~28~
Sungjae's Insight
"Nagkikita na ulit kayo??"gulat na tanong ni Ilhoon kay Kimchi.
On the way kami papunta sa office,last rehearsal na to para sa concert namin bukas. Sobrang pinaghahandaan namin ito kasi unang beses namin makakapag concert na kami lang. As in solo concert talaga namin at Olympic Gymnastics Arena pa.
Nate-tense na kaming lahat kasi kailangan maging maganda ang kalalabasan ng concert para sa image namin.
"Oo. Ang saya di ba? Nagpaliwanag siya about sa kanila ni Nicole,sabi niya hindi naman daw niya gusto yun at tsaka namimiss daw niya ang company ko kaya ayuns. Ayeeh!"kinikilig na kwento ni Kimean.
Tense ka na nga sasabayan pa nang ganito. As in ang dami-daming nangyayari, yung natuklasan ko na siya si nerd girl. Tapos nagkakaayos na ulit sila ni Jinwoon hyung. Tapos may concert pa kami, wuu. Sasabog na utak ko.
Kaya nananahimik na lang muna ako.
"Naniwala ka naman?"singit ni Peniel."Man is by nature a social animal."
"Tshe! Ayan na naman kokontra na naman kayo, alam niyo kayong dalawa panira kayo lagi sa kaligayahan ko eh. Buti pa tong si maknae.."sabay baling niya sakin.
Nasa backseat ako katabi ko si Hyungsik na natutulog sa byahe.
"H-huh? Ahh oo..sige." Kahit hindi kasi ayokong mapunta ka sa iba. Gusto kong sabihin na easyhan niya lang ang lahat. Parang kelan lang kasi iyak siya ng iyak dahil sa lalaking yun. Pinagsisisihan ko nga na ipinakilala ko pa siya dun eh. Pinagsisisihan kong ako pa yung gumawa ng way na ihatid siya dun kasi pagkatapos ko siyang makitang luhaan, para akong binubuhusan ng malamig na tubig.
Ang sakit, okay lang na masaktan ako wag lang siya. Ganon yung nasa isip ko that time habang pinupunasan ko yung luha niya.
Ang sama sa feeling kasi akala ko nakatulong ako para mapasaya siya,mukha ako yung nagdala sa kanya sa panganib.
"See? Kaya hart hart ko yan si maknae eh suportado ako.."nakangiti nang tugon nito at nakipag kwentuhan pa rin kina Ilhoon at Peniel na mukhang pareho na namang badtrip.
Nakadating na kami sa office syempre wala kaming sinayang na oras. Seryoso mode muna sa final rehearsal namin.
"Hello! Oh bruha bakit? Tologo? Oo sige kita na lang sa concert bukas. Babush."narinig kong sabi ni Kimchi.
Automatic na nanghahaba ang tenga ko pag may tumarawag sa kanya. Radar on, ears wide open. Akala ko Jinwoon na naman si Ellen lang pala yung bff niya minsan na ring nagpunta sa dorm nung dinalaw si Kimchi.
Okay seryoso na ulit sa practice ang tema ko.
Medyo kinakabahan ako para bukas pero alam ko kung saan ako huhugot ng lakas ng loob..
Kahit di niya ako napapansin, okay lang ang mahalaga siya ang lakas ko.
Sabay sulyap ko kay Kimchi na busy pag vivideo samin.
Nginitian niya ako nang magkatitigan kami.
Sana ganyan ka na lang lagi, ako yung tinatanaw at nginingitian mo ng matamis. Sana ako na lang yung naging laman ng puso mo. Para naman kahit papano masaya rin ako at nakakangiti nang ganyan pabalik sayo.
"Maknae, nakikinig ka ba?"tawag ni Ilhoon.
"Ano ba yun hyung? Sorry.."wala na naman ako sa sarili.
"Tssk. Bukas na yung concert, magseryoso ka naman kahit ngayon lang. Lutang ka na naman eh!"galit na sermon nito.
"Wow..sorry ha. Parang ang laki naman ng nagawa kong kasalanan."kainis si hyung kung badtrip siya wag niya naman sana saking ibuhos hindi lang naman siya ang badtrip sa mundo.