CHAPTER SEVEN

65 2 0
                                        

Pagkatapos ng speech ko ay umalis na kami sa room. Mula bukas ay hindi na nila makikita ang mabait na ako. Masyado na nilang pinudpod ang pasensya ko. Tsk.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ni Ivan. Kanina ay nakasunod na pa sila samin. Parang binabantayan nila ang kilos ng Master nila. tsk

"Sa Hide Out ng Phyrron." sagot ko. nanlaki ang mga mata ng iba.

"Talaga? makakapunta na kami sa hide out niyo?" parang batang tanong ni Ivan.

"Nakapunta na rin naman si Ly, sa inyo diba?" tanong naman ni Carlo. Tumango ako bilang sagot.

Pagkarating namin sa tapat ng isang malaking puno ng balete tree.

"Dito ang hide out niyo?"

"Bakit sa puno lang?"

"Wala ba kaayong mahanap na mas magandang hide out?"

"Hindi pa ba kayo nakakabili?"

Inulan kami ng mga tanong. Tsk. At ginawa pa kaming pulubi ah.

Idinikit ko ang palm ko sa detector na nakadikit sa puno pagkatapos ay itinype ko na ang password.

"Walang sinuman ang basta basta nakakapasok dito. Si Ly ang susi para mabuksan ang hide out namin. Kaya kakailanganin muna ang permiso niya para makapasok." madaldal na sabi ni Carlo.

Maya maya, bumaba ang isang hagdanan na gawa sa lubid. Hindi iyong basta basta lubid lang, makapal yon at matibay.

"Mauna ka na Ly." sabi nila sakin. Agad akong sumampa sa lubid at umakyat na. Medyo mataas ang aakyatin namin dahil nasa tuktok ng puno ang daan patungo sa mismong hide out.

Nang makarating ako sa taas. Hinintay ko muna sila, hindi naman sila nagtagal. Nang makumpleto na, tsaka ako muli naglakad. Mahabang pasilyo na ang nilakad namin. Sementado na ang dinaraanan namin pero na tuktok parin ng mga puno ito nakatayo. Para maitago. Sa dulo ng hallway ay may malaking pintuan na kulay itim lang. Inilapat ko ang kamay ko sa detector, bumukas ang pinto. Naka konekta ito sa isang manyon, na mismong hide out namin.

Pagkapasok namin ay sumalubong ang malawak na sala.

"Switch on!" pagkabigkas ko non ay bumukas ang ilaw pati na rin ang ibang appliances sa loob ng masyon.

"Ang ganda!/ Ang galing!" hayy. =.=!

"Maupo na muna kayo diyan." sabi ko at itinuro ang itim na sofa.

Agad naman silang umupo. Tumungo ako sa kusina para ipaghanda sila ng meryenda.

Bumalik ako sa sala at nadatnan silang seryosong nag uusap. take note. wala ako ah.

"Mahalaga samin si Ly, siya ang prinsesa ng Phyrron kaya pinoprotektahan namin siya." sabi ni Deniel. Hindi ko makuha kung ano ang pinag uusapan nila. Pero natuwa ako sa tinuran niya.

"Huwag na huwag lang msasaktan si Ly." si Nix naman ang nagsalita.

"Kung desisyon na yan ni Ly, wala na kaming magagawa. Siya ang leader namin, eh." si Carlo na isip bata ay nagseryoso,

"Inagatan niyo si Ly, gaya ng pag iingat namin sa kanya." para naman akong mamaalam sa tinuran ni Gelo.

"Ano bang pinag uusapan niyo?" sumingit na ko sa kanila dahil hindi ko na sila magets.

"Pumapayag na kami sa merging na mangyayari. Para naman mas maprotektahan ka namin." inayos ni Deniel ang salamin niya at sumandal sa sofa. Ibinaba ko naman sa mesa ang meryendang inihain ko.

"Masyado kayong seryoso." sabi ko at umupo sa single na sofa na katapat ng inuupuan nila.

"Seryoso talaga toh, Ly. Buhay mo yung nanganganib." umirap ako sa sinabi ni Nix.

"Ewan ko sa inyo. Kumain na nga lang kayo."

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon