"ha? ako, okay lang naman"
maikli kong sagot sa kanya, kasi diba ano nga namang isasagot ko, ayoko naman sanang mapag usapan pa namin yung tungkol sa buhay pag-ibig ko, grabe kasalungat na kasalungat ng nangyayari sa kanya yung nangyayari sakin .
"I'm expecting na yan nga talaga ang isasagot mo, but what i am trying to say is kayo ni Jade. siya nga kinuhanan ng number mo e"
OKAYYYY! I'M SO DONE WITH THIS TOPIC, sarap layasan nito e, iwan ko kaya to dito jusq jusq! kung di ko lang to kaibigan. Masaya pa siyang nagtatanong sakin jusq, wala nga tong alam sa buhay ko, hindi manlang ako sinesearch sa facebook or kahit sa ig or twitter e,
di niya nakikita yung mga update ko na status, mga tweets and ig posts na puro pang broken HAHAHAHA.
"Luh, you are really outdated with our life here, Ikakasal na yun next week duh?"
Sumagot ako na para bang hindi ako nasaktan, kaya ko naman talaga actually, lumingon ako sa kanya and nakatitig lang siya sakin at tahimik.
"oh? bat ka tumahimik?" dagdag ko pa.
"are you okay?" sincere niyang pagtatanong,
"sus? oo naman, girl okay lang ako ano ba? he's my bestfriend and masaya ko na masaya sila" confident akong sumasagot at patuloy na nagpapanggap na okay lang, ayoko na kasi maawa sila sa situation ko, I dont need a drop of freaking sympathy, ayoko ng kinakaawaan, kahit pretend lang gusto ko rin makita nila na kaya ko.
"I'm really sorry" sabi naman ni Shane, hinawakan niya yung kamay ko and ayun, sabi niya pa "babaguhin kita" .
"No, there's nothing to be sorry about, matagal na yun e, pati psh! i don't need changes, comfortable ako dito, okay na ko dito, kung gusto nila ko, tanggap nila ko, katulad mo kaibigan kita, gusto kita kaya kahit napaka init dito sa Pinas at naka jacket ka na makapal, tanggap kita"
Hinampas niya ko at sinabihang baliw, HAHA so ayon napatanong tuloy ako sa sarili ko kung di ba worth it tong pagmumukha ko para mag stay siya, kung pangit ba talaga ako, at mas maganda yung mapapangasawa niya, mabait naman siguro ako, kahit dun nalang , kahit yun nalang yung pagbasihan natin.
Hindi ko naman kailangan magbago diba? dapat kung saan ako masaya, kung ako comfortable.
"pano pala tayo uuwi, tsaka hoy yung pagkain na pinabili mo, jusq"
sabi ko naman, nakakangalay na rin magbitbit ng mga dala ko nuh?"ay dont worry nagpatawag na ko ng service, andito na yung service in 10 minutes"
Sa paglalakad namin puro kwento lang siya ng mga masasayang bagay na nangyari sa kaniya sa ibang bansa, habang ako eto, halos gusto na ipakain ang sarili ko sa lupa sa sobrang kahihiyan dahil sa mga walang ka kwenta kwentang bagay na nangyayari sakin dito,
siguro nga nahanap na niya ang swerte niya,
sakin, haha depende nalang.BAHALA NA.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend •On going Story•
Ficção AdolescenteBOYBESTFRIEND •• Sabi nila masarap daw kasama yang mga yan, oo totoo yon,hindi maarte,hindi sila plastic, hindi sila madaldal at higit sa lahat alam mong iniintindi ka nila. Pero paano kung yung bestfriend mo e, ka fallan mo? Tapos gusto mo i save...