~20~
Kimchi's </3 Insight
"O-oppa.."naglalakad kami papasok sa isang di kamahalang restaurant kung saan kami kakain ng makasalubong namin si Jinwoon oppa na may kasamang babae.Hindi nawaglit sa mata ko ang magkadaupang palad nila.
"O-o k-kumusta na Kimean-sshi.."he said.
Kimean-sshi? Wow asan na ang kiyowo? Akala ko ba cute ang tawag niya sakin.
Ngayon na may kasama siyang isang---wait..pamilyar ang mukha ng babaeng to..san ko ba to nakita? Pilit kong inaalala kung san ko siya nakita pero naguguluhan ako kasi mas nangingibabaw ang emosyon ko.
Yung Kimean-sshi niya at HH pa sila?
So kaya pala walang paramdam ng ilang weeks dahil may iba na? To think na nagtetext pa siya sakin at busy lang daw sa mga schedules.
Alam ko wala siyang commitment sakin dahil wala naman talaga kaming relasyon..but I thought naman na kahit papano may something na samin.
Nag dedate na kami eh so tama lang na mag-assume ako. He treat me the way one suitor did..