War😎

9 1 0
                                    

Nag ready na ko
March 3,2017 ❤ first month of love,
Friday din ngayon,  Hindi ulit kami sabay pumasok ngayon kailangan ko kasi pumasok ng maaga, ang dami din kasi namin activity

•School

Nasa school na ko, and wala pa siya kasi ang aga ko naman talaga pumasok.
Pagkapasok ko dumiretso muna ako sa O.R,  nakita ko si Brey and Lovely, si lyza naman nasa room daw niya.

Si Brey naiyak?! What the F?! Anong nangyari?!!

I ask lovely and ayun, break na nga sila ni lj, Ghhaaaaadddddd! How ?! Letsee talaga yang miracle na yan!

Hindi na namin makaya ni lovely ang makitang umiiyak si Brey.
Lumapit sakin si Lovely.

"ano tara na ba? Lets start this war aisaka"

Wala nang keme keme, dumiretso kami ni lovely sa room ni Miracle,

"Si miracle?"
Tanong ni lovely sa classmate ni miracle.

"Ah,andun po sa may labas ,nabili po ng coffee"

Pinuntahan namin siya sa labas, hinila namin siya sa may corner dun sa may bandang tago,

si miracle,gulat na gulat.

Tinignan namin siya from head to toe.

"So? Paano mo siya naagaw?"  - Lovely

"I did not,siya yung lumapit" - Miracle

"Aww, kaya pala, kaya pala ikaw yung nag yayaya lagi sa kanya lumabas" - Me

Naiirita na kong sampalin siya, pero hindi ko ginawa,ayoko ng gulo, ayaw namin ng gulo.

"Slut!" Sabay  sarcastic na tingin mula kay lovely, Tapos yung tingin na sa isip mo, minamaliit mo na siya at unti unting pinapatay.

"Wala kang karapatan sabihin yan, sinunod ko lang yung puso ko, never naging mali ang mag mahal duh?!"  Palaban tong malanding impakta na to. Ang sarap niyang tirisin.

"Oo nga, hindi nga mali magmahal, pero MALI ANG MAGMAHAL NG MAY IBANG MAHAL, at may karapatan kaming sabihan ka ng slut,bitch,whore at kung ano ano pa,kasi yun ka naman talaga wag kang pakitang tao! Plastic! "

habang tinitignan ko siya sa mata, jusme pag naman di pa niya nadama yun e, baka siya'y nasasampiga ko na ng malakas.

"You messed up with a wrong person,kung hindi mo kaya tiisin yang ka kirihan mo, Wag mong ipapakita samin, at nga pala, pag nakita pa namin na umiiyak si brey dahil sayo, maghanda ka na sa war. kaya kung ayaw mong masira yang buhay mo kasama yang mukha mo saming tatlo, e layuan mo si Lj, dahil kung hindi bahala ka, basta kami, we warned you, so its your choice, kung mahal mo pa sarili mo, at hindi ka pa handang mapahiya sa school na to, itigil mo na yang Kalandian mo"

Thats it yan na yung kailangan niya marinig kay lovely, Tumalikod na kami at hindi na siya nakapag salita.

Palakad na sana kami papalayo mula sa kinatatayuan namin e, hinila yung buhok ko,

*ouch!*

Sht. Humarap ako at sinabunutan niya ko,hinayaan ko siya sabunutan ako, oo madaming naka kita don, pero nung tumigil na siya.

E putek, di ko naman hahayaan apihin ako, pinanganak ako para di apihin nung malandi na yun.

Hinila ko yung buhok niya at tinulak siya dun sa may pader, habang hawak ko yung buhok niya dun ko siya sinapak, ayokong sampalin siya, mas mabuti nang kamao ko nalang yung lumapat sa mukha niya, its not my fault unang una siya ang nagsimula ng lahat ng to.

Tumalikod na ko sa kanya, and naalala ko na yung coffee niya,

"Oh before i forgot" kinuha ko yung coffee niya at binuhos yun sa pag mumukha niya.

"Ohh sht" yan nalang ang nasabi niya,

"Dinumihan mo uniform ko, mas dudumihan ko yung sayo, at wag na wag ka  magkakamali na mag sumbong, dahil madadagdagan pa yan"

Nairita ako sa kanya, 1st monthsary namin ni bryle tapos ganito hitsura ko, nag ayos ayos pa ko ng mukha e. Letsee.

"Sorry,naibuhos ko yung coffee sayo, oh ayan" hinagis ko sa kanya yung bill.

"Tama na yan aisaka, enough na yang napala niya, deserve niya na yan" pag aawat sakin ni lovely,

Pinuyod ko yung buhok ko at dumiretso kaming wash room para mag ayos,

10 minutes lumabas na kami ng Wash room, nakita ko si bryle, kausap si Lj.

Binigay sakin ni bryle yung Letter cards niya, emeged. Thanks naman sweet niya

Lsm yon and messages tapos yung isang chocolate sticks.

"Pasok na tayo sa Org Room"

Aya sakin ni lovely, pumasok na kami agad and kunwari walang nangyari.

My Bestfriend •On going Story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon