Chapter fifteen

959 61 3
                                    

Maaga akong bumangon kinaumagahan dahil ngayon ang araw na napag-usapan namin ni serious guy with white hair na magpa-praktis ng swimming. Kaya naman alas syete pa lang, bihis na ako. Di bale nang sobrang aga. At least may isang oras pa akong allowance para mahagilap kung saan nakatira ang magaling kong kaklase.

Mabilis akong bumaba ng hagdan para mag-breakfast. Sa gagawin ko buong araw, kailangang may enerhiya ako para makapag-praktis lumangoy at higit sa lahat, kailangan ko ng energy para humaba ang pasensiya ko just in case na umandar na naman ang nakakainis na ugali ng serious guy with white hair na iyon!

"O, ba't nakabihis ka eh wala ka namang pasok ngayon?" Ang tanong sa akin ni kuya Cam bago umupo sa hapag kainan.

"May practice ako ng swimming." Sagot ko bago tumabi dito. Naglagay ako ng kanin at ulam sa pinggan at saka nagsimulang kumain.

Kumunot ang noo nito.

"Practice? Eh linggo ngayon ah. Hindi naman open ang school ng linggo kaya papaano naman kayo magpa-practice sa pool ng school?"

"'Di kuya Cam. Sa bahay ako ng kaklase ko magpa-practice. Siya din kasi ang inatasan ni Ms. Perez na magtuturo sa akin kaya doon kami sa kanila ngayon. Bukas na kasi ang final exam namin sa swimming kaya kailangan matuto ako ngayon." 

"Ah. Eh di galingan mo na lang mamaya para pumasa ka bukas. Pero wag kang masyadong ma-stress diyan dahil di naman nambabagsak si Ms. Perez. Mabait yon. At saka, minor subject mo lang naman ang swimming. Di 'non masyadong maaapektuhan ang grades mo."

"Eh kahit na kuya..." Maktol ko. "Ayoko kayang magka-tres no. Minor or major subject man iyan. Papangit ang transcript of records ko pagka-graduate pag nagka-tres ako."

Natawa ito sa sinabi ko.

"Huwag kang mag-alala, ipagdadasal na lang kita na sana hindi maging tres ang grades mo sa swimming class mo."

Iniikot ko ang mga mata ko. "Hay, ewan ko sayo kuya." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagsipilyo lang ako at saka nagmamadaling lumabas na ng bahay. Nasa gate na ako ng marinig ang sigaw ni Kuya Cam.

"Oh?"

"Anong oras ang uwi mo mamaya?"

"Di ko sure kuya pero baka hapon na siguro. Itetext na lang kita okay? Sige, alis na ako!"

Nagmadali akong lumabas ng gate. Nasa kalsada na ako ng biglang matigilan.

"Shit! Yung address pala niya!" Sigaw ko sa sarili.

Mabilis kong inilabas ang cellphone saka naghanap ng pwedeng mapagtatanungan mula sa mga naka-register kong contacts doon. Kaka-scroll, napako ang mga mata ko sa isang partikular na pangalan sa cellphone ko. Agad ko iyong tinawagan.

"Hello?" Ang sagot ng kabilang linya na halatang bagong gising kung ang pagbabasehan ay ang 'bedroom' voice nito. Pwe!

"Stefano!"

"Yow, Tana."

"I need you—

"Oh baby... just tell me when and where and I'll definitely be there to fulfill your needs..."

Naasiwa kong inilayo saglit ang cellphone sa tenga ko. Nandidiring tinitigan ko ang screen ng cellphone na akala mo'y may nakadikit na nakakadiring ipot doon. Binalewala ko na lamang ang inis na nararamdaman at saka muling idinikit ang cellphone sa aking tenga.

"Stefano—"

"I am so... ready baby." He moaned.

Agad nalukot ang mukha ko. Hindi na nakatiis. "Pwede ba, Stefano umayos ka nga! Ano 'to? Phone sex lang ha?! Mandiri ka nga! Saka pwede ba? Hinding hindi kita pagiinteresan 'no!" Bwisit na bwisit ang mukha ko ng magsalita.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon