CHAPTER TWELVE

34 0 0
                                    

Hindi na ulit sila nagtanong. Hindi ko na rin sila inintindi kahit tignan sila ay hindi ko ginawa. Nang matapos akong kumain ay agad akong tumayo.

"oh, Ly! aalis ka na? Wala pa yung dessert, ah?" nagtatakang tanong ni Carlo. Hindi ko na lang siya pinansin at diretsong umalis nalang. Hindi ko matagalan ang lamig ng presensya ng leader ng Dark Hell.

Nilock ko ang kwarto ko ng makapasok ako. Nagtungo ako sa veranda para makalanghap ng sariwang hangin. It's already 8 pm, kaya medyo malamig ang simoy ng hangin at saktong mapuno ang lugar na'to.

"You should rest." kinilabutan ako ng marinig ang malamig niyang boses.

Humarap ako sa kanya at nagtaas ng isang kilay. "What are you doing here?" malamig ko ring sambit. "Paano ka nakapasok?"

Itinaas niya ang kanang kamay niya. May hawak siyang tatong susi and im perfectly sure na isa sa mga 'yon ay susi ng kwarto ko. "Checking on you." ibinaba na niya ang kamay niya at ipinasok sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Tss. You don't have to do that." tumalikod ako sa kanya at pinikit ng mariin ang mga mata. "Umalis ka na." utos ko. I heard him sighed kaya napalingon agad ako sa kanya. Nakatalikod siya sakin. Nakatayo malapit sa pinto.

"Good night, Lady." at tuluyan na siyang lumabas. Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumuhos ang luha ko. Hindi naman ako dating emosyonal, ah? Pero bakit ngayon? Anong nangyayari sakin? Bakit parang nasasaktan ako?

Nakatulog ako ng umiiyak kaya pag gising ko ay may mga tuyong luha sa gilid ng mata ko. Agad akong bumangon para maligo. Nilinis ko na rin ang sugat ko. pagkatapos ay lumabas na ako. Naabutan ko sila na parang nagpupulong sa sala. Pero...parang may kulang. Wala ang leader ng Dark Hell. Wala si Lucas.

"Good morning, lady yuzakii." sabay sabay na bati nila ng makita ako. Tinanguan ko lang sila. Wala ako sa mood magsalita ngayon.

"Pano mga pare, aalis na kami." tumango ang phyrron sa kanila.

"Lady Yuzakii, aalis na po kami." paalam nila sakin. Tumango lang ako sa kanila. Bitbit ang mga gamit nila ay lumabas na sila sa Hide out namin.

"Saan pupunta ang mga alagad ni Lucas?" tanong ko sa Phyrron na sitting pretty na nakaupo sa mahabang sofa.

Tumikhim si Nix bago magsalita. "Babalik na sa sarili nilang Hide Out." tatango na sana ako ng may dinagdag siya. "Hindi ka ba sasama kay Master Lucas?"

Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "Saan ang lakad niya?"

Namilog ang mga mata nila na parang may alam sila na mas dapat ay alam ko. Tumikhim si Deniel at inayos ang salamin na ginagamit niya kapag may binabasang libro. "Ah, ngayon ang death anniversary ni Sophia. Dapat ay kasama mong pumunta si Lucas, doon sa puntod niya." wika niya.

"Mukhang hindi na kailangang nandoon ako." pumihit na ako patalikod. Nagtungo ako sa kusina para kumain.

Habang kumakain ay naisip kong muli ang tanong nila. Mukhang hindi niya na naman kailangan ang isang katulad ko. Pupunta lang naman sa puntod, bakit gusto pa ng Phyrron ay kasama ako ni Lucas? Hindi ko na maitindihan ang mga iniisip ko. Masyado ng magulo.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto. Nagbihis ako ng pang alis. Tutal naman ay magaling na ako. Gusto ko ng bumalik sa mansyon.

"Aalis ka rin?" tanong ni Gelo ng makasalubong ko sa hagdanan.

"Yep, babalik na ako sa mansyon, Mag i stay pa rin ba kayo rito?" umiling siya at ngumiti sa tanong ko. Tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam na. Pagkalabas ko ng Hide Out. Tahimik at payapa. Mukhang walang nangangahas na pumasok. Agad kong hinanap ang motor ko sa hindi kalayuan.

Masaya akong nilapitan ito. "I missed you, babe!" halos yakapin ko na ang buong motorsiklo kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko kaya mabilis rin akong nakarating sa paroroonan ko. Pagpasok ko sa masyon ay hindi ko inaasahan ang bubungad sakin.

"Ate Yunice?" tulad ng dati ay walang ekspresyon ang tingin niya. "Anong ginagawa mo dito,Ate?"

"Why? Am I not welcome here?" tumaas ang kilay niya.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Parang may biglang bumara sa lalamunan ko. Laging ganito kapag siya na ang kausap ko. Bukod kay Lucas... siya lang ang nakakapag pagbigay sakin ng panlalamig sa buong katawan. "N-no! T-that's not what I mean."

Nagbigay siya ng hilaw na ngiti. "Just kiddin'!" nakahalukipkip siyang naglakad papuntang sala.

Sinundan ko siya hanggang sa makaupo siya sa single couch. Inabutan siya ng isang maid ng wine. Pinaglaruan niya ang wine glass na hawak niya at tumingin sakin. "What?"

Lumunok ako bago nagsalita. "A-ate..." hindi ko matuloy angsasabihin ko dahil sa tingin niya. Yumuko ako para iwasan 'yon. Makailang ulit akong lumunok, baka sakaling mawala ang bara sa lalamunan ko.

"Im sorry!" buong lakas kong sabi.

Napansin kong nakakuyom ang kamao niya. "Your sorry is not enough, Yuzakii!" bulyaw niya sakin.

"Alam ko, Ate... pero nagbabakasakali lang ako. Baka mapatawad mo rin ako." huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko.

"Tigilan mo na ang pagbabakasakali. Wala 'yang patutunguhan." naglakad na siya paalis at naiwan akong mag isa. Nanginginig ang buong katawan. Parang anytime ay babagsak ako. At parang anytime may sasabog sa katawan ko.

"Young lady." mahinang ani ng isang katulong. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa sofang inupuan ni Ate Yunice.

Sorry Ate. Sorry kung hindi ko nailigtas ang Bestfriend mo.

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon