CHAPTER TWO

100 3 0
                                    


~*~
Third Person's POV

Sa labas ng malaki ngunit tagong bahay. Labing anim na lalaki ang nakapalibot at nagmamatyag. Mula sa bahay ay lumabas si Lucas, walang bahid ng takot ang kanyang mukha. Mabilis siyang nakita ng kalaban kaya pinalibutan siya ng mga ito.

"Hindi ka na pala namin kailangang hilahin pang palabas. Kusa ng lumalapit samin ang aming pakay." sabi ng isa sa mga nakapalibot sa kanya.

Hindi umimik si Lucas at mabilis niyang sinugod ito.  Ang tanging hawak niya lang ay isang matulis na dagger.

Ang sampu sa nakapalibot ay sabay sabay na sumugod. Ang iba'y nasasabayan ni Lucas ang kilos pero hindi maiwasan na siya ay masugatan.






Habang naglalakad. Nakita naman ni Yuzakii ang gulo na nangyayari. Nakita niya ang isang lalaki na pinagtutulungan ng sampu at may anim pa na reserba na nasa likuran.

"Hindi kayo patas lumaban!" malakas ang pagkakasabi niya non, kaya napatingin sa kanya ang mga lalaki. Hindi naman siya nakaramdam ng takot o kaba dahil sanay na siya sa gulo.

"Anong pakialam mo, Miss? Kung ako sayo, tumakbo ka na kung ayaw mong madamay dito!" sabi ng lalaki na nasa gilid lang at nakatayo.

"As if, natatakot ako." sumilip ang ngisi sa dalaga.

"Aba! Matapang ang isang to ah. Ako nang bahala sa kanya." lumapit ang lalaking sobrang yabang kay Yuzakii habang pinapaikot ang kutsilyo sa kamay nito.

Mula sa kanyang malalim na bulsa ay kinuha naman ni Yuzakii ang kanyang chako na kulay asul at itim. Ibinato sa kanya ng lalaking mayabang ang isang maliit na kutsilyo. Mabuti nalang nakaiwas agad si Yuzakii.

"May ibubuga ka naman pala." sabi nang mayabang na lalaki.

Hindi umimik si Yuzakii at pumosisyon na pang laban.

"Kung hindi ako nagkakamali. Miyembro kayo ng 16K, hindi ba? Kayo ang Rank 7 na gang." sabi ji Yuzakii.

"Kilala mo naman pala ako. Bakit hindi ka nalang tumakbo kung natatakot ka na." tumawa ng peke ang mayabang na lalaki.

Lumapad ang ngisi ni Yuzakii. Tinanggal niya ang kanyang itim na sumbrero.

"Dahil mas mataas ang posisyon ko. Kung hindi mo ko kilala,  ako si Lady Yuzakii." pagkasabi niya non ay mabilis niyang hinampas ng chako ang mayabang na lalaki habang nakatulala pa ito.



"Teka si Lady Yuzakii yon diba?" maski ang mga nasa loob ng bahay ay napasilip na rin sa bintana.

"Ang Leader ng Phyrron, magandang pagkakataon to. Kapag napatay natin siya, tataas ang ranggo natin. Alam kong mahina lang yan." nagpanting ang teinga ni Yuzakii at Lucas dahil sa sinabi ng leader ng kalalakihan.

'Tss. Inosenteng babae lang naman ang kaya niyong patayin.' sa isip ni Lucas.

'Kung mapapatay niyo ko, tsk.'

Lumakad na palapit sa kanila si Yuzakii at ganoon din si Lucas. Nagkatalikuran ang dalawa. Bumilang ng tatlo ang dalaga at sabay nilang inatake ang mga kalaban.

Gamit ang chako, pinaghahampas ni Yuzakii sa ulo ang makakalaban niya. Mabilis naman nakakatulog ang mga ito dahil sa lakas ng hampas ng dalaga.

Si Lucas naman ay pinagsasaksak ang mga humaharang sa kanya. wala siyang pakialam kung mapatay niya ang mga ito. Ang mahalaga ay makaganti siya sa pumatay sa girlfriend niya...kay Sophia.

"Mga walang binatbat." umirap si Yuzakii at muling isinuot ang kanyang cap.

Aalis na sana siya ng higitin ni Lucas ang kanang braso niya. Puro dugo ang kamay ng binata kaya nalagyan din ang braso ni Yuzakii.

"May kailangan ka pa ba?" tanong niya sa walang emosyon na si Lucas. Napansin niya na nakatingin lang ito sa mata niya.

"Mga pare! Ayos lang kayo?" sigaw ni Stephen. Napatigil naman sa pagtititigan ang dalawa.

"Yeah." sagot ni Lucas pero agad yong kinontra ni Yuzakii.

"Anong ayos? May sugat ka kaya!"

"Oo nga Master, may sugat ka." sang ayon ni Ivan.

"Kailangan mong magamot." sabi ni Yuzakii.

"Oo nga, kalangan mong magamot."  tinignan ng masama ni Yuzakii si Ivan.

"Kanina ka pa ah, ginagaya mo ba ako?" mabilis siyang umiling at yumuko. Pero mababatid na siya ay nakangiti.

"Tss. Hindi malalim ang sugat ko." sagot ni Lucas.

'Ang haba na ng sinabi niya pero ang lamig parin talaga ng boses niya.' sa isip ng dalaga.

"Hindi nga malalim pero may lason ang kutsilyong gamit nila." sagot ni Yuzakii. Nanlaki ang mata ng iba pero si Lucas ay nanatiling expressionless pa rin.

"Tulungan niyo ko ipasok siya." utos ni Yuzakii. Agad namang sumunod ang mga ito dahil sa takot sa dalaga.

'Astig. Hindi manlang nakapagreact si Master.' ani Ivan sa kanyang isip.

'Nice. Ang ganda na ang cool pang makipaglaban.' ani naman ni Xairo at syempre sa isip pa rin.

'Ang hirap niyang idescribe. She's perfect' si Hiron naman ay biglang napangiti sa iniisip.


The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon