Lied to

3 0 0
                                    

Lumabas ako sa kwarto,
Nakita ko si kuya sa living room nakaupo, natingin ng sasakyan,

Lumapit ako.

"Planning to buy a new car?"

Tumingin siya,

"Oo e, Yung van naman kasi natin di na magagamit yon, pag may gala kami ng ate mo, kasi ginagamit niyo din yon, pati ni papa"

"Hmm, well sabagay, Im planning to buy my own na nga rin e, By the way musta nga kayo ni ate? Kailan kayo mag p plano ng marriage?"

Gusto ko kasi talaga mapag usapan namin yung kay jade. Kaya siningit ko yung musta sila.

"Well, we're doing fine, ayon, next year balak ko na mag propose sa kanya sa Korea, dream country niya daw e,Tulungan mo ko mag plano ha? I want everything to be perfect, Gusto ko siya yung pinaka masayang babae sa araw na yun, kayo ba?"

Sana lahat ng lalaki ganyan,

"Ikakasal na siya e."

Tinignan ko ang reaction ni kuya pero parang wala lang sa kaniya. KASAL yon, KASAL NG BESTFRIEND NAMIN.

"Bakit walang reaction?" Tanong ko ulit.

"Alam na kasi namin yan."

Maikling sagot ni kuya.
Tumulo yung luha ko, Kasi pamilya ko na sila at alam nila na nasasaktan ako sa pag iwas ni jade.

"Pati ni papa?, Kuya kailan pa? Bakit hindi mo sinabi?"

"Oo pati ni papa, Matagal na 2 weeks na since nung nag propose siya, Hindi namin sinabi kasi sinabihan namin si jade na umiwas nalang sayo, Kasi yun yung pinaka madaling paraan para hindi ka na masaktan!"

Hindi ko matanggap ang narinig kong sagot mula sa kuya ko.

"Madaling paraan?! Madaling paraan ba yung Araw araw akong umaasa na babalik siya, kakausapin ako, Hindi madaling maiwan sa ere kuya! At kayo pa! Pamilya ko kayo, :( BAKIT HINDI NIYO SINABI AGAD?" :(

Bumalik ako sa kwarto ko,
At dun nagpatuloy umiyak,
Kinakatok nila ang pinto pero ayoko buksan, Gusto ko matapos yung sakit pero mahirap kase, Ang sakit sakit umasa. Ang hirap na mawalan.
Dadating yung point na masasanay ka nalang.

My Bestfriend •On going Story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon