~32~
Kimchi's Insight "It hurt ten times."
Grabe mababaliw na ako! Hindi naman ako naiiyak pero bakit ganon pakiramdam ko said na said ako. Hinang-hina na naguguluhan at nasasaktan.
Si jinwoon oppa..si Sungjae, nakadroga ba ako? Baka naman hallucination lang lahat yung kanina. Kilala ako ni Sungjae dati pa kahit nung nerd ako? Ibig sabihin pareho kami nang pinasukan, eh sa Manila naman ako nag-aral. Akala ko ba sa Cebu siya? Ang gulo! Hindi lang yun nababaliw ako sa mga pinagsasabi niya na kesyo mahal niya ako? Naega? Jjinjjya? Jeongmal? Kundae waeyo? Aysh. Aigooo...
Si Oppa? Oo kailangan ko siyang tawagan..
Cannot be reach. :'(
What now?
Hinang-hina ako shemsy!
Kailangan kong makausap si oppa tsaka ko na aayusin ang gulo kay maknae.
Nagdecide akong puntahan siya sa tinitirhan niya.
Malapit na ako sa tapat ng pinto ng room niya ng makita ko sila. Oo siya at si..
N-nicole..anong ginagawa niyan dito? Bakit magkasama sila?
"Tsk. Oo nga eh. Hindi ko alam basta nakita ko na lang magkahalikan sila nung si Sungjae..Sa tingin mo ba dapat na natin siyang tigilan? Tutal malaki na rin ang naitulong niya para mapagtakpan ang relasyon natin eh."rinig kong sabi ni Jinwoon oppa.
Nagulantang ako sa mga sinasabi niya! Ako ba yung tinutukoy niya? Tama ba si maknae sa mga sinabi niya?
"Ano ka ba.. Ngayon pa ba tayo hinto? Konting tiis na lang, sa ngayon gamitin mo muna yang si Kimean tutal dead na dead naman sayo eh. Isipin mo na lang na napapasaya mo rin siya, kahit bilang fan lang."sabi ni Nicole.
Huh? Biglang nabasag ang puso ko.. Parang ayoko ng marinig pa yung usapan nila.
"Pero kasi mukhang mas may pag asa na maging sila ni Sungjae pero nakakasagabal ako para maging sila.Mabait pa naman si Kimchikaya nakakakonsensya nasabihan ko pa siya ng hurtful words kanina.. Panindigan na lang kasi natin ang rrelasyon natin.. Pagod na akong mang gamit ng iba. Gusto ko maging okay na yung tayo.."
Ginamit lang nila ako?