Boyfriend ko?!

3 1 0
                                    

"Aisaka"

Habang nakatok sa pintuan ng kwarto ko,boses yun ni papa.

"Bakit po?" Tanong ko na medyo tinatamad pang tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.

"May bisita ka."

Bisita?! Napataas nalang ang kilay ko sa pagtataka. Wala naman akong bisita na hinihintay ah.

"O sige po, lalabas na po ako,aayusin ko lang po itong gamit ko"

Narinig ko naman ang hakbang ni papa, palayo sa kwarto.

Bisita? Sino naman? Ah baka sila Brey lang yan.

Lumabas na ko at dumiretso sa salas kung saan andun siya.

Nakaupo siya dun at ka kwentuhan si kuya habang nanonood ng Tv.

O_o <-

"Hoy! Dalaga ka na ayaw mo pa ipakilala boyfriend mo samin! 😒 "

"Huh?!" Pag tataka ko ng sawayin ako ni kuya .hindi ko naman boyfriend yang mokong na yan.

"Diba eto yung ex mo nung grade 8 ka?"  Tanong sakin ni kuya.

"Ahh-uhm-ah oo " Habang di pa ko nakaka alis sa pwesto ko.

Takte hindi ko naman boyfriend yang mokong na yan e! tinignan ko siya at naka tawa ang mokong.

"Oh siya,maiwan ko muna kayong dalawa, Sasamahan ko muna si cy sa book store"

"S-s-sige" nauutal kong sagot.

Umupo ako sa at umalis na rin si kuya. So Kami nalang yung nasa loob ng bahay,kasi si papa inaayos yung van sa labas.

"Pano ba yan? Girlfriend na kita,ulit"

Pang aasara nito sakin
Ang kapal din ng pag mumukha nito,pag tapos akong lokohin at pag mukhaing tanga e babalik ng basta basta.

"Letse ka, Ayokong makita yang pagmumukha mo dito , umuwi ka na, ayokong mag boyfriend"

"Eh? Diba mahal mo ko?"

"Dati yun!kung kailan masaya na ko e "

Papasok ako sa kwarto at iniwan siya sa loob pero dumating si papa.

"Oh? Aisaka?iiwan mo dito boyfriend mo?"

Tanong ni papa sakin, Nag iinit na tenga ko,hindi ko siya boyfriend! At kahit kailan hindi na! Kasi siya mismo nagsabi sakin noon na

"Hindi na kita babalikan"

Panindigan niya yun!

"Hindi ko po yan boyfriend" mahinahon kong sagot kay papa at dumiretso na ng kwarto.

"Pag pasensyahan mo na ha, red days kasi nyan e"

Napahiya naman ako dun, pinagtatawanan ako ni bryle .

"Papaaa!!!" Sigaw ko mula sa kwarto

At lalong lumakas yung tawa ni bryle, na lalong kinainis ko,
Niyakap ko yung teddy bear at nagpatugtog nalang ng music.

Letse kasi tong bryle na to,panira,
Ang kapal ng mukha boyfriend ko daw siya. Tsk. Bwiset talaga.

Gustp ko na sana siyang sapakin kanina kaso andyan si papa.

Jusme. Dun nalang siya sa jewel niya,yun nalang balikan niya,tutal parehas naman sila.

Tahimik na buhay ko at ayoko nang magulo yun ng kahit sino.

My Bestfriend •On going Story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon