CHAPTER THREE

76 2 0
                                    

~*~
Xairo

Sa loob ng tagong bahay kung saan ang hide out namin. Ginagamot ni Lady Yuzakii ang sugat ni Master. Ito ang ikalawang pagkakataon na may babae ulit na gumamot sa sugat niya.

"Pasensya na, medyo masakit 'to." sabi ni Lady Yuzakii at ibinuhos ang bote ng alcohol sa mismong sugat ni Master. Pero parang balewala ang paalala niya dahil parang hindi nakaramdam ng sakit si Master Lucas. Samantalang kami ay nag iiiwas ng tingin. Hss.

"Ano nga palang ginagawa mo dito, Lady Yuzakii?" tanong ni Hiron. Kanina pa siya titig kay Lady Yuzakii napaghahalataan, eh!

Ngumiti si Lady Yuzakii na lalong nagpalitaw ng ganda niya. Tsk, parang hindi totoo na dapat siyang katakutan. Ang ganda niya naman kasi.

Tumigil muna siya sa paglalagay ng bandage sa tagiliran ni Master at tumingin kay Hiron.

"Sa totoo lang, hindi ko din alam eh. Dinala lang ako ng mga paa ko dito." sagot niya.

"Sa Winter University ka nag aaral, right? Yung uniform mo kasi." tanong naman ni Ivan. Tumingin naman si Lady Yuzakii sa uniform niya.

"Yep, may klase pa nga sana ako, e," sagot niya.

Itinuloy niya ang pagbebenda pero napatigil din siya ng si Master na ang magtanong.

"Bakit ka nag cut?"

Napatingin si Lady Yuzakii kay Master pero agad din na nag iwas.

"Alam niyo naman na gang leader ako, diba? Yung mga kaibigan ko na ka gangmate ko, ayaw ako payagang lumaban mamaya. Baka daw mapahamak lang daw ako." pagkukwento niya.

Nilagyan na niya ng pin ang benda para hindi matanggal.

"Ah, Lady Yuzakii. May itatanong sana ako sayo. May nalalaman ka ba sa Gang War two years ago?" hindi ko alam kung bakit ko natanong 'yan. Bigla malang lumabas sa bibig ko.

Napaisip naman siya ng malalim. Lahat kami ay nakatingin sa kanya at naghihintay na sumagot.

"Nung oras ng Gang War. Nahuli ang dating n'on ang Phyrron which is my gang. Hindi dapat ako makikisali doon pero punakiusapan ako ni Ate Yunice na iligtas ko ang bestfriend niya. Kahit alam kong delikado ay pumunta kami. Ang nakakalungkot lang...." napahinto siya sa pagkukwento at ikinuyom ang kanyang kamao.

"Namatay pa rin siya. Ginawa ko ang lahat para maprotektahan siya. Nagpaiwan ako para kalabanin ang mga humarang samin at para makaalis na siya sa abandonadong lugar na yon."

~*~
Flashback
(Yuzakii's POV)

Mula sa mataas na palapag ng abandonadong gusali. Nakatingin kami sa baba na nagkakagulo. Kasalukuyang nagaganap ngayon ang Gang War.

"Sigurado ka ba Ly, na nandito ang bestfriend ng Ate mo?" tanong sakin ni Nix.

"Oo, at nandoon siya sa gitnang palapag ng katapat nating gusali." sagot ko. Nakikita ko na kasi siya gamit ang telescope.

"Pinapahirapan siya ng ilang Gang. Kaya kailangan na nating magmadali." wika ko. Agad akong tumakbo pababa ng building,sumunod naman sila sakin.

"Ano ang nakita mo?" tanong ni Gelo habang tumatakbo kami.

"Nakatali siya sa isang upuan habang hinahampas ng latigo at sinusuntok."

Lalo kong binilisan ang pagtakbo. Sigurado akong hindi niya kakayanin ang ganong pasakit dahil hindi siya sanay. Sa pagkaka alam ko kay Ate, ang boyfriend ng bestfriend niya ay pinakamalakas na gangster kaya nadamay lang si Sophia. At ginawa 'yon ng ibang gang para matalo nila ang Dark Hell.

