~*~
Yuzakii"Good morning, Young lady!" bati ng driver ko.
"Good morning!" bati ko pabalik. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
Agad naman akong pumasok. Syempre no, alangang tumunganga pa ko sa labas, diba?
"May pupuntahan pa ba kayong iba, Young lady?" tanong ni kuyang driver.
"Wala na po, dumiretso nalang tayo sa University." sagot ko.
Sinunod niya namang ang sinabi ko. After a few minutes, narating na namin ang Winter University. Bumaba na ko ng car at sinabi kay Kuyang driver na huwag na kong sunduin.
Naglalakad ako papuntang building nang may makabunggo sakin.
"Sorry, Miss." sabi ko at medyo nagbow sa kanya. Tinignan niya lang ako ng masama at nilagpasan na ko. Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad.
Siguro nagtataka kayo, kung bakit ganoon ang inasal ng babae kanina. Hindi siya natakot sakin kahit na gangster leader ako, kasi hindi niya alam.
Walang nakaka alam dito sa university na isa akong Gangster except nalang sa Phyrron at kung gangster ka. Tsaka hindi naman ako popular, iilan lang din ang nakakakilala sakin.
Nasa may hallway na ko malapit ng room ng salubungin ako ni Carlo. Ka block mate ko sila sa lahat ng subject. (Gelo, Carlo, Nix at Deniel)
"Ly, kanina ka pa namin hinihintay." bati sakin ni Carlo.
"Bakit?" ngumiti lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.
Hanggang sa mamapasok kami sa room. Dire diretso ako hanggang sa maka upo sa tabi ni Gelo at Nix.
Napansin ko ang ilang babae na kablockmates namin ay masamang nakatingin sakin.
"What's up?" tanong ko.
Umayos muna sila ng upo bago sumagot.
"May battle mamaya sa Arena, kailangan daw tayo." sabi ni Nix. Tumango lang ako sa kanya.
"Sino maglalaban?"
"Yung mga baguhan lang, pero yung Tshole hinahamon na naman tayo." si Deniel naman ang sumagot, inilipat niya ang pahina ng librong binabasa niya.
"Anong pusta?" umayos ako ng upo at sumandal sa sandalan.
Nilingon ko si Gelo ng magsalita siya.
"Posisyon. Ang sabi nila kapag natalo nila tayo, sila ang magiging Rank 2 at tayo ay mag uumpisa mula sa simula. Ibinase nila yon sa batas. Kapag sila naman ang natalo, mapapasa ilalim na ng Gang natin ang Gang nila." himina na ang boses ni Gelo ng makarating sa dulo ng sinasabi niya.
"Tss. Masyado silang mga bilib sa sarili nila para hamunin tayo." sabi ni Carlo at inikot ikot ang hawak niyang ballpen.
"Ako na ang lalaban." seryoso ang mahina kong boses. Sabay sabay silang tumingin sakin at nagulat. Minsan nalang kasi ako tumanggap ng laban.
"Sigurado ka ba Ly?" nag aalangan na tanong ni Carlo.
"Im pretty sure."
"No, hindi kami papayag." matigas na sabi ni Gelo. Minsan na nga lang ako lumaban.
"Kilala ang grupo nila na hindi marunong lumaban ng patas. Delikado kung ikaw ang lalaban." tugon naman ni Deniel.
"Para namang wala kayong tiwala sakin." napairap ako sa kanila. Mga siraulo. Kung kailan gusto kong nag warm up tsaka nila ako ayaw payagan.
"Hindi naman sa ganon. Ayaw lang namin na mapahamak ka." si Nix naman ang nagsalita ngayon.
"Tss. Hindi na ko bata, wala lang kayong tiwala sakin. Kapag may laban kayo ng kayo ang humaharap. Paano naman ako? Pinapanood ko lang lagi kayo mula sa malayo. Nagmumukha akong walang kwenta. Gusto kong ipakita na malakas din ako. Na kaya kong lumaban at pabagsakin silang lahat!" inis akong tumayo at lumabas ng silid.
Narinig ko pa ang pagtawag nila sakin pero hindi ko na sila pinansin.
Kailangan ko lang magpahangin sandali.
Isinuot ko ang itim na cap na dala ko. Lumiko ako ng daan papunta sa lumang building. May isang mababang pader doon. Umakyat ako at tumalon para makalabas ng University.
~*~
Third Person's POV"May laban mamaya ah." balita ni Hiron sa kaniyang mga kaibigan.
"Kanina pa namin alam." bagot na sagot ni Ivan.
Hindi na kinibo ni Hiron si Ivan dahil alam niyang magkakapikunan lang sila at baka pag initan sila ni Lucas.
"Pupunta ba tayo, Master Lucas?" tanong ni Hiron sa binatang kanina pa tahimik.
"Yeah." tipid na tugon nito.
"Hahanapin ba ulit natin sila?" tanong naman ni Ivan.
"Of course." nagkatinginan nalang sila Ivan at Hiron.
Sa tuwing pumupunta sila sa isang labanan nga mga gangster ay hindi sila nakikipagbasagan ng mukha. Ang tanging ginagawa lang nila ay hanapin ang isang babaeng makakatulong sa kanila para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng importanteng babae sa kanila.
"Mga pare! May nag mamatyag sa labas." agad na napatayo ang lahat ng magsalita si Stephen na kanina pa nakasilip sa bintana.
"Marami sila! Ayos to!" sabi naman ni Xairo at pinagkiskis ang dalawang palad. Akmang lalabas na sila ng pigilan sila ni Lucas.
"Ako na." umalis na siya at tumungo sa lugar ng mga nagmamatyag.
"Lalaban na naman siya mag isa." sabi ni Ken at umupo sa sofa.
"Sayang, gusto ko din lumaban." bulong ni Xairo.
"Hayaan niyo na pantanggal stress niya yan." ngumiti si Hiron sa kanila.
"Sige na nga, kaya na naman siguro yon ni Master."
![](https://img.wattpad.com/cover/100739627-288-k849527.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cold Heartless Prince
CasualeLucius Aaron Sevilla, ang leader ng Dark Hell. Walang sinasanto na kalaban. Lahat ay kaniyang gustong pahirapan. At lahat gagawin niya mangyari lang ang ninanais niya. Lahat ay gagawin niya maipaghiganti lang ang kaisa-isang babaeng mahal niya. Ka...