"Ano nga palang balak mo Ly pagkalabas mo rito?" pang basag sa katahimikan ni Carlo.
Tinignan ko muna sila isa isa at halatang nag hihintay sa sagot ko.
"Sa Hideout muna ako titira."
"Yan din ang plano namin."
"Mas makakabuti nga yan sayo."
Sumandal ako sa headboard at sandaling pumikit. Hindi ako inaantok. Nangangawit lang ang mga mata ko.
"Pero hindi lang ikaw ang titira sa Hide out. Pansamantala rin kaming manunuluyan doon pero alternate kaming apat. Para lang may bantay ka. At yung boyfriend mo...." napahinto si Nix sa sinasabi niya. Umiwas siya ng tingin sakin at bumuntong hininga. "gusto niyang siya mismo ang magbabantay sayo."
Bigla akong nakaramdam ng saya sa tinuran ni Nix pero hindi ko ito pinahalata. Ngayon, gustong gusto ko ng umuwi. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang feeling kong ito. Arrgh!
Do I like him?
Dalawang araw ang lumipas. Matiwasay akong nakalabas sa hospital. Wala namang humarang samin at hindi naman nakarating sa mga magulang namin ang nangyari.
Alas siete na ng gabi, kakatapos lang namin mag hapunan. Kasalukuyan akong nasa kwarto, pero hindi pa rin ako makatulog. Nagpapagulong gulong na ko sa kama sa sobrang pagkabagot. Ito yata ang epekto ng tatlong araw na tulog.
"Hindi ka dapatn naglilikot."
Napahinto ako sa ginagawa ko at napaupo ng biglaan.Sa lamig ng boses niya ay nakilala ko agad kung sino ang nagmamay ari.
"Anong ginagawa mo dito?" imbis na sumagot siya sakin ay inabot niya lang ang isang basong gatas.
"Gatas? tss. Di na ko bata." inilapag niya sa sidetable ang baso na may laman na gatas. Pero natuwa ako sa ginawa niya.
"Inumin mo na 'yan at matulog ka na." yan lang ang sinabi niya sakin. Para akong tinubuan ng bulaklak sa tiyan at maraming paro paro ang nagkakagulo dito.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sa tingin ko ay hindi ako magsisisi na pumayag sa kagustuhan ni Lucas.
Kinabukasan~
Maaga akong gumising upang paglutuan sila ng almusal. Hindi ko alam kung anong gusto nila kaya nagprito ako ng itlog, bacon, hotdog at ham. Nagtoast na rin ako ng tinapay at inihanda ang keso.
Naghu hum ako habang inihahanda ang breakfast.
"Ang ganda yata ng gising mo, Ly!" bati ni Carlo.
"Good Morning, Carlo!" ngumiti ako ng malawak sa kanya. Ganon din naman siya sakin.
"Hindi mo yata kasama sila Nix?" tanong ko sa kanya. Siya lang kasi ang mag isang dumating. Sa pagkaka alam ko buong Phyrron ang magbabantay sakin ngayon.
"May dinaanan lang. Bibili yata ng pagkain." sagot niya at umupo na sa isang upuan.
"May pagkain na naman dito ah."
"Hindi nila alam. TSaka isa pa, Ly bawal kang kumilos ng kumilos diba? Baka bumuka yung sugat mo."
"Magaling na ko, tsk. OA lang talaga kayo."
"What ever, Ly," iniwan ko na muna siya doon.
Pumanhik ako sa mga kwarto para tawagin sila. Agad naman silang nagsilabasan ng marinig ang salitang almusal.
"Ikaw ba talaga ang nagluto?" tanong ni Ivan.
"Mga pare, kumain na tayo!"
kanya kanyang upo ang lahat. Si Lucas ay tahimik na umupo sa tabi ko. Sasalinan ko na sana siya ng pagkain sa plato niya, kaya lang naunahan niya na ko.
"Andyan na pala sila Phoenix!"
Pumasok sa Dining area sina Nix, Deniel at Gelo. Kung sumabay sa kanila si Carlo ay magmumukha silang F4, tsk. Bitbit ang apat na paper bags na may tatak ng sikat na fast food chain.
"Good Morning!"bati nila. Ngumiti naman ang Dark Hell except sa katabi ko na tumango lang.
"Good Morning, Ly!" bati nila sakin.
"Good Morning!" ngumiti ako sa kanila. "Umupo na kayo para makakain." sabi ko. tumayo ako para kuhanin ang binili nila at maihain na.
"Akin na muna 'yan. Ihahanda ko na." hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi ko. Maski sila ay nagbigay ng wirdong ngiti. tsk tsk.
Ibinigay nila ang mga paperbags sakin. Dumiretso ako sa kusina. Isa isang isinalin ang mga pagkain sa naglalakihang mga plato.
"Hindi ka dapat nagkikikilos." malamig na temperatura ang bumalot sa buong kusina.
"Kaya ko naman." sabi ko nalang. Hindi ko siya magawang tignan dahil sa labis na kaba. ewan ko ba, parang nagkakagulo ang looban ko.
"Ako na d'yan." kinuha niya ang dalawang malalaking plato. Hindi ko na siya nagawang pigilan dahil lumabas na siya.
Napatulala na lang ako sa ginawa niya. Sari saring imagination ang tumakbo sa utak ko. Sa maliit na bagay na yon, malaki ang epekto sakin. Gusto kong tumili at ilabas ang lahat ng saya at kilig...wait! KILIG?
Am I inlove with him?
"Lady Yuzakii!" napapitlag ako ng may tumawag sakin. Sila Ivan at Stephen.
"Ha? A-ano y-yon?" Geesh! Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba ako nagkakaganito.
"Kanina ka pa namin tinatwag. Mukhang malayo ang nilakbay ng ng utak mo." natatawang sambit ni Ivan.
Pilit kong tinago ang ngiti sa labi ko para masungitan ko sila ng maayos. Tinaas ko ang kaliwang kilay ko at matalim silang tinignan.
"What?" hinawakan ko ang chako na laging nakadikit sa katawan ko.
"W-wala po. tinatawag na kayo ni Master."
pagkatalikod ko sa kanila ay lumabas na naman ang ngiti sakin.
"Ngitian, Ly!" bumusangot ulit ang mukha ko ng magsalita si Carlo. Lahat sila ay napatingin sakin. Maski si Mr. Cold a.k.a. Lucas.
"Tss." umupo na ko sa kaninang upuan ko pero napatayo ako ng makita ang plato ko.
"Bibitayin niyo na ba ako?" naghalo halo ang pagkain sa harap ko. Isang tasang kanin, dalwang manok, tatlong ham, apat na bacon, dalawang sunny side up egg, Isang pork chop, tatlong Barbeque at apat na tinapay.
Nagkatinginan silang lahat.
"kumain ka nalang." ang malamig na boses na 'yon ang nagpakalma sakin. Arrg! Napapikit nalang ako at sumandal sa backrest ng upuan.
BINABASA MO ANG
The Cold Heartless Prince
De TodoLucius Aaron Sevilla, ang leader ng Dark Hell. Walang sinasanto na kalaban. Lahat ay kaniyang gustong pahirapan. At lahat gagawin niya mangyari lang ang ninanais niya. Lahat ay gagawin niya maipaghiganti lang ang kaisa-isang babaeng mahal niya. Ka...