PROLOGUE

210 5 0
                                        

"DIE!" mariing sigaw niya sa lalaking kanina pa niya sinusuntok.

Maraming tao ang nanonood pero wala ni isa ang nagtatangkang pumigil sa kanila.

Sino nga ba ang magtatangkang pigilan ang isang 'Cold Heartless Prince'? 

Kung lalapit palang sila, nakabulagta na.

Aura palang, kikilabutan ka na.

Tingin palang, matutunaw ka na.

Ang exaggerated ba masyado?

Ganon talaga eh...

Dahil iyon ang mangyayari sayo....sa oras na pigilan mo siya.

Sino nga ba siya?  Sino nga ba ang ating prinsipe?

Tsk, wala naman sigurong iba. Siya si Lucas, short for Lucius Aaron Sevilla.
A fourth year college student. Nagtataka siguro kayo kung paano siya naka abot ng college?

Sila lang naman kasi ang may ari ng Winter University, kung saan siya nag aaral. Pero bakit nga ba Winter?
Tanong mo sa kanya, de joke! Baka mabugbog ka pa niya.

Pero mabalik tayo sa pang bubugbog ng isang Hot and yet Cold Heartless Prince sa walang kamuang muang na lalaki.

"Gimme' your f*ckin'phone" sigaw niya. Hindi naman nagdalawang isip ang binubugbog niya na iabot ang cellphone nito.

Kinalikot ni Lucas ang cellphone at nakita niya ang palitan ng mensahe.

'Sinusundan ko na siya, Boss.'

'Good. Ituloy mo lang.'

'Tumigil siya sa paglalakad, napakiramdaman yata ako.'

'What? Kill him!!"

'Pero maraming tao, boss.'

'I don't care. Just kill him! I want him dead!'

Ibinalik na ni Lucas ang cellphone ng lalaki. Pero hindi sa maayos na paraan. Hinagis niya ito at tumama sa mukha ng lalaking nakasalampak sa sahig.

"stupid plans." mahinang aniya.

Sumakay na siya sa kanyang mamahaling motor at pinaharurot.

Pumunta siya sa tahimik na lugar.






Sa sementeryo.

Nagsindi siya ng kandila at pinagpagan ang isang lapida. Lapida ng babaeng mahal na mahal niya na namatay dahil sa gulong kinasangkutan nila. 'Yan na rin siguro ang dahilan kung bakit siya naging cold sa lahat. At naging heartless...

"Babe, i miss you. I really do miss you. " bulong niya. Umihip ang malamig na hangin na parang tinutubasan ang coldness ni Lucas.

"I Love You." tatlong salita, walong letra na hindi niya basta basta binibitawan. Tanging kay Sophia Gomez niya lang yon sinasabi. Tanging kay Sophia niya lang pinadadama. At tanging si Sophia lang ang may kakayanang magpanumbalik ng dating Lucas. 

Siya lang ang may kakayanan na alisin ang yelong bumabalot sa puso ng Prinsipe.

On the other hand...

"Good evening, Young lady." bati ng mga maids sa babaeng kakapasok lang ng mansyon.

Hindi sila nito pinansin at tumuloy lang sa pagpasok.

"Nagugutom na ko! Hindi pa ba kayo tapos magluto?" reklamo niya sa kanyang mga chefs.

"Pasensya na po, Young lady. Nagkaroon lang ng kaunting problema tungkol sa ingredients ng pagkaing pinapaluto niyo, kaya natagalan. Hintayin niyo nalang po." nakatungong saad ng butler.

Umirap lang sa kanya ang supladang dalaga. Teka...teka.. Hindi naman talaga siya suplada. Ganyan lang talaga siya pag gutom. Yeah, gutom lang siya.

"Young lady, handa na po ang pagkain." ngumiti siya at parang nagningning ang mga mata.

Pumunta na siya sa mahabang mesa.
Maraming pagkain ang nakahain.  Nag umpisa na siyang lantakan ang mga ito.

"Young lady, may bisita po kayo." sabi ng isa sa mga tagapanilbihan.
Sumeryoso naman ang mukha ng dalaga.

"Sino daw?" tanong niya. Pinunasan niya ang gilid ng kanyang labi gamit ang table napkin.

"Gang niyo daw po." napatampal siya sa kanyang noo at sumandal sa upuan.

"Ang kulit ng mga yon. Sinabing huwag ipagsasabi na may gang ako." inis na turan niya sa isip.

"Papasukin mo." seryosong saad niya.

Isa isang pumasok ang kanyang mga ka gang. Perl sa itsura ng mga ito ay hindi sila mukhang gangster.

"Ly! Kamusta!" bati ni Miguel Ciero also known as Gelo. Siya ay oh so yummy! pero bihira lang ngumiti, lalo na sa mga babae.

"Ang creepy mo namang bumati,Gelo! Ngiti naman!" sabi naman ni Carlo Delson, ang pinaka masayahin sa grupo pero sumeseryoso kapag seryoso din ang problema.

"Ang ingay niyo!" iritadong sabi ni Phoenix Villard, pero madalas siyang tawaging Nix ng leader nila. Suplado siya at ayaw sa maingay.

"Bakit kayo nandito?" tanong ng dalagang nakaupo sa pinakadulong upuan. Ang kanilang leader. Kaya natahimik sila.

Nagtataka siguro kayo kung sino siya. Well, siya lang  Yuzakii Flaire, ang leader ng Phyrron (short fo Phyro=fire ron=Dragon) Lady Yukii ang tawag sa kanya ng mga gang na nasasakupan nila.  Pero Ly, naman sa mga ka close niya. (Ly=Lady Yuzakii) 

"May nangyaring gulo kanina. Akala namin ikaw ang pasimuno."  umarko naman ang kilay niya sa sinabi ni Deniel Luis Grey, ang pinaka misteryoso sa lahat. Magaling umisil ng tactics at higit sa lahat, ang gwapo niya.

"Porket gulo, ako agad?" sabay sabay namang tumango ang apat. Napailing nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Yung apat naman ay umupo narin at kaniya kaniyang sandok ng pagkain.

"Ayos ah! hindi  ko pa kayo binibigyan ng permiso para umupo at kumain." sabi ni Yuzakii.

"Alam naman namin Ly, na hindi mo talaga kami aalukin."sagot ni Carlo, partida puno pa ang bibig niya.

"Tss, ano nga palang nangyari sa gulo?" tanong ni Yuzakii. Dahil busy sa pagkain ang tatlo, si Phoenix nalang ang sumagot.

"May isang lalaki ang biglang nanuntok. Tapos may pumalibot sa kaniya para pagtulungan siya pero napatumba niya naman agad ang mga yon."

"Woaah! Ganon, ang galing naman niya." tumango si Phoenix sa namamangha nilang leader.

"Kung ganon, bakit hindi mo siya inaya na sumama satin?" tanong ulit ni Yuzakii.  Hindi naman nila kailangan ng member, adik lang talaga siya sa malalakas.

"Hindi siya interesado." singit sa usapan ni Deniel.

"Nilapitan niyo siya?" tanong ni Yuzakii.

"Hindi." sagot ni Phoenix.

"Pano niyo nalaman na ayaw niya?" bakas ang pagtataka sa mukha ni Yuzakii.

"Siya ang leader ng Dark Hell."

Literal na napanganga si Ly sa sagot ni Deniel.

"Siya? Ibig sabihin, nakita niyo na ang Cold Heartless Prince?"








~~~~~
A/N:

Sabaw?  Sorry na po agad.
Hindi po ako magaling magsulat ng action, kaya akoy inyong pagpasenyahan.


The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon