang sa pag-manage ng kumpanya ninyo."

"Pwede naman akong magpa-assign sa Manila eh."

Napatigil ako sa paglalakad. Muli ko itong hinarap. "Why?"

He frowned. "What do you mean why?"

"Bakit mo yun gagawin?"

"Para makasama ako sa iyo." Walang kaabog abog na sagot nito.

Nakagat ko ang ibabang labi. "Stafano..."

"Hep! Alam ko iyang iniisip mo. I'm not just doing this because of you okay? Of course, gusto kitang makasama sa Maynila. You're a great friend, little lamb. Pero more than that... I am craving adventure. I want to explore different countries again. Hindi ko iyon magagawa kung nandito ako." Muli ako nitong inakbayan. "Besides, tingin ko naman, okay kang kasama eh. Hindi ako mabo-bore."

Natawa ako. "Pati gusto mong gawin pang mayaman ah. Para sabihin ko sa iyo, wala pa akong pera pang sustento sa mga adventures na sinasabi mo. Pag aaral lang talaga ang nasa isip ko ngayon, Stefano. Kaya ang pera ko, para sa pag aaral ko lang wala ng iba."

"Mayaman naman ako eh. Ililibre na lang kita."

I laughed at what he said. Sinasampal talaga ako ng kayamanan nito eh. Napailing ako.

"Hoy, Stefano. Alam kong rich kid ka, okay? Hindi mo na kailangang ipangalandakan iyon. 'Tong rich kid na 'to... bumili ka nga ng kausap!" Umingos ako bago ito iniwang mag isa doon.

Humalakhak ito. "Teka. May sasabihin pa ako."

"Heh! Sabihin mo sa mukha mo!"

Humabol ito sa akin at saka hinila sa gilid. Malapit na kami sa Studio kung saan kami kukuhanan ng graduation pic.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon