12 [Mutual Understanding]

17 2 2
                                    

Nakita ko si jade, nakaupo sa may sofa , tumayo ako at tumingin siya sakin,kinuha niya yung bouquet ng roses sa'kin :) , ang effort naman ng manliligaw na to,jusko, kung nananaginip ako ayoko na magising. 


Maya maya dumating si Tita (mama niya) at si Tito (papa niya) pati andun din parents ko?! teka ano to? sinet up ba ko nito? biglang pumasok yung dalawa, kuya ko at kuya niya, may dalang cake.

Teka nga? aalalahanin ko lang,sino bang may birthday? ano bang ganap?


Tumingin si jade sa likod kung saan andun yung family namin, okay? mukhang alam ko na kung ano to, he is going to ask me for a marriage, okay i got it.

kasalukuyan siyang nasa harap ko. I think im too young for this pero just go with the flow lang.

"Aisaka, after many years of friendship, i think that is enough para sabihin ko sayo to, kung iniisip mong masyado akong mabilis, its because ayoko na mawala ka sakin, dahil im more than 100% sure na mahal na mahal na kita at di na magbabago yun"

"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"
na shock ako at napaluha, tears of joy ganun ^_^, hindi ko alam yung isasagot ko, pero nga sabi ko im too young for this pero JUST GO WITH THE FLOW LANG ^_^, kung kami, edi kami nga, pero kung hindi, then hindi.


"I Do" ngumiti siya at niyakap ako. 

"Yes you do?! Hoyyy! gumising ka na! ano nanaman yang napapanaginipan mo huh! jusme friend ! WALANG FOREVER!! hahahaha!!!Good morning! bumangon ka na, or else! itatapon kita ^_^ " sigaw sakin ni shane.


"ugh?! ano ba? ang aga aga mo, e sunday ngayon e -_- ano ba yan?, ayoko iwan yung kama mo," angal ko sa kanya, e kasi naman e, napaka aga :3 kung mang gising akala mo naman may pasok. 

"Si jade natawag kasi!" nabuhayan ako at dahil sa katangahan ko na magmadali, nalaglag ako sa kama ^_^, at yung bwiset kong kaibigan? ayun pinagtawanan lang ako :3 how annoying right? pero kahit ganan yan mahal ko yan. -_- KAHIT GALING SIYANG JUPITER ^_^ 

"nasan?! yung phone ko?!" tanong ko sa kanya. 


"HAHAHAHAHAHAHA!!!!! joke!! bumangon ka na nga dyan!!pag kay Jade ang bilis mo, asus! inlove ka na nga talaga" natahimik ako at nabwiset sa kanya, kasi ayun na e, i do na e, girlfriend na ko e, kaso umepal! 

bumalik ako sa kama niya at sinubukang balikan yung panaginip ko, nakatulog naman ako pero di ko natandaan yung panaginip ko e. :( 

Bumangon ako at ayun, kwinento ko kay shane yung panaginip ko,

"Shane, pano nga kung totoo yun noh?" umupo ako at kinakausap si shane habang nag hahanda ng breakfast namin.

"hay nako, wag mo nga seryosohin yang mga ganyang panaginip, its just a dream, okay? " kontra naman sakin ni Shane.

"pero diba? sabi nila, kabaliktaran yung mangyayari kapag ganun"tanong ko naman ulit. 


"hayst, ang kulit mo, maniwala ka lang kapag nangyari na okay?"

 advice naman niya sakin. hayst :( bakit ko nga ba sineseryoso tong mga ganitong bagay, panaginip lang yun. Kumain na kami at iniisip ko parin yun. 

*phone*

"ay! best! tignan mo oh,si shawn mendez! ang pogi talaga niya

habang pinapakita sakin yung picture ni shawn mendez na naka post sa fanpage 

"sus -_- mas pogi pa din dyan si Jade ^_^ " sagot ko naman agad.


tumingin si Shane sakin , isang sarcastic na tingin, well it means nothing on me, sanay na kasi kami e, HAHAHA.

napansin ko na hindi nag online si Jade ng isang araw, hmm? bakit kaya,

pano ko malalaman kung hindi ko itatanong diba?

"Hi Jade :), busy ka ba?"  10:14 AM


sending... sent..


but still hindi parin siya online :( , ano ba to? ano kaya nangyayari sa kanya?nag log off ako,kasi nakakasawang titigan yung phone, ang sakit na rin kasi bantayan yung chatheads niya na hindi nababa sa message ko e. 


after an hour..


nag online ulit ako [11:00 AM]


Seen.. 10:21 AM


k. yun lang yun? seen lang? ano ba yan? busy ba to or ayaw niya lang talaga ako kausap? :(, galit ba to? nag backread ako kasi baka may nasabi akong masama sa kanya, pero wala naman. :( 

ano bang nangyayari sa kanya? ano bang nangyayari samin?

Ano na to? 


Our feelings is mutual ^_^, nag promise kami na after the right time, na kami din dapat yung right person for each other ^_^, kung hindi kaya pipilitin namin ^_^ na kung hindi kami, wala silang magagawa kasi ipipilit lang namin yung gusto namin ;).


My Bestfriend •On going Story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon