Chapter 14

383 36 64
                                    

Stubborn

Alas siete y medya pa lang ng gabi ay nakatulog na ako. Marahil sa sobrang pagod sa lahat-lahat. Si Papa ay nasa kabilang kwarto naman nagpahinga. Mahimbing ang pagtulog ko ng biglang tumunog ang alarm ng phone ko. Agad akong bumangon. Alas kwatro pa lang ng umaga. And I'm too stoked! I want to stroll again and see the sunrise.

It is marvelous finding a place where you can go and relax. There are so many wonderful things in the world, so sometimes it's wonderful to just use those things to temporarily forget about your problems.

Wala rito sila Uncle Ferdinand. Ang sabi ni Uncle Lucas ay nasa bakasyon daw ito. And Uncle Ferdinand was too kind, dito niya ako pinatuloy sa isang manor na malapit sa kanila at katulad ng kanya'y malaki rin.

Naligo at nagbihis ako. I wore a black spaghetti strap, tattered jeans with brown belt and brown boots at tinali ko sa aking beywang ang isang flannel shirt. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Natawa ako. I really look like a cowgirl! Minsan lang to. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Pumunta ako sa kusina kung saan nakita ko si Manang Marta, ang mayordoma sa manor na ito. This manor is smaller compared to Uncle Ferdinand's but I cannot deny this place is also cozy and refined.

"Magandang umaga, Ma'am Traiva. Ang aga mo ata?" nakangiting wika niya habang may hinahalo sa niluluto niya.

"Gusto ko pong mamasyal. Nasabi ko na po ito kay Papa kagabi na maaga ako aalis. Pumayag na po siya" sabi ko at naupo sa upuan.

"Gising na ba ang mga magbabantay sayo?" agad akong umiling.

"Hindi pa po ata."

"Gigisingin ko na sila kung ganon?" umamba siyang aalis ngunit pinigilan ko. I want to live a normal life while I'm here. Like how I wish everything must be. Just a simple life.

"Huwag na po, kaya ko naman pong mamasyal mag-isa."

"Nako, masyado malaki itong hacienda. Hindi pwedeng mag-isa ka lang, hija. Mabuti pa't tawagin ko si Emilio para masamahan ka. Kabisado no'n ang hacienda."

Tumango lamang ako habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking pinggan. Tinimplahan niya rin ako ng gatas at binigyan ng tubig bago siya umalis. Tahimik lamang akong kumakain.

Kahapon ay tinadtad ako ng text at tawag nila kuya at ng mga pinsan ko, mas lalo lamang akong na-stress. So now, habang andito ako. Ayoko munang hawakan ang phone ko.

Patapos na akong kumain ng may narinig akong dalawang boses na papalapit. It is Manang Marta and with him is a man in his early twenties who looked like a cowboy. Lumapit sila sa akin kaya agad akong tumayo.

"Emilio, siya ang anak ni Sir Conrad. Siguraduhin mong maibabalik mo siya dito ng walang galos kung hindi malilintikan ka." tumawa lamang ang lalaki.

"Good morning, Ma'am Traiva. I'm Juan Emilio. The farm and ranch manager of Hacienda De Fernando." pakilala niya sa sarili at naglahad ng kamay.

"Skip the formality. Just call me Traiva, Emilio." naglahad din ako ng kamay. His hand's rough, and I immediately concluded he is a hardworking man.

"Nakakahiya naman." halakhak niya at nilagay ang kamay sa batok. His farmers tan elucidate his features; thick eyebrows, jet black eyes, and long black eyelashes.

"Okay lang." ngiti ko.

"Ahh sige, T-Traiva."

"Sumakay na kayo ng kabayo, Emilio. Kung maglalakad lamang kayo panigurado bukas pa kayo makakauwi dito. Oh siya, mag-ingat kayo."

Bago kami umalis ay nag-iwan ako ng sulat kay Papa para hindi siya mag-alala. He will understand me, I'm sure.

"Uh, lakarin na lang natin hanggang sa kwadra, ah? Ayos lang ba? Malapit lang naman."

Stand By Me (Completed)Where stories live. Discover now