Cheater
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil birthday mismo ni Papa. The smile on his face was priceless nang makita niyang kumpleto na naman kami.
We all greeted him a happy birthday pagkatapos ay sabay-sabay kumain ng almusal. Pagkatapos ay nagpasya ang iba na lumangoy sa dagat.
Nakasuot ako ng pulang string bikini, pinatungan ko ito ng puting see through maxi long cardigan at white hat na may red na ribbon. Hinihintay ko ang mga chicks na lalaki na mas matagal pang magbihis kaysa akin.
Lumabas sila Kuya Travis, Connor, Clifford at Damien ng boardshorts lamang ang suot.
"Hi sexy, may I know your name?" ngumisi si Damien sa akin.
"Enday." sagot ko.
Nagtawanan kaming lahat.
"You're doing it wrong, Damien." sabi ni Kuya Travis ng natatawa.
"Go, Connor!" Cliff cheered. Lumapit sa akin si Connor at nagpa-cute.
"Hi miss, still single? I'm single too. Coincidence? I think not." he winked at me.
"No, my boyfriend's standing right there. Can't you see him?" biro ko. Sabay turo ko sa kung saan.
Alam ko single ako, kailangan pa bang ipamukha sa akin yon? Edi ako na single!
Nakita ko ang pagtingin nila kung saan nakatutok ang daliri ko. Napatingin din ako doon at nanlaki ang mata ko ng makitang sa kubo iyon nila Kuya Trevor at ni... Edge! May girlfriend na siya, Traiva!
"Joke. Joke. Joke. I'm single and ready to mingle. Hehe." tumawa pa ako para maniwala sila.
"You are all not good enoug." tawa ni Cliff kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Bumuntong-hininga ako.
"Loser. Aside from cooking, can you tell me something where you are good at?" tanong ni Connor kay Cliff.
"I'm so good at sleeping, you know. I can do it with my eyes closed." pagmamayabang ni Clifford.
Nagtawanan kaming lahat. Hindi pa rin siya nagbabago. Sabay-sabay kaming nagpuntang tabing dagat.
Umalis si Connor nang nag-ring ang kanyang phone at lumayo sa amin.
Nang may grupo ng babae ang nagsilapitan ay nawala na parang bula ang mga kasama ko. Si Damien na lamang ang natira sa aking tabi. Well, nagbagong buhay na siguro ang unggoy na to. Pero...
"Damien." tawag ng isang babae.
"Hi, Abby!" lumapit ang pinsan ko sa babae at nagbulungan sila.
Umiling ako. Mas lumalala pala.
I'm alone again. Nagmuni-muni lamang ako pero naririnig ko pa rin ang bulungan nila.
"I wish I were a toilet paper though."
"Hmm why?"
"So I could touch your butt."
"You can touch it, I won't mind." the girl flirty giggled.
Kinilabutan ako. What the hell? I walked out with a grimace and looked down at the sand at my feet.
Hindi ko namalayan na may tao pala sa harap kaya bumangga ako sa isang matigas na dibdib. Napaangat ako ng tingin at nakita si Edge na nakataas ang kilay sa akin. He stared at my face first pagkatapos ay kitang kita ko ang pagbaba ng kanyang mata sa aking katawan.
"Guinea pig, kindly cover your body."
Nanlaki ang mata ko at tinignan ang sarili kong katawan. Hindi ako mataba! Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.