Entry #4

108 9 12
                                    

Sa Kabilugan ng Buwan

Ilang daang taon ang lumipas, nanatili lamang si Larina sa ilalim ng tubig. May bahagi ng kaniyang puso ang lihim na nalulungkot sa kabila ng pagkakaroon niya nang maraming kaibigan.

Gustuhin man niyang magsisi at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid, huli na ang lahat. Sapagkat, magkaiba na ang mundong kanilang ginagalawan.

"Ano na kaya ang itsura ng mundo sa itaas nitong tubig? Kumusta na kaya ang kapatid ko?" bulong ni Larina.

Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang tusong nilalang sa dagat ang matagal na ring sumusubaybay sa kaniya. Dahil sa pagiging popular niya sa karagatan, nabuhay ang pagkasuklam at inggit sa pagkatao nito.

Sa kabilang mundo—sa kalupaan, isang moreno at matangkad na binata ang nagmamasid sa kagandahan ng dagat. Labis nitong hinahangaan ang pagkislap ng tubig sa ilalim nang malaking bilog na buwan. Para itong mga kumikinang na brilyante sa kaniyang paningin.

"Nakikita rin kaya aa ilalim ng dagat ang mga bituin o may sarili silang liwanag sa gabi?" usal nito.

***

"Larina..." tawag ng isang matinis at umaalingawngaw na tinig.

"S-sino ka?" tanong ni Larina. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid.

"Larina, huwag kang matakot. Isa akong kaibigan," ani ng tinig.

"N-nasaan ka? Magpakita ka!"

Hindi naman siya binigo nito. Mula sa maaking tipak ng bato ay lumitaw sa kaniyang harapan ang berdeng nilalang. Tila ito nababalutan ng lumot sa buo nitong katawan.

"H-halimaw!" hiyaw niya.

Lihim namang nainsulto ang kaharap, ngunit pinili na lang nitong kimkimin ang galit. Mas mahalaga sa kaniya ngayon na matupad ang pinaplano niya kaysa pairalin ang ngitngit.

"Huwag kang matakot, Larina. Ako si Berberoka. At isa akong kaibigan. May nais lang akong ibigay ako sa iyo na labis mong magugustuhan."

Nakangisi nitong binuksan ang malapad at makapal nitong palad. Tumambad kay Larina ang isang maliit na kabebeng kulay ginto.

"Ibibigay nito ang ano mang naisin mo, Larina," sabi pa nito.

Nanlalaki ang mga matang lumapit si Larina kay Berberoka at matamang tinitigan ang hawak nito.

"Lahat ng nais ko?" tila nahihipnotismong usal niya, "kaya ba akong bigyan nito ng mga paa?" wala sa loob na wika ni Larina.

"Oo naman! Madali ka lang nitong mabibigyan ng mga paa. Ipapahid mo lang ito sa iyong luntiang buntot. Ngunit dapat ikaw ay malapit lang sa pampang, upang hindi ka malunod kapag napalitan ng paa ang iyong buntot," babala nito.

"I-ibig sabihin ay magiging tao na ulit ako?" Tila natauhang tanong ni Larina.

"Magiging tao ka na ulit, Larina. Subalit, dapat mo itong ingatan dahil sa oras na malayo ito sa iyong balat ikaw ay magiging sirena kang muli. At magagamit mo lang ito tuwing kabilugan ng buwan," tugon nito.

"P-paano ako nakatitiyak na totoo ang mga sinasabi mo?" may pagdududa sa kaniyang tinig.

Napahagikhik si Berberoka, "maaari nating subukan," hamon nito.

Tumalikod ito at mabilis na lumangoy palayo. Agad naman itong sinundan ni Larina.

Kapag nagkataon ay mahahanap niyang muli ang kapatid at makahihingi na siya ng tawad dito. Baka alisin na rin ng diwata ang sumpa sa kaniya. May pananabik sa kalooban ni Larina sa kaisipang iyon.

FWFC ContestsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora