Chapter 22

291 30 136
                                    

You

Tinali ko ang aking maikling buhok at humalukipkip ng makitang tapos na ang aking bagong obra maestra. I'd still paint though, pero natuklasan ko na maganda rin pa lang mag-paint sa mga authentic bags and clutch. Kaya gano'n ang ginawa ko bilang pasalubong kanila Mama Gizella at Aunties.

Inabala ko din ang aking sarili sa pagbabasa ng mga files tungkol sa aking magiging trabaho sa mga sumunod na araw. Hindi ko na tinangka pang lumabas. Gumawa na rin ako ng mga designs sa laptop at calligraphy para may pagkaabalahan.

Tumawag din sa akin si Brett at pinag-usapan namin ang  mga gusto niyang gawin sa kanyang bahay. He told me he wants a sleek style where there is not alit accessories or clutter involved. At napag-usapan din namin na magkita kami pag-uwi ko galing sa birthday ni Papa.

Hindi ko alam kung nakatunog na ba sila Kuya at ang mga pinsan ko na nakauwi na ako ngunit wala namang bumubulabog sa akin dito kaya hindi pa siguro nila alam.

Isang araw bago ang birthday ni Papa ay tumulak na ako papunta sa isla kung saan gaganapin ang kaarawan niya.

Pagkababa ko ng chopper ay sinalubong agad ako ng maalat na hangin galing sa dagat.

I'm wearing a floral bustier top revealing a glimpse of my cleavage paired with a flowing maxi skirt na may slit hanggang hita at butterfly sunglasses habang hila-hila ang aking hand painted suitcase.

Pinakita ko ang aking ID sa isang empleyado sa entrance at agad itong may kinausap sa walkie talkie.

"Good afternoon, Miss Leprivo." bati ng mga nakakasalubong kong empleyado. Tanging tango lamang ang sagot ko sa kanila.

May nag-offer pa na tulungan ako sa suitcase ko ngunit tumanggi ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko ang taong pinakaayaw kong makita ngayon. He's a wearing a white button down shirt and white shorts. His phone is on his ears. Tinanggal ko ang aking sunglasses at inangat iyon papunta sa aking buhok.

Gusto ko siyang lapitan para kamustahin at humingi ng patawad pero napatigil ako ng makita kung sino ang papalapit sa kanya. She's wearing a white casual beach dress na lalong nagpatingkad sa kanyang magandang mukha.

"Razz, is that mommy?" she asked on her natural girly voice.

Dinungaw siya ni Edge at tumango ito. So legal pala ang relasyon nila?

"I want to talk to her."

Nilahad niya ang kanyang kamay sa harap at agad binigay ni Edge ang kanyang phone. I bit my lower lip. Pinahiram siya ni Edge ng phone.

"Stop snatching my phone, Zerschel."

Tumawa lamang ang kanyang girlfriend pagkatapos ay lumayo.

Akmang tatalikod na sana ako ngunit bigla niya akong nakita. Nagtama ang aming tingin. Eyes, those damn eyes. They sure hunted me everywhere.

I remember the first time I looked into your eyes and felt my world flip. Bakit ngayon gano'n pa rin?

Biglang naging blanko ang tingin niya sa akin.

"It's been quite a while. What have you been up to?" pagkakamusta niya sa'kin. Halos madurog ang puso ko sa tono ng boses niya. Tila isa lamang akong kaibigan na muli niyang nakita.

Nag-iwas ako ng tingin. I can't even look at you for too long. All I see is this stranger that once meant everything to me.

"Nothing." I sly a little smile.

"You've changed." he added. I want to say I miss you but yeah, things have changed.

"Probably."

He looked at me from head to toe pero nakita ko ang pagkunot ng noo niya ng tumama ang kanyang mata sa aking dibdib. Napayuko ako at inangat ang aking bustier top ngunit bahagya pa ring nagpapakita ang dapat itago.

Stand By Me (Completed)Where stories live. Discover now