~2~
Bitubi's Crib
"So dito ako titira? As in ako lang po yung babae?"gulat na gulat na tanong ko kay manager Jang.
"Nakasulat siya sa contract na binigay ni Min Chi sa kaibigan mo eh.Don't worry mababait naman yang mga lalaking yan may pagkamakulit lang."assured nito.
Hmmn.Sabagay,mukha naman nga eh.Tsaka dyusme ako pa choosy?? Ako pa? Artista yan hindi yan gagawa ng ikakasira nila.Hahaha.
Ang problema ko lang naman eh yung ethics ng pinas,alam niyo naman tayong mga noypi di ba? Conservative.
"Hmmn.Sige Manager Jang keri na rin.Push lang."tugon ko.
Napakunot noo ni manager.Naguluhan ata sa mga words ko.Hihi.
Wala nga pala ako sa Pinas.
"So okay na tayo? Feel at home lang.Kapag may problema tawagan mo lang ako o si Min Chi.Yung regular na oras talaga na magtuturo ka sa kanila eh kapag weekends.Free sila lahat ng ganong araw.Tapos,kasama ka rin namin sa lahat ng mga.schedules minsan kasi may mga guestings pa tapos si Peniel nahihirapan pa maghangul.Kaya kailangan niya talaga ng alalay pag local guestings."