Fastforward

3 0 0
                                    

So months,days,weeks and hours,
Na hindi ko na siya nakakasama,
Nakaka usap even sa chat, PMS, and phone calls,

Nasanay nalang kami na wala na,
Wala na kaming connection sa isa't isa
Nasanay nalang ako na wala na siya,
Nasanay na rin siya na wala ako.

Sanay na kami. Nakakasanay na din naman. Medyo nakakapang hinayang pero kinakaya. Matagal din kaming naghulaan ng feelings.
Matagal din kaming nag taguan ng feelings.

Nasa kusina kami, ako,si kuya at si papa, nakain kami, and i dont know why pero pumasok si jade sa usapan.

"So nak? Musta na kayo ni jade? Nakaka miss yung batang yon"

Sabi sakin ni papa, napangiti ako yet it hurts, mahal siya ng magulang ko,
Pero ganito. Wala na kaming connection. Gusto kong sabihin kay papa na wala na, pero ewan.

Nag open ako sa laptop and then hinanap ko yung convo namin,
2 months, sa loob ng 2 buwan na yon natiis namin ang isa't isa.

Nagbackread ako hanggang sa simula,
Inabot ako ng almost one hour para makapag backread mula sa pinaka umpisa, nabalikan ko yung wifi connections, yung video calls, kahit send ng kung ano ano, na kahit yung dust ng bahay sinesend. Hanggang napansin ko sa pagbabackread ko, lalong tumatagal, Lalong nag iiba.

Lalong nawawalan ng sweetness,aya siguro dapat di na ko mag taka.
Na kung bakit isang araw mawala nalang ng wala manlang nag tatanong  kung

"May feelings pa ba tayo sa isa't isa"

Nakatambay lang ako magdamag sa bahay, facebook, kain, tulog.

Dyan nalang umiikot ang mundo ko.
Natutulog ako na wala manlang ka kwenta kwenta nangyayari sa umaga ko.

Hanggang isang araw pag gising ko,
Isang masakit na umaga, Don nagsimula ang araw ko.

"Jade Porter Updated His Profile Picture"

So he is with an unknown girl,
Srlsy idk who the fck is that girl,

Masaya sila, Yung saya na nakikita ko sa picture nila, Yun yung saya na nakita ko nung may feelings pa kami sa isa't isa. Masaya siya, oo masakit para sakin yon, pero hindi ko ikakasama ng loob kung iwan niya ko ere,
Kung iwan niya ko sa tanong na

"Bakit mas nauna pa siya kesa ako na matagal mo ng kilala? Na kung bakit siya naligawan mo eh ako na tong matagal na nagmamahal sayo, Bat mo iniwan ang bestfriend mo"

Iniwan niya kong naka kapit pa,
Sa sitwasyong naguluhan ako kung tutuloy pa ba.
Tanggap ko sana kung nagsabi manlang siya diba.

Wala manlang akong natanggap na

"Hoy tngna ka, Hindi na kita mahal may kapalit ka na"

Or kaya

"Hindi na kita kailangan,salamat nalang"

Or kaya kahit wag na siya magpasalamat, kahit yung hindi niya nalang ako kailangan,
Okay sana e.

Kaso hindi, Iniwan niya ko na halos pati pamilya ko nagtanong na kung ano na kami.

Nagtatampo ako kasi walang nagsabi sakin kahit magulang niya,
Kahit kapatid niya,
Kahit yung aso nila. :3

Wala ba silang balak na sabihin yon sakin na

"Aisaka, may iba na si jade"

Ay sabagay, hindi naman kami bakit nila ko kailangan sabihan,

Aisaka umasa ka na naman.
Tama na.

Simula nung nakita ko yon, bumagsak yung mundo ko,
Kasi hindi ko naman inaasahan na sa dami ng tao sa mundo, pusit pa yung makukuha nito, edi sana nag volunteer nalang ako, willing naman ako e.

My Bestfriend •On going Story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon