Chapter 19: Kidnap

122 9 2
                                    


Jandy's POV

May narinig akong baril na pumutok kaya nagising ako.

"Ate Divine?!" Tanong ko. Nagulat ako. Nakita ko si ate nakabulagta sa harap ng pinto yung walang malay.

"Hey little princess, andyan kalang pala." Sabi ng lalaki na naka mask. Pumunta sya saakin at binuhat ako. Hindi ako makakilos. Naguguluhan ako. Ano to Kidnap!? Kumakawala ako.

"Saan nyo ako dadalin?!" Tanong ko. Hindi sya kumikibo at sinakay ako sa van. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko magawa. May ininjection sya para manghina at makatulog ako. Sa ganung kabilis na kidnap na ako?!

Nagising nalang ako sa isang malaking budega nakita ko may anim na lalaking naka mask. Yung isa may kinakausap sa cellphone.

"Hey bro, ako to si Vince Dervouse. Kamusta ka Tyler Sandoval?" Tanong nya. Sino si Tyler Sandoval? Wala akong alam sa mga nangyayari. Bakit nya ako kinidnap!?

[Don't you dare touch her!!"] Tyler. Bakit ka boses ni Lawrence? Wala akong naiintindihan!!

"Easy bro, pumunta ka dito. Dalin mo lahat ng tropa mo. Sama mo si Dwight at Jayson." Sabi nya. Bakit kilala nya si kuya at ang pinsan ko?!

"Hoy! Sino kaba?!" Tanong ko. Lumipat saakin yung tingin nya. WTH! Parang pamilyar sya pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita.

[Shantal?! Okay kalang?] Tanong ni Tyler. Sino ba si Tyler?! Bakit nya ako kilala? Bakit nya kaboses si Lawrence?!

"Beautiful Princess, gusto mo kausapin ang pinaka mamahal mong Tyler? Ngayon mo nalang maririnig ang boses ya dahil kataposan nyo ng dalawa." Sabi nya habang lumalapit saakin.

"Wag kang lalapit!!" Sigaw ko pero hindi pa din sya tumitigil. Pinatay na nya ang tawag nya kay Tyler.

"Why? Akin ka na ngayon." Sabi nya. Lumapit sya saakin at umupo sa upuan na medyo malayo. Kung pwede ko lang tong suntukin gagawin ko pero ang higpit ng pagkatali ng kamay ko.

"Shantal!!" Sigaw ni Lawrence?! Nakita ko sya kasama sila Kuya Dwight at Jayson papasok sa pintuan ng budega. Sino si Shantal?!

"Bro! Andito na pala kayo!" Bati ni Vince. Gago ba to?! Kidnapin daw ako at saka binati sila kuya ng ganon?! Close ba sila at pakana lang nila ang lahat?! Pero mukha naman silang seryoso lalo na si Lawrence mag e-evolve na yata sa sobrang galit.

"Lawrence!!" Sigaw ko. Sinuntok nya ang mga tauhan pero ang lalakas. Napatumba nila ang lahat.

"Sige alis na ako. Nalaman kona na si Jandy Lim Mendoza ay si Shantal Montereal. Thank you sa inyo." Sabi nya at kabod nawala. Lumapit saakin si Lawrence na alalang alala. Habang sila kuya walang pake saakin at sinusuri ang mga naka mask na lalaki. Hindi pa sila patay. Binuhat nila kuya papuntang sa isang sasakyan ang mga taong naka mask at umalis.

"Okay ka lang?" Tanong nya. Tumango ako. Kinalagan nya ako at inalalayang tumayo. Naglakad na kami papuntang sasakyan.

"Ano ba yung mga sinasabi ng lalaki na yun?" Tanong ko. Hindi sya kumibo at pinaandar na nya ang kotse kaya natahimik ako.

"Magiingat ka sa susunod." Sabi nya. Tumango ako.

"Thank you, dahil niligtas mo ako." Sabi ko. Hindi na sya kumibo.

After 20 munites...

"Bye na. Thank ulit." Sabi ko tsaka lumabas ng kotse.

The Gangster's Hidden Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon