Hindi kami pumunta ngayon ng court, kasi bukod sa mainit, kailangan namin tulungan si tita to prepare yung handa for mamaya. Nag aayos ako ng buko, sabi naman ni tita na if ever mahirapan ako, ipasa ko kay jade yung ginagawa ko, edi go parin ako kasi ayoko ipasa sa kanya kasi may ginagawa din kasi sila. Habang nag aayos kami ng handa para mamaya, nag k kwentuhan na rin kami, bonding narin naming apat, masyado ko iniisip yung bukas, kasi ilang oras nalang yung binibilang para magkahiwa hiwalay kami. gusto ko nga i adjust nalang yung time para maibalik na e. hayst :( pero syempre hindi na mababalik yun. Napaka daming negative na pumapasok sa isip ko,hindi ko na maintindihan, "ano ba?", "pano na?"
ilang taon nanaman kami hindi magkikita kita . ilang buwan ba yung bibilangin? ilang gabi ba yung papalipasin ? :( Ilang oras ba yung kailangan hintayin? Ewan na. na feel ko na ang saya pala talaga. na kasama mo yung mahal mo at pamilya niya.
Tanghali nagpahinga na kami lahat, halos 2 na nga rin kami natapos,
naligo na ako, at sila jade nasa comshop. Mga 3 pinasundo na sila ni tita kay kevin.
"wala ka bang mahabang shorts?" jade ask me, kasi puro ang iikli naman pala nung nadala ko,
-_-. i did not answer. kasi ang iikli nga.
Then kinahapunan nagpunta na kaming court, sama lang ako ng sama talaga kay jade nun,
tapos siya din nagpapasama kahit mismo sa tapat lang ng bahay nila HAHAHA. ^-^
lalo ko naramdaman yung love na sobra dahil sa kanya.
Night time.
nasa kwarto lang kami nila kuya, ako si jade,halos magkadikit kami lagi nun ni jade.
tapos sabi pa ni kevin "bagay kayo kuya jade". wala lang samin para yun, pero hindi rin lingid sa kaalaman ko na mahal niya na rin pala ako.
hinintay namin yung 12:00 am hanggang nag new year na.
niyakap ako ni tita at binati ng happy new year, ganun din si tito. nakita ko siyang bumaba,at binati na rin namin siya. pinatugtog niya yung ALL OF ME na alam niyang favorite ko sa gitara tugtugin, napalingon ako sa kanya at nakatingin na pala siya sakin, ngumiti lang ako, at ngumiti nalang din siya.
Pagkatapos ng 12:00 pumasok na kaming lahat sa loob at kumain, niyayaya niya ko kumain, hiyang hiya ako sa kanya noon. kasi sobra. sobrang fall na fall na ko sa kanya noon.
kumain kami at lahat naman kami dun masaya.
1:00 natulog na sila tita, kami nasa may garahe pang apa, nag k kwentuhan, magkadikit kami ni jade as well, at hawak ko phone ko, naghihintay ng mga text sakin. hanggang alas tres, nandun pa kami nila jade sa labas, nang nagpaalam na si jade na matutulog na daw siya.
umakyat na siya ng kwarto, at ako naiwan kasama nung dalwa, at nung tropa nila.
mga 30 minutes na pumasok na ko sa kwarto at doon ko nakita si jade, pinagmamasdan ko siya habang natutulog, grabe ang haba talaga ng pilik mata niya.
gusto ko siya hawakan kaso ayoko, nakakatkot baka magising. natulog nalang din ako.
KINABUKASAN
ito na ang araw na alam kong maghihiwalay na talaga kami, nasa byahe na rin kasi yung susundo samin, 8:00 kumakain kami, niyaya niya ako mag breakfast, dahil gutom na rin naman ako , hindi na ko nagpakeme pa, kumain na ako.
nanonood kami ng hercules cartoons.tapos pinicturan ko siya stolen.
then maya maya naligo na siya, kumanta siya FOOL AGAIN right after kahit basa pa buhok niya.
sabi niya duet daw kami, ayoko kasi nahihiya ako.
hanggang nag text yung susundo samin na andyan na sila,
naligo na ko ng mabilis at andyan na nga sila nung pagkatapos ko, si jade naman natutulog sa may lamesa nung araw na yun, ngumingiti ako na nasaaktan kasi ayoko pa malayo ulit sa kanila. pero ACCEPTANCE IS THE BEST MEDICINE nga diba?
Hanggang palayo na kami ng palayo sa kanila,
gusto kong umiyak, gusto ko magpaiwan :(
MISS KO NA AGAD SI JADE. SOBRAAA
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
My Bestfriend •On going Story•
Teen FictionBOYBESTFRIEND •• Sabi nila masarap daw kasama yang mga yan, oo totoo yon,hindi maarte,hindi sila plastic, hindi sila madaldal at higit sa lahat alam mong iniintindi ka nila. Pero paano kung yung bestfriend mo e, ka fallan mo? Tapos gusto mo i save...