CHAPTER EIGHT

72 1 0
                                    

Masyado silang overprotective sakin. Nitong mga nagdaang araw. Hindi ako pwedeng umalis nang wala ni isa sa kanila ang sasama. Kahit sa pagpunta ko sa powder room ay may nagbabantay sa labas, kung hindi si Nix, si Gelo o Deniel ang maaabutan ko. Pero ang mas nakakagulat ay ngayon.

"Bakit ikaw ang nandito?" tanong ko kay Lucas na nakasandal sa pader ng ladies room.

"Hinihintay ka." tipid na sagot niya. Tumango nalang ako sa kanya. Hinawakan kong maigi ang strap ng backpack ko at sumabay sa kanya sa paglalakad.

Habang naglalakad kami sa hallway. Nag umpisa na naman ang bulong bulungan. Nagtatanong muli kung bakit kami magkasama ni LUcas. Then, Lucas held my hand, lalong napa gasp at lumakas ang mga bulong ng mga tao dahil sa ginawa niya. Humigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay dahil nagtitimpi ako. Malapit na uli akong mapuno.

"Damn it!" bulalas ko ng may matapon ng juice sa damit ko. Isang nerd ang nakaluhod sa harapan, hawak hawak ang isang baso na wala ng laman. Sa tingin ko ay tinulak lang siya. Nakarinig ako ng bungisngisan sa may gawing kaliwa ko. tatlong babae ang nakangisi ng humarap sakin.

"What the hell is your problem, bitch?" inis na tanong ko. Tinaasan lang nila ako ng kilay. Hindi yata nila alam na masama akong magalit. Binitawan ko ang kamay ni Lucas. Mabilis ko naman iyong natanggal dahil hindi naman mahigpit ang hawak niya, parang napilitan nga lang eh. Tsk, anong magagwa ko fake lang naman kami.

Lumapit ako sa tatlong mga babae na mukhang talampakan ng Dinasour.

"Now, bring out your ass!" inis na sabi ko. Umikot ang mga mata nila sa ere at pumalibot sakin. Tinignan ko muna ang kinaroroonan ni Lucas. Nakatingin lang siya sakin, wala akong makitang emosyon sa mata niya kaya umiwas na ko ng tingin. Hindi niya manlang ako pinipigilan.

"Hindi porket nakakasama mo ang leader ng Dark Hell matatakot na kami sayo. Duwag ka pa rin, dahil umaasa ka lang sa kanila." sabi ng isa na nasa harap ko.

"siguro ay nagpapa awa ka lang sa kanila para maprotektahan ka." sabi naman ng nsa kaliwa ko. Alam ko na ang susunod namagsasalita ang babaeng nsa kanan ko. Kaya inunahan ko na siya. Mabilis ko siyang sinampal at napaupo siya sa semento sa lakas nito.

"Gosh! Erika, are you okay?"

"How dare you!" akmang sasampain ako ng nasa harap ko. Mabilis kong nahawakan ang kamay niiya bago pa ito lumapat sa pisngi ko. Hinigpitan ko ang hawak sa braso niya hanggang sa mamilipit siya sa sakit.

"Ouch! let me go!" tinaasan ko ng kilay at hindi pinansin ang pagmamakaawa niya.

"Bitiwan mo siya!" dahil nakapokus lang ako sa kaharap ko, hindi konapansin na may dalawa pa pala kong hindi nabibigyan ng leksyon. marahas kong binitiwan ang braso niya.

Humarap ako sa babaeng nasa kaliwa ko. Nagulat siya ng bigla kong haltakin ang buhok niya.

"Ahhh! bitiwan mo yung buhok ko!" pilit niyang tinatanggal ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ko. Habang sinasabunutan ko ang isa, biglang sumugod ang Erica daw. Agad ko siyang sinipa sa sikmura niya.

"Tama na yan." malamig na tinig na nang galing sa likod ko ang nagpahinto sakin. Kusang bumitiw ang kamay ko sa buhok ng babae. Natulala ako dahil parang huminto ang mundo ko. Tumahimik ang paligid tanging ang pintig lang ng puso ko ang naririnig ko.

"LY!" nahinto ako sa pagde daydream ng biglang may tumawag sakin. Lumingon ako sa pinangggalingan ng boses ng Phyrron. Tumatakbo sila sa gawi ko. Si Lucas naman ay bigla akong inalalayan. hindi ko alam kung bakit, para silang kinakabahan.

"Ly!" nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanila. Nagkagulo ang lahat ng nasa hallway. Tinignan ko si Lucas para magtanong pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Unti unti nanlalabo ang aking paningin. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

"Aimi." napangiti ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Kahit na malamig ang tinig na ginamit niya.

"I *cough* cant breath." sinapo ko ang dibdib ko. Parang huminto na ang pagpintig nito.

Bago ako yakapin ng dilim, isang pigura ng tao sa di kalayuan ang naaninag ko.

THIRD PERSON'S POV

Sa hallway habang naglalakad ang dalawang magkasintahan ay sinusundan sila ng isang di kilalang tao. may hawak itong baril. Alam ni Lucas na may sumusunod sa kanila, hinayaan niya lang ito at nagpanggap na walang alam.

Habang nakikipag away si Yazukii ay pinagmamasdan siya ni Lucas at ng sumusunod sa kanila.

Gumamit ng silencer ang taong sumusunod kina Lucas. pumunta siya sa tagong lugar at itinutok sa dalagang nakatalikod sa kanya ang baril.

Isang putok na baril lang ang ginawa niya. Mabilis na nagkagulo ang tao sa hallway kaya nakisabay siya sa takbuhan ng mga estudyante.

"Aimi." mahina at malamig na tinig ang lumabas sa bibig ni Lucas. Lumabas ang ngiti sa labi ni yuzakii bago niya ipikit ang mga mata niya.

"Shit! Tumawag na kayo ng ambulansya!" sigaw ni Carlo. Nataranta naman ang iba at kanya kanyang labas ng cellphone. Pero npatigil din sila nang buhatin ni Lucas si Yuzakii.

"Mas mapapadali kung tayo na ang magdadala sa kanya sa ospital." wika nito. Nakasunod sa kanila ang iba nilang kasama.

"Stephen, Ivan, Itrack niyo ang lahat ng mga sasakyan na lumabas sa Campus." utos ni Lucas.Agad namang sumunod ang dalawa.

Sa Hospital.

Nagmamadali ang mga doctor at nurses na asikasuhin ang anak ng may ari ng Hospital. Si Yazukii.

"Mukhang nag uumpisa na silang kumilos." paumpisa ni Deniel ng huminahon ang atmosphere.

"Kailangan nating mag doble ingat. Hindi sila marunong lumaban ng patas." sabi naman ni Gelo.

"Mga patalikod kung kumilos ang mga kalaban natin. Kaya kailangan natin ng matindi at magandang strategy para maprotektahan si Ly." Si Nix ay parang hindi mapakali. Maraming gumugulo sa isip niya.

"kailangan na natin mag isip ngayon ng plano." sabi naman ni Carlo na seryoso na rin.

Habang nagsasagawa ng mga dapat gawin. Si Lucas ang magiging laging kasama nito. At para masiguro talaga ang kaligtasan ng dalaga ay sa Secret Hide Out na ng Phyrron ito pansamantalang titira. Ganon din si Lucas para mabantayan si Ly.

The Cold Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon