CHAPTER FIVE

62 1 0
                                    


~*~
Xairo

"Ibig sabihin, nanganganib din ang buhay mo?" tanong ko matapos niyanh mag kwento. Tumango lang siya samin. Ni hindi makitaan ng takot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Kaya overprotective sakin yung mga kaibigan ko. Dahil sa naka ambang panganib." ngumiti siya ng mapakla.

"Gusto ka nilang patayin kasi tumulong ka samin? Tinulungan mong makatakas si Sophia." wika ni Ivan.

Hinintay ko ang reaksyon ni Master. Pero nakatingin lang siya kay Lady Yuzakii.

"Parang ganun na nga. Pero alam kong may iba pang dahilan kung bakit gusto nila akong patayin." mukhang lumalim ang iniisip niya.

"Ano naman sa tingin mo ang iba pang dahilan?" si Hiron naman ang nagtanong.

"Hindi ko sigurado. Pero sa tingin ko, iniiwasan nila na magsama ang Phyrron at Dark Hell. Marami tayong under na gangs at tayo ang pinaka maimpluwensya plus malalakas pa ang gang natin. Kaya kung sino man ang kakalaban satin, madali nalang." napaisip kami sa sinabi niya. Sabagay may katotohanan.

"What if, ituloy nalang natin ang kinatatakutan nila?" tanong ni Ivan.

"Ang bakla! Pareng Ivan! 'what if?' Hahahaha!"

"Pero seryoso. Kung pagsamahin natin ang mga gang natin?" tanong ni Hiron.

Napatingin kami kay Lady Yuzakii. Napahawak siya sa kanyang ulo.

"Nakalimutan niyo na ba ang rules?" tanong niya samin. Nagkatinginan naman kaming apat at sabay sabay ding tumingin kay Master na ngayon ay seryoso ang mukha.

"Anong rules?"

"Saang rules?"

"Paanong rules?"

"Hindi ko magets?"

Hindi ko talaga maalala ang rules. Umirap naman si Lady Yuzakii. Ang ganda ng mata niya.

"Ganito kasi yun. Hindi pwedeng magmerge ang dalawang gang...unless..." parang nahiya siyanh ituloy ang sasabihin niya kaya napayuko nalang siya.

"Unless..." hinihintay namin ang susunod na sasabihin niya.

"Unless the gang leaders are in a relationship." patuloy niya.

"Woahh! Seryoso ba 'yon?" nakatanganh tanong ni Ivan. Tinignan namam siya ni Lady Yuzakii ng masama kaya napatahimik siya.

"Hindi ako nagbibiro. Seryoso 'yon!"

"Edi...walang merging na mangyayari?" at isa pang parang tanong from Stephen.

"Syempre wa..." naputol ang sasabihin ni Ivan ng si Master na ang magsalita.

"Then, let's pretend."

Dahil sa sinabi ni Master lahat kami ay napanganga.

"Are you kidding?" si Lady Yuzakii ang unang nag react samin.

"No." simpleng sagot ni Master.

Hindi pa rin makapaniwala ang mukha ni Lady Yuzakii. Tinignan ako ni Master. Sigurado akong tinatamad na siyang magsalita.

"Ahh, siguradong may patutunguhan naman ang merging na magaganap." paumpisa ko. Tumingin ako sa iba at mukhang na gets naman nila ako.

"Kaya nga! Matutulungan mo si Master na mahanap at makaganti sa mga pumatay kay Sophia." napaubo naman kami sa sinabi ni Ivan.

"Pero huwag kang mag alala Ladu Yuzakii. Poprotektahan ka naman naman ng Dark Hell at hindi namin hahayaang mapahamak ka." tinap ni Hiron ang balikat niya.

"Pumayag ka na sa alok ni Master, Lady Yuzakii." sabi naman ni Stephen.

"Pag iisipan ko. Aalis na ako." tumayo si Lady Yuzakii at nagulat kami ng tumayo rin si Master at hinawakan ang kamay niya.

"I'll drive you home." alok ni Master. Una tumanggi pa si Lady Yuzakii pero pumayag din.

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon