CHAPTER FOUR

72 2 0
                                    

Continuation...

~*~
Yuzakii


'Now I'm ready.'

Pumorma ako para kalabanin ang matabang may latigong 'to. Hinampas niya papunta sakin ang latigo pero nabilis kong pinan depensa ang arnis. Kahit alam niyang walang pag asa ang paghampas niya ng latigo sakin ay patuloy niya pa ring ginagawa. At, ako? Patuloy lang ako sa pagsangga.

Pero lahat ng tao ay nagsasawa. Kinuha ko ang dalawang pinakamaliit na kutsilyo sa pocket knives ko. Inihagis ko iyon sa kamay niya. At dahil magaling akong umasinta ay sumakto 'yon sa target. Nahitawan niya ang latigo at tumalsik sa medyo malayo sa kanya.

"Good job, Ly!" sigaw naman ni Deniel at ngumiti sakin. Ngumisi din ako sa kanya.

And for my final wave. Lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan siya.

"Hindi porke't maliit ako, pwede mo na kong maliitin. Tandaan mo'to, Ang  mga maliliit ay mas angat sa malalaki!" binigyan ko siya ng isa lang naman na napakalakas na suntok sa mukha. Kaya nitong magpatulog ng tatlong araw. At hinampas ko rin siya ng arnis sa ulo para siguradong hindi na siya magigising pa.

Pagkatapos ng laban ko sa baboy na yon. Lumapit na ako sa bestfriend ni Ate. Dahan dahan kong tinanggal ang tape sa bibig niya.

"Salamat...S-salamat!"  bungad niya agad sakin. Napansin kong mugto ang mata, may tumulo pang luha galing rito. At namamaos na ang boses niya.

"Hush, Sophia. Huwag ka ng umiyak. Makakaalis ka rin dito."sabi ko sa kanya.

Tinanggal ko na rin ang pagkakatali sa kanya sa upuan. Nakaka awa ang itsura niya. Ang dami niyang sugat at punit punit pa ang damit niya gawa ng latigo.

"Kaya mo pa bang tumayo?" tanong ko. Tumango siya sakin.  Inalalayan ko siya para makatayo ng maayos. Napayakap siya sa sarili niya dahil sa lamig sa paligid. Hinubad ko ang suot kong black leather jacket at isinuot sa kanya.

"S-salamat t-tal-laga sayo, Y-Yuzakii." sabi niya sa mahinang boses.

"Wala 'yon. Kay Ate Yunice ka dapat siguro magpasalamat. Siya ang nagpapunta sakin dito. Mahal na mahal ka ni Ate para ka na rin niyang kapatid. Tsk, parang mas mahal ka niya kesa sakin. Haha! Biruin mo pinapunta niya ako dito kahit alam niyang delikado, maligtas ka lang." sumilip ang malungkot na ngiti sa labi ko, dahil yon ang nararamdaman ko.

"Pero ayos lang. Kasi pinagkatiwalaan niya ako na iligtas ka. Kaya tara na!" hinawakan ko ang braso at bewang niya para alalayan.

"Ly, umalis na kayo dito. Carlo, Deniel, samahan niyo na si Ly." sigaw ni Nix. Agad namang sumunod sina Carlo at Deniel. Sila ang nauuna samin. Tulad kanina ay gina guide nila kami para makalabas ng matiwasay. Pero pagkarating namin sa unang palapag. Maraming nag aabang sa paglabas namin.

"Shit/Fuck!" sabay sabay naming bulalas. Inabangan talaga nila ang paglabas namin.

"Kunin niyo ang babaeng akay nila at Patayin niyo ang leader ng Phyrron!" may sumigaw non pero hindi makilala kunh sino dahil medyo madilim sa gawi nila at marami sila.

"Tsk. Mga sabik sa kapangyarihan." sabi ni Deniel.

"Ly, sa likod na kayo dumaan." sabi naman ni Carlo.

"Maiiwan na naman kayo?" tanong ko sa kanila. Sabay naman silang tumango. Kahit labag sa loob ko ay sumunod ako sa sinabi nila. Kahit ako ang leader ng grupo namin, may kailangan pa kaming iligtas.

Sa likod ng abandunadong gusali kami dumaan ni Sophia. Nakalabas na kami. Kailangan nalang namin pumunta sa ligtas na lugar. Pero nagtataka ako, nasaan ang boyfriend ni Sophia?

"Akala niyo ba matatakasan niyo kami?" nagulat kami ng biglang may nagsalita. Labing tatlong kalalakihan na naman.

"Sophia, kailangan mo ng umalis." sabi ko.

"Pero paano ka? Hindi ka pwedeng maiwan dito ng mag isa kasama sila. Delikado!" sabi niya. Mukhang medyo nakabawi na siya ng lakas.

"Ikaw ang dapat makaalis dito. Delikado para sayo. Ako nang bahala sa kanila." ngumiti ako ng bahagya aa kanya.

"P-per..." hindi ko na siya pinatapos.

"Umalis ka na, Sophia. Hinihintay ka na ng boyfriend mo."

Ngumiti siya bahagya. "Hanggang sa muling pagkikita natin, Yuzakii." binitiwan na niya ang kamay ko. Tumungo siya sa tatlong lalaking nakasuot na kulay red na panloob at black jacket. Sigurado akong sila ang Dark Hell.

Sumugod sakin ang lima sa labing tatlong lalaki. Inihanda ko ang sarili ko. Gamit ang arnis, mabilis ko silang hinampas. Wala na akong pakialam kung mapuruhan sila. Ang iba ay sa ulo ko na hinahampas.

Hanggang sa tatlo nalang anh natitira.  Susugod na sana ako sa kanila. Pero napahinto ako ng makarinig ng tatlong sunod sunod na putok ng baril. Bigla akong tinamaan ng matinding kaba. Parang may sariling utak ang katawan ko at tumingin sa gawi kung saan tumakbo si Sophia.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang nakahiga habang sapo sapo ng isang lalaking may madilim na aura.

"Sophia!" sigaw ng leader ng Dark Hell na may hawak sa katawan ni Sophia.

Ang traydor kong luha ay biglang tumulo...

Nabigo ako! Hindi ko siya nailigtas! Hindi ko siya nauwi ng buhay!

"Ly!" narinig ko ang sabay sabay na pagsigaw ng Phyrron. Tumingin ako sa kanila. Nakita kong nakatingin sila sa may bandang likod ko. Kaya tumingin din ako kung saan sila nakatingin. May isang tao sa di kalayuan ang may hawak ng baril at nakatutok sakin.

Hindi ko siya makilala dahil sa suot niyang itim na hoodie at mask.

*BANG!

Napaupo ako dahil sa lakas ng impact ng bala.

"Ly!" lumapit sila sakin at nakita ang daplis na bala sa braso ko. Dahan dahan akong tumayo. Hinawakan ang parteng may daplis.

Kumuha si Deniel ng panyo at itinali sa braso ko. Pagkatapos ay sabay sabay kaminh tumakbo para habulin ang bumaril sakin. Pero nabigo kami. Pagkarating  namin sa parking lot, naka alis na siya sakay ng isang kulay itim na motor.

"Wala siya. Umalis na rin tayo." sabi ni Carlo.

"In two minutes, sasabog na ang lugar na to. Kailangan na nating umalis." sabi naman ni Deniel.

"Ly, kaya mo pa bang magmaneho ng motor mo?" tanong sakin ni Nix.

Tumango ako sa kanya. Hindi naman pwedeng iwan ang motor ko dito. Baka sumabog din.

Kanya kanya kaming sumakay sa mga motor namin. Pero naagaw ng pansin ko ang isang papel na nakadikit sa speedometer ng motor.

Lady Yuzakii, Leader of Phyrron

Dahil sa pangingialam mo. Pababagsakin na rin namin ang grupo mo! Ikaw ang susunod naming papatayin! Maghanda ka na! Ikaw at ang leader ng Dark Hell.

-B.L.A.C.K-

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon