Chapter 23: Mom!

207 9 5
                                    


Shantal's POV

2 months later...

Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Na realize ko na ginawa lang nila saakin yun para sa kapakanan ko. Sa una parang hindi ko matangap na ako yung heir pero siguro destined ako na maging heir talaga. Pumunta ako sa Underground Laboratory ng Mansion kung saan kami may meeting tungkol sa magiging heir. Narating ko iyon at umupo saharap nilang lahat.

"I will. Ako ang magiging heir ng Montereal Family. Ako ang magiging Boss sa Mafia. Magiging matatag at malakas ako. Magbabago ako para sa Mafia. Ako na ngayon si Shantal Montereal ang heir ng Montereal Mafia." Sabi ko hindi ko mapigilang maiyak niyakap ako ni Law---Tyler. Namuo ang kaba at inis minsan ang puso ko.

"Lets eat na. Sa Sandoval High kayo magaaral. Simula ngayon madami na tayong mga meeting." Sabi ni tita at mom. Umupo ako sa tabi ni Tyler. Nakipag kwentuhan kami ngayon hindi na ako naguguluhan, ako na ang boss ng Mafia simula ngayon. Isasakripisyo ko ang buhay ko para sa Mafia.

Pinagpaalam ako ni Tyler na may pupuntahan kami. Surprise daw eh.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa Lambhorjini na kulay black.

Nakatahimik pa din ako. Hindi ko alam kung bakit. Hininto ni Tyler ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bumaba kami.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko. Ang ganda ng view, makikita mo ang buong city. Niyakap nya ako ng pa backhug at hinilig ang ulo nya sa balikat ko at ako naman nakahayak lang sa kamay nya.

"Dahil mahal kita." Sabi nya at hinalikan ang buhok ko. Kumalas sya sa yakap.

"Ene be? Este!Alam ko na yan." Sabi ko. Umakyat sya sa bubong ng kotse. Kapos ako sa height ehh. Bumaba si Tyler at binuhat ako. Shit! Nakakahiya. Nakaakyat na ako, umakyat na rin sya.

"Ang liit mo pa rin." Sabi nya saakin sabay kiss sa forehead. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko naman kasalanan." Sabi ko. Edi sya na yung tumangkad.

"Bakit galit ka na agad?" Tanong nya. Ngumiti ako sa kanya hindi naman sya mabiro, joke lang yun eh.

"Hindi. I love you!" Sabi ko at niyakap sya na miss ko talaga sya ng sobra. Tskk. Baliw na ako sa kanya. Niyakap ko sya.

"Bakit ka nag emote dyan?" Tanong nya. Psss. "Ano nanaman?" Tanong nya.

"Wala lang. Sabi ko I love you." Sabi ko. Hindi sya kumibo. Ano ba sya may saltik, minsan sya yung nangunguna magsabi ng I love you. Tinitigan ko sya. Nagbago na sya. Pinag papawisan at nag simula na tumulo ang luha ko hindi kaya---

"Hoy, alam ko iniisip mo! Syempre hindi. Mahal na mahal kita. Niloloko lang kita." Sabi nya, niyakap nya ako pero hindi ko sya pinansin. Nakakainis talaga! Lalo ako umiyak. Shit naman! Tyler!

"Sorry na, joke lang." Sabi nya. Hindi ko pa din sya pinapansin. He cupped my face. Shit! D**n Blush. He kiss me passionately and he suck my lips. Sino ba naman makakatanggi ng halik nya. I respond sa halik nya syempre. Matagal ko syang hindi nakasama at syempre hindi ko sya nahahalikan dahil wala pa ako sa legal age, four  munites kaming nanatili sa ganong sitwasyon kaya kumalas na kami. Alam nyo ba wala ako sa birthday nya, lumuwas sila nila tita nung birthday nya. Ay yung birthday gif----

"Birthday gift ko?" Tanong nya, hindi ko na natuloy ang iniisip ko.

"Wala pa. Ano ba gusto mo? Pwede naman kahit... Treat kita? Utusan mo ako? Kahit anong gusto mo susun----" Sabi ko. Hindi pa ako tapos ehh.

"Kahit ano gagawin mo?" Tanong nya, kinilabutan ako. Shit! Wag mo naman ako paka bahin.

"O-oo. A-ano ba g-gusto m-mo?"  Tanong ko. Shit! Nilapit nya yung muka nya saakin inch nalang ang pagitan.

"Wag ka masyadong malapit!" Sigaw ko pero na pa smirk lang sya. Hiniga nya ako sa bubung ng kotse nya. Shit! Namumula na ako. Nakapatong sya saakin.

"B-bakit?" Tanong ko. He lean his head sa tenga ko at binulungan.

"Wala lang, sakin ka lang. I love you." Bulong nya. Hinalikan nya yung leeg ko. Shit! My heart beat faster. Ano ba Shantal ayusin mo sarili mo!

"A-ano ba yung g-ginagawa mo?" Tanong ko. Inalis nya yung pagkahalik nya sa leeg ko.

"Your seducing me kasi." Sabi nya, nakapatong padin sya pero magkatapat na kami.

"Huh? Seducing hindi kaya. Wag kang feeling!" Sabi ko. Nagalit ata sya. Umupo sya, umupo na din ako.

"Galit ka?" Tanong ko. Lagi naman kasi syang beast mode.

"Sorry na!" Sabi ko. Ayaw parin nyang kumibo. Hayss, kaya mahal na mahal ko to eh. Pabebe pa!

I cupped his face, napatingin naman sya saakin. Ang cute nya namumula sya. I kissed him. Nagulat sya pero nung nagtagal. Hinila nya ako papalapit sakanya. He wrapped his arm sa waist ko, I place my arm sa leeg nya. He kissed me hungrily. Shit! Nakaka-baliw ang mga halik nya. Namula ako. Tumigil sya, hinalikan nya ako sa leeg. Ganon pa din yung pwesto namin. He maked a kiss mark sa leeg ko.

"Tyler!" Sabi ko. Nakakarami na sya, tinulak ko sya. Bumitaw naman sya.

"Sorry." Sabi nya at niyakap ako. Shit naman Tyler.

"Okay lang, uwi na ako." Sabi ko. Tumunog yung cellphone ko.

(Mom is calling)

"Hello mom?"

[Shantal! Wag ka muna umuwi, dyan ka muna kay Tyler. Sabihin mo sakanya na wag din syang muuwi sa mansion nila.] Mom

"Mom!"

[I l-love y-you anak, I will allways love you.]

*TutTutTut*

Shit! May narinig akong putok ng baril sa kabilang linya. Kinakabahan ako. Napatingin ako kay Tyler narinig naman na siguro lahat ng sinabi ni mom. Ano nangyari kay mom?!

A/N: Sorry po sa ka-corny-an nilang dalawa♥ Pero nakakiyak na po ang susunod na chapter. Abangan po! Thank You po!

PS: Sorry po kung late Update po ako madami po kasing gawain sa school.  Suportahan nyo po ako. Vote and comments po kayo! \(^_^)/

The Gangster's Hidden Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon