Hanggang ngayon hindi ko parin tanggap ang nangyayari,
hanggang ngayon gusto ko parin ipilit sa sarili ko na,
wala na siya sakin.
Pinipilit ko yung sarili ko na sabihin na baka panaginip lang to,
na baka saglit lang to.na baka matatapos din to.
Kahit paulit ulit na kong sinasampal ng realidad na
wala na siya sakin, na wala na siyang nararamdaman sakin,na may iba na,
na hindi na ako yung nagpapasaya sa kaniya.Hindi ko alam pano sisimulan ang bawat umaga na wala siya,
hindi ko alam pano iisipin yung sarili ko, kasi lahat ikaw yung dahilan,
sakanya ko na dinepende lahat,
sakanya ko na sinalalay lahat. kinalimutan ko sarili ko para sa kanya,
kinalimutan ko yung happiness ko para kanya.
hindi ko rin masisisi sarili ko dahil alam kong naging masaya ako,
pero bakit ganon, sa lahat ng saya na naramdaman ko, dobleng sakit yung balik.Hindi ko na alam.
Isang umaga na naman na pipilitin kong maging masaya,
isang umaga na naman na ipapamukha ko sa sarili ko na may iba na siya,Deserve ko ba 'to? ano bang nagawa ko para saktan ako ng paulit ulit.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko,
lumabas ng kwarto pagkatapos ng isang araw,
tahimik ang lahat, si kuya nasa kusina nakain,
si papa umalis para mag trabaho.kumuha ako ng pagkain at sabay umupo sa tapat niya.
"Sorry ha"
Sabi naman sakin ni kuya,
"Okay lang, tapos na yun, okay na yun"
At patuloy akong kumain,
Maya maya pa at may nag doorbell.Tatayo na sana ko,pero pinigilan ako ni kuya, lumabas siya at ako naman nagpatuloy sa pagkain.
Nung bumalik si kuya may dala na siyang sobre, tinitignan niya yun habang pabalik siya sa pwesto niya.
"Ano yan?" Tanong ko kay kuya.
"Wait lang ako muna" binuksan niya yung sobre and then binuklat yung laman,
And card yon, mukhang alam ko na kung ano ang nilalaman non.
Pero gusto ko parin sanang makita. Tiniklop na ni kuya yung card. At binalik sa sobre."Kuya, patingin" pag pupumilit ko sa kuya ko na ipakita sakin yung nilalaman ng card.
"Wag na, para kay papa to hindi para sayo" pag tanggi naman nito para hindi ko mabasa.
"Akin na kase,patingin na ko dali, bat ikaw binasa mo ang daya mo"
Pangungulit ko sa kuya ko,
Kutob ko na naman yung laman ng card pero iba parin kasi kapag nabasa at nahawakan."Hindi nga pwe--Ano b--"
Hinablot ko kay kuya yung sobre, agad kong binuksan,
Tama nga ako, invitation ng kasal nila. Invited naman pala kami."Sus!invitation lang pala ng kasal nila, kala ko naman mapuputulan na tayo ng internet"
Pagrereact ko sa invitation,
Masakit syempre mahal ko yung tao e, pero masaya siya don."Pupunta ka?" Tanong ni kuya.
"Luh, anong tanong yan? Syempre kuya pupunta ako, pupunta tayo, kasal yon ng bestfriend natin e."
Agad ko namang sagot na para bang hindi nasasaktan, kahit unti unting nadudurog yung puso ko sa loob loob ko,
Hindi madaling magpanggap
Pero kailangan kasi.
Ilang oras lang naman ang itatagal ng kasal nila, ilang oras lang akong magpapanggap na masaya.Kailangan ko gawin yon
Para sa kaniya,
OH DIBA PARA SA KANIYA NA NAMAN, PANO NAMAN AKO,
PANO NAMAN YUNG SARILI KOAKO NA.
AKO NA ANG DAKILANG TANGA.KAPAKANAN PARIN NIYA INIISIP KO, PINABABAYAAN KO PARIN SARILI KO, YUNG HAPPINESS KO SINASACRIFICE KO NA NAMAN,
PARA NA NAMAN SA KANYA
.
Binalik ko na yung sobre at inabot kay kuya para ipa abot kay papa.2 weeks nalang.Permanently, Hindi na magkakaroon ng second, third or fourth chance yung love story namin.
2 weeks nalang,mararamdaman ko na ang isang paulit ulit na sampal ng realidad na
Hindi ako ang mahal niya.Na kahit anong tagal naming magkakilala, Kung hindi na ako ang magpapatibok ng puso at magiging dahilan ng paglabas ng mga nakakahumaling ngiti niya,at nakakawiling mga titig niya, kung wala na talaga, ibig sabihin wala na talaga.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend •On going Story•
Ficção AdolescenteBOYBESTFRIEND •• Sabi nila masarap daw kasama yang mga yan, oo totoo yon,hindi maarte,hindi sila plastic, hindi sila madaldal at higit sa lahat alam mong iniintindi ka nila. Pero paano kung yung bestfriend mo e, ka fallan mo? Tapos gusto mo i save...