Hapon na and uwian na,
Naglalakad ako ngayon mag isa kasi
Si brey Nagmamadaling umuwi may emergency dawSi lovely May tinatapos na project
Si lyza hinihintay pa kapatid niya.Kailangan ko umuwi agad kasi masama din pakiramdam ko.
Sa BPI ako nadaan,kahit mag isa ako. Ano naman wala namang issue yun e. Like duh?! Wala naman mang yayari kapag dumaan ka dun mag isa. -.-
Marami lang nag papa aalala sakin sa daan na to,
Dito kasi kami lagi nadaan ni bryle kapag uwian,yung hahawakan niya yung kamay ko, yung hahawakan niya balikat ko,
Tapos mag k kwento siya ng kung ano ano,kung ano yung nangyari sa classroom nila nung mga araw na nag le lecture, kung ano yung mga katangahan niya sa room na yun.
Hindi ko rin alam bakit binabalikam ko pa to, Itong kwentong to,
Ewan ba, siguro kasi masaya lang talaga. ❤Nasira nga lang, Kasi na fallnga siya sa iba nun. Hinding hindi ko makalimutan yung araw na yun,
Sobrang iyak ako ng iyak,Hindi natatapos ang isang gabi at isang araw ng hindi ako umiiyak,
Halos magma kaawa ako sa kanya noon na balikan ako,"Babe,ayusin naman naten oh"
"Babe,mahal mo pa ba ko?"
"Babe? Bakit iniwan mo ko?"
"Hindi pa ba sapat?"
"Babe? Bakit mo ginawa to?
"Ano bang kasalanan ko?"
"Sorry na"
"Babe,balik ka na"
"Babe, gagawin ko lahat,bumalik ka lang"
"Babe please naman ohh"
"Babe,ganun nalang ba lahat yon?"
"Babe baka naman pwede pa"
At marami pang iba, mga sinabi ko sa kanya pero binaliwala niya lang,
Kasi hindi na niya ko mahal.Kahit nasa iba na yung attention niya mahal ko pa din siya,
Kahit alam kong malabo na, heto pa rin ako nagpapakatanga.
Kahit mukha na kong desperada ginagawa ko pa din kasi mahal ko pa siya,At mamahalin ko pa din siya,
Dun nalang bigla tumulo ang luha ko bigla,hindi ko napigilan na hindi umiyak sa bigat ng nararamdaman ko.
Para bang bumalik lahat ng sakit simula nung iniwan niya ko.
"hoy!" Isang tinig ng lalaki ang tumawag sakin mula sa likuran ko.
Nagpahid ako ng luha at tsaka humarap."Oh? Naiyak ka ba?" Tanong nito.
"Ah,hindi bryle, Sumakit lang talaga yung mata ko kas-kasi nahangin"
"Asus-.-" sagor naman niya
"Kanina pa kita tinatawag di ka naman lumilingon" dagdag pa niya.
"Huh?" Tanong ko.
"Ahhh! Wala" habang patuloy niyang pagsabay sa mga hakbang ko
Ganitong ganito yung posisyon namin kapag nauwi kami noon.
Ako yung nasa safe side.Nakakamiss pala magkaboyfriend
Its been a 2 years since nagka boyfriend ako, at si bryle nga yun,
Ang lalaking katabi ko ngayon.Habang naglalakad kami nararamdaman ko naman ang pagbubungguan ng kamay naming dalawa na para bang nagpapakiramdaman kung
"Hahawakan niya ba kamay ko?"At di pa tumagal hinawakan niya nga ito, sobrang higpit na parang ayaw na bitawan.
Tinanggal ko ito sa pagkakahawak niya.
"Aisaka,pakinggan mo naman ako"
Habang nakatingin siya sa ground
"Im listening Go ahead"
Ang pangit naman kasi kung di ko siya bibigyan ng pagkakataon na magsalita."Aisaka, nag sisisi na ko,mali ako na ikaw ang binaliwala ko, ngayon ko lang kasi na realize na ikaw na yung best, akala ko nasa iba pa, ang tanga ko kasi nasakin ka na noon pero Binaliwala ko lang, sana nung nagmamakaawa ka binuksan ko pa yung puso ko, sorry aisaka mahal na mahal kita, ayoko na ng ganito. Promise! Kapag naging tayo na ulit mag p propose na agad ako, tapos kikilalanin na kita ng husto,sorry kung pinaghintay kita sa wala, bumalik ka lang,ako naman yung magmamaka awa please aisaka"
Habang naglalakad pari kami and naka tingin lang siya sa ground while he was saying that.
Ako naman nakaharap lang sa unahan chin up.
"Bryle,minahal kasi kita ng sobra,hindi ko alam noon kung saan ako nagkulang, hindi ko alam kung bakit nahanap mo pa siya, naisip ko na baka kulang pa ko para maging sapat sayo,ang daming bagay ang sinacrifice ko para sayo, alam mo ba na yung 2 months and 18 days na Basta basta mo lang tinapon e ilang buwan kong inattempt na kalimutan, oo hindi ko pa kinakalimutan ,kasi naging parte ka na ng buhay ko. Kasi ikaw yung lalaking minahal ko ng sobra! Pero ginago mo ko, natatandaan mo pa ba? Sabi mo cool off pahinga lang, pero, Na fa fall ka na pala sa iba. Ang sakit. Alam mo na yung nag mamakaawa ako. Awang awa na ko sa sarili ko na which is ayaw ko, kasi kilala mo ko ayokong kinakaawan ako pero para sayo tinapakan ko yun pride na yun at yung sympathy mo yung hinihingi ko pero wala . kaya sorry bryle gustuhin ko man na bigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sorry Natuto na ko. Wag na tayong umasa saga bagay na alam natimg impossible na. "
Tumakbo ako at sinusubukang pigilan ang luha mula aa mga mata ko. Pero walang nagawa, Napasandal nalang ako sa pader at dun binuhos lahat ng iyak.
Ang sakit pala i reject yung taong gusto mo pa rin hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend •On going Story•
Teen FictionBOYBESTFRIEND •• Sabi nila masarap daw kasama yang mga yan, oo totoo yon,hindi maarte,hindi sila plastic, hindi sila madaldal at higit sa lahat alam mong iniintindi ka nila. Pero paano kung yung bestfriend mo e, ka fallan mo? Tapos gusto mo i save...