Nang makarating kami sa unang palapag. Marami ang humarang samin.

"Gelo, Deniel, kayo na ang sumama kay Ly! Kami ng bahala ni dito, susunod nalang kami ni Carlo." sabi ni Nix. Agad namang tumango ang dalaw.

"Mag-iingat kayo. Please." ngumiti sila sakin at sabay na tumango.

Sumugod na sila sa mga humarang samin.

"Tara na, Ly." sabi ni Gelo. Siya ang nasa harapan ko samantalang si Deniel ay nasa likuran ko naman.

Sa ikalawang palapag, marami parin ang humarang samin. Ang iba ay under ng Phyrron kaya wala na silang nagawa kundi ang padaanin kami.

Sa ikatlong palapag. Nagpaiwan si Deniel upang kalabanin naman ang ibang gang na naroon. Para kapag lumabas na kami ay wala ng haharang. Si Gelo nalang ang kasama ko ngayon, susunod naman ang tatlo kapag natapos na sila.

Pagkarating namin sa ika apat na palapag ng gusali. Kung nasaan ang kinaroroonan ng kaibigan ni Ate. Mas marami ang gang na narito. At sa pagkakatanda ko, sipa ang gusto ring kumalaban sakin. Mga ganid sa kapangyarihan!

"Lady Yuzakii." bati sakin ng ibang gang. Kilala ako ng iba sa narito dahil ang gang nila ay under ng kapangyarihan namin. At ang iba, kilala kami dahil ang Phyrron lang naman ang Rank 2 sa buong Gangster world.

"Oh, mukhang tiba tiba tayo. Magiging rank 2 ang iba sa inyo kapag napatay niyo ang babaeng 'yan!" wika ng matabang lalaki nasa likod ni Sophia. Siya ang may hawak ng latigo.

"Dadaan muna kayo sakin, bago niyo makalaban ang leader namin!" malakas na sabi ni Gelo.

"Ly, habang kinakalaban ko ang mga humaharang sayo. Puntahan mo na yung babaeng nasa silya at iitakas mo na." bulong niya sa kin.

"Pero paano ka?" tanong ko. Alam kong malakas siya pero marami ang kalaban.

"Huwag kang mag alala sakin, Ly. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa, parating naman na siguro sila Nix para tulungan ako. Ang importante ngayon ay maligtas ang kaibigan ng Ate mo."

"Tama na ang daldalan. Patayin na sila!" utos muli ng lalaking may latigo. Hindi ko maalala kung sino siya.

"Tss. Sige na Ly." sumugod ang ilan kay Gelo. Samantalang ang iba ay sa gawi ko patungo. Pero hindi pa sila nakakalapit ay nakahiga na sila. May mga nakatarak na kutsilyo sa nga hita at tiyan nila. Sigurado akong may mga lason 'yon.

"Ayos ka lang, Ly?" tanong ni Carlo. Sila pala ang naghagis ng mga punyal.

"Yeah, thanks!"

Ginuide nila ang daraanan ko. Hanggang sa makalapit ako sa babaeng puro sugat ang katawan at sa matabang lalaki na may hawak na latigo.

"Sa tingin mo ba makukuha mo ang alas namin laban sa Dark Hell? Kailangan mo muna akong matalo!" tss. Masyadong mayabang. Siguro ang taba niya ay purong hangin.

Inamba niya ang latigo niya sakin. Lumingon ako sa paligid para maghanap ng pwedeng gamiting panlaban. Wala akong balak gamitin sa kanya ang precious chako ko. Wala siyang kwenta.

"Ly, Catch!" sigaw ni Carlo.

Lahat kami halos ay napatingin sa kanya. Inihagis niya sakin ang pares ng arnis. Ngumisi ako sa kanya at nag thumbs up siya sakin.

'Now I'm ready.'

------------------------------------------------------------
Ayelle:

Hi! Sorry kung pabitin. Masyadong mahaba kaya sa next chap. Ko nalang nilagay. Salamat sa pagbabasa!

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon