Tatlong araw na ang lumipas pero wala paring malay ang dalaga. Mahimbing pa rin itong natutulog sa kanyang silid. Pumasok ang doktor para icheck siya.
"Kamusta na siya? tatlong araw na wala pa rin siyang malay." tanong ni Carlo sa doktora.
"Bumabawi lang ang katawan niya. kailangan niya pang magpahinga." sagot nito. Tumango nalang si Carlo. pero hindi siya nakuntento sa sagot ng doktora.
"Ano ba talagang nangyari sa kanya? bakit ang tagal niyang makarecover?" tanong ni Carlo.
"Hindi din kasi biro ang tumama sa kanyang bala ng baril muntik nang matamaan ang kanyang kidney mabuti nalang at may suot siyang backpack kaya humina ang momentum ng bala. Masyado ring maraming dugo ang nawala sa kanya. Kailangan niya ng pahinga, para makabawi ang katawan niya." sabi ng doktora. Matapos niyang maicheck si Yuzakii ay nagpaalam na siya.
Stephen's PoV
Tatlong araw na pero hindi pa rin namin mahanap ang sinakyan ng bumaril kay Lady Yuzakii. Masyadong mailap samin ang gustong pumatay sa prinsesa ng Phyrron.
"Ang hirap naman hanapin nun." reklamo ni Ivan.
"Pareng Ivan, wala kang magagawa utos ni Master." sabi ko sa kanya.
Muli kong tinignan ang monitor na nakakonekta sa mga CCTV na nagkalat sa University.
May isang tao ang kahina hinala ang kilos. Hindi nga lang namin malaman kung babae o lalaki. nakasuot siya ng itim na hoodie at itim na sumbrero.
Nang makarating ito sa parking lot. Namatay ang lahat ng mga camera. Kaya hindi namin ma trace kung nasaan na yon.
"Sa tingin mo may kinalaman ang isang yon?" tanong ni Ivan at tinuro ang nasa CCTV.
"Sa tingin ko Oo, kahinahinala ang kilos niya." sabi ko.
"Mukhang kailangan nating higpitan ang seguridad sa Campus." seryosong saad ni Ivan.
"May naisip ako." nakangising saad ko. Lumapit siya sakin kaya ibinulong ko sa kanya ang mga plano ko.
Yuzakii's POV
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Agad na sumalubong sakin ang puting liwanag, galing sa ilaw. Inilibot ko ang paningin ko, nasa loob ako ng puting silid.
"Aw!" daing ko. Biglang sumakit ang bandang likod ko.
"LY! Gising ka na!" sabay sabay na sabi nila Carlo, Gelo, Nix at Deniel. Ngumiti sila sakin at ako naman ay nagtataka.
"Ilang oras ba akong tulog?" tanong ko. Ang OA naman kasi ng reaksyon nila eh.
"Anong oras? Baka Araw, Ly!" sabi ni Carlo. Napatawa naman ang iba sa kanya.
"Tatlong araw kang nakatulog, Lady Yuzakii." nakangiting sabi ni Hiron. At natuwa pa talaga siyang tatlong araw akong tulog? Tsk.
"Nga pala, Ly. Kamusta na pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" buti pa 'tong si NIx mukhang nag aalala sakin.
"Ayos na ko. Medyo masakit nalang ang banda sa likod ko." sagot ko.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Parang nabutas ang likod ko. Ganito pala ang feeling ng mabaril sa malaking part. Dati rati ay laging daplis lang ang tinatamo ko.
"Nahuli na ba ang gumawa nito sakin?" tanong ko. Nagkatinginan sila at sabay na umiling.
"Hmm. I see."
Lumipas ang ilang oras. Nakaramdam ako ng pagkabagot. Dalawang araw pa bago ako makalabas dito. Ayon na raw ang pinakamabilis. Tsk, sana ay mamaya o bukas nalang ako pinauwi. Binilinan ko na rin ang mga Doktor na huwag na itong makakarating kina mommy alam kong mag aalala lang ang mga 'yon. At magtatanong ng kung ano ano kung paano ko nakuha ang tama ng baril. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila na Gangster ako ay sinabi ko na. Pero naisip ko rin na madidisappoint sila sakin at siguradong papalayuin niya ako sa mga kaibigan ko, sa Phyrron.
"Hindi daw makakapunta dito si Lucas ngayon," bungad ni Carlos ng pumasok siya sa loob ng silid,
Pinsadahan ko lang siya ng tingin. Hindi naman talaga 'yon pupunta dahil lang sakin. Malamang ay busy siya sa pagkalap ng mga impormasyon para sa katarungan sa pagkamatay ni Sophia. At ang pagkakabaril sakin ay related d'on kaya he's taking this opportunity para mapabilis ang hinahanap niya.
"Ly, kumain ka na muna." iminuwestra ni Deniel ang pagkain na nasa mesa.
"Busog ako."
Umiling siya at ngumiti. "Tatlong araw kang tulog. Hindi ka kumain sa loob ng mga araw na 'yon. Paano ka mabubusog?"
"May dextrose."
Biglang humagalpak sa tawa si Carlos. Ewan ko lang kung ang sagot ko ang pinagtatawanan niya o ang mukha ni Deniel na may bakas ng iritasyon.
"Kumain ka na. Huwag nang magpasaway." ani niya. Inihanda niya ang pagkain at inilapit sakin.
Masama ang tingin ni Deniel at Nix sakin kaya wala akong nagawan kundi ang kumain.
BINABASA MO ANG
The Cold Heartless Prince
RandomLucius Aaron Sevilla, ang leader ng Dark Hell. Walang sinasanto na kalaban. Lahat ay kaniyang gustong pahirapan. At lahat gagawin niya mangyari lang ang ninanais niya. Lahat ay gagawin niya maipaghiganti lang ang kaisa-isang babaeng mahal niya. Ka...