OUR HISTORY

51 3 7
                                    

Paano nga ba nag umpisa yang pagkakaibigan namin?

Nagsimula ang kwento na to sa isang barangay sa Bay Laguna.
Ang mga magulang namin ay, magkaibigan na rin, kaya normal nalang na isipin na ang mga anak nila o kami ay ganun din,

ang kuya ko at kuya ni Jade ay laging magkasama,para na kaming magkakapatid na apat kung magturingan ^__^ 

Kuya ko, Kuya ni jade, ako at si jade, kaming dalwa din naman ni jade ang magkatandem noon.

luto lutuan, taguan, habulan o kahit teacher teacheran pa nga e. Mas madalas na si Jade ang kasama ko kaysa sa mga magulang ko, busy rin ang papa ko dahil trabaho niya ay sa factory si mama naman ay nasa bahay lang, pero madalas nandun kami sa bahay nila jade,

minsan nga dun pa kami nagtatanghalian o kaya naman ay natutulog ^_^ kahit isang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin HAHAHA 0_O. 

Lumipas pa ang apat na taon, na ganun ang takbo ng buhay naming apat,masaya naman kami sa mga ganung bondings dahil mga bata pa nga kami. at parang halos lahat ng bagay ay nasisiyahan kami. 

At ang unang heartbreak ko, Ang malaman ko na malapit na ang  araw na lilipat sila ng bahay, nasa isip ko, hindi ko na sila makikita kahit kailan dahil imposible na, hindi ko alam ang bahay nila :( .

bakit ba kailangan pa nila umalis?

masaya naman sa Lugar namin ah?

Isang linggo nalang ang natitira bago pa sila lumipat,

hindi ko sinasayang ang mga oras o kahit segundo na magkasama kami ni jade,

nakakalungkot na kapag napunta ako sa bahay nila,

na makikita ko na napakadaming kahon at mga maleta na nasa may loob nila,

yung dating sigla ko kapag nasa bahay nila?

nawala na,

naglalaro pa kami ng dr. quack qauck nun tuwing gabi, Tapos yung Pepsi, royal,coke ba yun?

tapos  yung charade. Napakadami kong memories na hindi makalimutan about sa frienship namin. 

Umabot pa sila ng new year sa lugar namin, Bumili kami ng light sticks at sabi ng mama ko bago umalis sila jade ay sindihan namin yung light sticks kapag nag new year na, and then mag wish kami, at dahil malaki na nga ako ngayon, it sounds jologs for me, pero kapag naiisip ko nung bata pa ako, sobrang saya ko, naaalala ko pa nun, new years eve na yun , malapit na din siguro mag 12:00 AM, Sinindihan namin yung lighsticks sa may pagitan ng bahay namin at bahay nila jade, at magkatapat kami nun, sabay namin sinindihan yung sticks ang nag wish. 

 Isang masakit na araw ang bumungad sakin, Mga 6:00 ng umaga, pupunta dapat ako kila jade, pero wala na, hindi ko na sila naabutan, sinama nila ang kuya ko, pero bakit nila ako iniwan? :( 

hindi ko man lang nakita si jade bago siya umalis,Hindi man lang ako nakapag paalam :( 

Hindi ko ma lang nasabi sa kanya kung gano ko siya ma mimiss :(.

siya na yung kasabayan ko lumaki :( 

siya na yung kasama ko sa mga katangahan,Kapag birthday ko,

sila din kasama ko. :( 

Naaalala ko nun, may kalaro kaming isang batang babae din, tapos nagseselos ako kasi ang lapit lapit niya sa bestfriend ko, hindi ko alam kung selos na mahal o selos na bestfriend lang naramdaman ko, hindi ko pinansin yung kalaro niya at tinarayan ko lang, tapos si jade naman, kinakausap ko para mawala yung attention si jade sa girl na yun ^_^ .

Ano nga ba yung naramdaman ko nun?

selos kasi crush

o selos kasi friens ko siya at ayoko siya makakahanap ng bestfriend na iba? :/

My Bestfriend •On going Story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon