CHAPTER THIRTEEN

58 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Wine?" alok ng isang lalaki kay Yuzakii ng alak. Wala sa sariling tinanggap ito ng dalaga.

"Mukhang may problema ka." wika ng lalaki habang pinanonood ang ekspresyon ng mukha ni Yuzakii.

"Mmm," tumango ang dalaga at walang alinlangang ininom ang alak na inabot ng lalaki sa kanya.

"Pwede mong sabihin sakin 'yang problema mo." mahinang sabi ng lalaki.

Tinignan siya ni Yuzakii.
"Tss. I don't trust you." ibinaling na ni Yuzakii ang tingin sa bartender. "Give me all your hard liquor..." naputol ang sasabihin niya ng magsalita ang bartender.

"Ma'am, may kasama po ba kayo?"

Nagtaas ng kilay si Yuzakii.

Nakaramdam naman ng pagkatakot yung bartender. "Ah...Ma'am bawal po kasi kaming magbigay ng hard drinks sa mga female customers namin kung walang kasama. Hindi po kasi namin ma se secure yung safety ninyo." lakas loob na paliwanag ng bartender.

"Anong klaseng bar 'to kung ganon?" mataray na tanong  ni Yuzakii.

"Ibigay mo na yung order niya. Ako nang bahala sa kanya." agad na tumalima ang bartender.

Tumingin naman si Yuzakii sa lalaking katabi niya. "Umalis ka na. Hindi kita kailangan."

Napangiti ang binata sa pinakitang katarayan ni Yuzakii. Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus ay sinabayan pa niya ito uminom ng alak na nakahain sa harap nila.

"Mukhang malaki nga talaga ang problema mo." ani ng lalaki.

Hindi siya pinansin ni Yuzakii. Tuloy lang ang dalaga sa paglagok ng alak.

"Anyway, I'm Bailen James." inilahad niya ang kamay niya. Hindi iyon tinanggap ng dalaga.

"Gusto kong malaman ang pangalan mo, miss." aniya.

Hindi tumugon ang dalaga, chineck niya ang kaniyang relo at parang may hinihintay kaya tinanong siya ng binatang katabi niya.

"May kikitain ka ba?" naagaw ng tanong niya ang atensyon ni Yuzakii.

"Wala kang pakialam." ani ng dalaga.

Nanahimik nalang si Bailen dahil masyado na siyang napapahiya. Hindi niya akalain na may itataray pa pala ang dalagang katapat niya at mukhang badtrip pa ito.

Lumipas ang ilang oras patuloy lang sa pag-inom ang dalaga at ang katabi niyang binata ay sinusubukan na siyang awatin.

"Hindi pa nga ako lasing!" pasigaw na turan nito.

"Lasing ka na nga, miss."

"Iwan mo na nga ako!" ani nito.

Hindi nalang sumagot ang binata. Naisip niyang hintayin nalang itong mawalan ng malay para hindi na makapag kulit ngunit naalala niya na hindi pa nga pala niya kilala ang babaeng katabi niya.

"Ayoko na!" huling salitang nasabi ni Yuzakii bago siya makatulog.

"Mukhang knock out na si Ma'am, Sir." ani ng bartender habang nililigpit ang lahat ng baso.

"Tss. sinabihan ko na siya kanina." sagot ng binata. Binayaran niya ang bill ni Yuzakii. Pagkatapos ay inakay na niya ito palabas ng bar.

"Bailen?" boses ng isang pamilyar na babae ang tumawag sa kanya.

"Krisha?" ngumiti ang tinawag niyang Krisha pero napawi 'yun ng makita niya si Yuzakii na akay ni Bailen.

"Bakit mo siya kasama?" tanong niya rito.

Kumunot naman ang noo ni Bailen at nagtataka ang mukha.

Napailing naman si Krisha, "She's the leader of Phyrron Gang. Hindi mo alam?"

"Ibig bang sabihin siya ang..." hindi siya natapos dahil sa pagpuputol ni Krisha.

"Eeeww! Manahimik ka na. Ang mabuti pa idispatsa mo na 'yan!" ani nito.

"Teka, Krisha. Tutal kilala mo siya, ikaw na ang maghatid sa kanya." suggestion ni Bailen.

"What?!" hindi na siya naka angal ng ipasok ng binata si Yuzakii sa sasakyan ni Krisha.

"Pumunta ka sa Head Quarters pag katapos. Bye!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon