CHAPTER ELEVEN

37 0 0
                                    

Yuzakii
~•~

"Ly, sasama ka ba samin sa gym?" tanong ni Gelo.

"yep." simpleng sagot ko at tinutusok tusok ang manok na nasa plato ko.

"No." tumingin kaming lahat kay Lucas. "Hindi pa magaling ang sugat mo." dagdag niya.

"Pero ayos na ko." sabi ko.

"Sumunod ka nalang."

"Tama si Lucas, next time ka nalang sumama samin, Ly." pagsang ayon ni Deniel.

"Lahat ba kayo, pupunta ng gym?" tanong ko. Nasa kabilang bahay lang naman ang gym namin.

"Oo.." sagot ni Nix. "Pero kung gusto mo...." hindi siya natapos sa sasabihin ng magsalita ulit si Lucas.

"Maiiwan ako." nagulat ang lahat sa kanya.

So, ayun nga. Nagsialisan silang lahat at kami lang ni Lucas ang naiwan. Wala akong ibang ginawa kundi ang umupo sa sofa at panoorin si Lucas na nagpupush up.

"Wala na ba akong pwedeng gawin kundi ang umupo?" humalukipkip ako at bored siyang tinignan.

Napatigil siya sa ginagawa at saglit na sumulyap sakin. As in saglit!

teka teka! Bakit ba ako nagrereklamo? Eh ano kung hindi niya ako tignan? Aish!

"Kumain ka." yun lang? Yun lang ang sinabi niya.

"Kakakain ko lang." inis na sabi ko.

"Matulog ka."

"Maaga pa."

"Manahimik ka." oh! What the hell!

"Hindi ko kaya." ngumisi ako sa kanya.

"Magpakamatay ka." Fuck it! ang gandang suggestion. Matry nga! tch.

"Okay!" tumayo ako at pumunta sa isang drawer. Alam ko ay may mga swiss knife doon.

"What the hell are you doing?" tuluyan siyang tumigil sa pag pupush up at lumapit sakin. Parang hindi naman siya nag aalala sa gagawin ko eh!

"Naghahanap ng swiss knife. magpapakamatay ako!." hindi ko pinahalata ang pagkainis ko.

"Tss. Here." napasinghap ako ng iabot niya sakin ang isang kutsilyo. Seryoso? napaka Heartless talaga ng prinsipeng 'to!

Akala mo hindi ko kayang gawin huh? Tss. Let's see!

Inabot ko ang kutsilyo at dali daling bumalik sa sofa. itinutok ko ito sa palapulsuhan ko. Nakikita ko sa peripheral vission ko na nakatingin lang siya sakin at nakahalukipkip.

Hindi ba niya ako pipigilan? oh, well, Yuzakii. Obviously, hindi ka niya pipigilan, why? siya na nga nagsuggest na magpakamatay ka diba? Para wala na siyang bantayan at makasama na siya sa mga ka Gang niya.

Idiniin ko sa balat ko ang patalim. Nakaramdam na ako ng paghapdi at nakikita ko na ang pagdugo ng sugat. Shit! what am i doing? Nababaliw na ata ako!

"Damnshit!" mabilis niyang inagaw ang kutsilyo pero huli na. may sugat na ako!

"Are you crazy, woman?" bulyaw niya.

Napangisi ako ng makita na nagbigay na siya ng ekspresyon. galit nga lang.

"Ikaw naman ang nag suggest eh!"

"At naniwala ka naman!" yieeh! kinikilig ako. Concern ba siya sakin?

"Kung kinakausap mo kasi ako ng maayos!" sumigaw na rin ako pabalik.

"Kinakausap kita ng MAAYOS!" nagsilabasan ang ugat niya sa noo at bandang leeg. Sign na sobramg galit na siya.

Napayuko ako para maiwasan ang tingin niya. "Sorry, babalik nalang ako sa kwarto ko."

Aalis na sana ako ng higitin niya ang palapulsuhan ko na may sugat.

"Bitiwan mo ko, Lucas!" humarap ako sa kanya at nakita ko ang nanlilisik niyang mga mata.

"Gagamutin natin 'yang mga sugat mo." kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Aish! huwag kang magpapahuli Yuzakii! Huwag muna..

"Kaya ko ang sarili ko." pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito.

"Huwag ka ng maarte."

"Hindi ako maarte!" kainis. Sa lahat ng sasabihin, pagiging maarte ko pa na hindi naman totoo. My ghad!

"Maarte ka!" bulyaw niya. Hindi na ako sumagot sa kanya. Kung yun ang paniniwala niya. mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong sarado para sayo. So, shut up nalang ako.

Uminit ang gilid ng mata ko. Prang may mainit na tubig ang nagbaadyang tumulo.

"Bitiwan mo nalang ako." mahinang sabi ko. Nawawalan na ako ng energy sa kanya. unti untng lumuwag ang pagkakawak niya sakin. Malaya nang tumulo ang dugo sa braso ko.

Bago pa siya makapag sabi ng maarte ako. umalis na ko agad. Nilock ko ang kwarto ko para walng makapasok. Matutulog nalang muna ako.

Hindi ko na nabilang kung ilang oras akong nakatulog sa kwarto ko. Nagising nalang ako sa lakas ng kalampag sa may pintuan.

"Ly! Buksan mo yung pinto!" sigaw ng Phyrron pero nangingibabaw ang boses ni Carlo.

'Hindi kaya tinuluyan niya na sarili niya?'

'Manahimik ka nga, Carlo! Hindi 'yan gagawin ni Ly!'

'Sabi ko nga eh. Shut up nalang si gwapong ako."

'Sana pala sinama nalang natin siya sa GYm'

Tss. Nasa huli talaga ang pagsisisi. tumayo ako para pagbuksan sila ng pinto. Hindi nila ako agad napansin dahil nagchichismisan pa sila..

"Katukin mo nga ulit, Carl." utos ni Nix at ngumisi. Ang madaldal na si Carlo ay agad na sumunod. Pagkaharap niya sakin ay agad ko siyang tinaasan ng Kilay.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko. Ginamit ko ang malayelo kong boses. Pero kahit na magpa cold ako ngayon, hindi ko pa rin mapapantayan ang coldness ni Lucas. tsk.

"Ah- A-ano uhh.." nauutal siya at hindi mahanap ang kanyang salita.

"What?" nag iwas sila ng tingin.

"Dinner." simpleng sagot ni Nix. Tumango ako sa kanya bago bumalik sa kwarto..

Nagpalit muna ako ng damit bago pumunta sa dining. Pagkarating ko ron, lahat ng mata ay sakin nakatingin. Hindi ko nalang 'yon pinansin. Dumiretso ako sa upuan ko at iniiwasan ang tingin ni Lucas.

"Lady yuzakii, may problema ba?" tanong ni Hiron.

"Wala." tipid na sagot ko.

"May masakit ba sayo?" tanong naman ni Ivan..

"Wala."

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon