Bridging the Gap

570 8 2
                                    

Author's Note: Dear awesome people, This story is purely fictional. Even some of the places. Please observe creative thinking. If names or scenes appear the same as real life, it is unintentional (except for the main characters' names, of course). Lovelots, Atilla Da Yuhn.

x x x

"Oh anak, galingan mo dun. Ipinagmalaki na kita sa mga kumpare ko. Huwag mo akong ipapahiya. Hindi biro tong papasukin mo," paalala sa akin ni Daddy sa departure area ng Manila International Airport.

Pinayagan niya na rin ako sa wakas. Matagal ko nang pinangarap makapunta ng Korea at magpakalunod sa nakakatuwang kultura nito.

Konti lang ang alam kong Korean words. Usually, nakukuha ko lang yung expressions nila dahil sa mga Korean drama na napapanuod ko.

Two years ago mula nang maadik ako sa isang Korean na palabas sa TV. Dun nagsimula ang lahat ng pangarap ko. Ang ganda kasi ng plot nung drama.

Ikwento ko pa ba? Ang title ng palabas ay Weightlifting Fairy Kim Bok Joo na ginampanan ng isang baguhang Korean actress na si Lee Sung Kyung. Tungkol ito sa buhay at lovelife ng isang athlete named Kim Bok Joo.

Ewan ko ba. Na-"love at first sight" ako sa abs ng kanyang leading man. Talagang niresearch ko yung name, birthday, birthplace, etc. nung bidang lalake.

Mula noon sinundan ko na ang mga guest appearance at showbiz happenings nina Korean actor at actress. Hangang-hanga ako sa acting nila. Six months din ang tinagal ng palabas nila dito sa Pilipinas dahil sa napakasuccessful ratings nito.

Sa kanila ko unang naranasan kiligin sa isang palabas. Ang ganda ng chemistry nila. Sobrang nakaka-excite ang bawat episode. Tapos nung ending, I felt heartbroken. Dalang-dala ako sa routine na pag-uwi ng bahay from school, gagawa ako ng assignment then aabangan ko na sa TV yung palabas.

Yung feeling na wala na akong aabangan after ng 48th episode.. Nadepress ako. Nawalan ako ng gana manuod ng TV.
Noon ko naman nalaman na meron pa palang pag-asa. Sa Internet.

Nagpalamon na nga ako sa sistema. Iba't ibang korean drama ang napanuod ko, at lahat iyon ay magaganda at nagta-top daw sa Korea. Pero iba pa rin yun pagkamangha ko sa pinaka-unang kdrama na napanuod ko. Sinubaybayan ko ang mga rumored lovelife ni Lee Sung Kyung at Nam Joo Hyuk. Pati na rin ang rumored break up nila. Pati na nga rin yung individual projects nila. Sumali rin ako sa iba't ibang Korean fansclub at dun ko narealize na ako'y isang KDramaddict!

Si Nam Joo Hyuk ang wallpaper ng laptop ko, iphone ko, shower curtain sa banyo ko, pati na yun frame sa bedside table ko.

Nung una, akala ni Daddy, boyfriend ko si Jweki. Hindi niya kasi kilala, di naman kasi fan ng Kdrama si Daddy. Negosyo lamang ang tanging pinagkakaabalahan niya mula ng mamatay si Mommy sa panganganak sa akin.

"I love you, anak. Mag-iingat ka doon ha. Tuparin mo ang pangarap mong maging Film Director sa Korea. Send my regards to your T'ya Minyang," kahit strict si Daddy at laging busy sa negosyo, he never failed to support me and my almost-impossible dreams. I gave him one last hug and he gave me a kiss in the forehead.

Korea here I come!!! XD

x x x

"Thank you for flying with us." Naalimpungatan ako pagkarinig ko ng announcement sa loob ng plane.

Nasa Korea na pala ako! OhEmGah!
Abot tenga ang ngiti ko habang palabas ako ng Incheon Airport.

Nakita ko rin ang abot-tengang ngiti ni T'ya Minyang na naghihintay sakin. May plackard pa siyang dala.

Si T'ya Minyang ay dati naming kasambahay sa Pilipinas. Siya ang mahilig manood ng Koreanovelas noon. Nahawa lang ako. Last year, nagresign siya sa amin at lumipad ng Korea upang pakasalan ang korean boyfriend niyang nameet sa internet.

Parang mommy na rin ang turing ko kay T'ya. She was the only mother-figure I grew up with. Akala nga namin ni Daddy tatandang dalaga na siya dahil masyado niya akong tinutukan. T'yang na ang tawag ko sa kanya mula ng bata pa ako. Ayaw kasi ni Daddy na first name basis ko kausapin ang mga masnakakatanda sa akin. I think T'ya Minyang is in her early 40s. Daddy's only 38. Maaga silang kinasal ni Mommy dahil nabuntis ni Daddy si Mommy. Yung mother ni T'ya ang nag-alaga naman kay mommy nung bata pa siya. Kaya hindi na rin iba si T'yang sa buhay namin ni Daddy. She practically grew up with my mom and knew her more than I ever will.

"T'yaaang!" napa-hug ako sa kanya ng mahigpit. "Namiss ko po kayo!"

"Susme! Ang damulag na toh. Desi-otso anyos na, bonjing pa rin," bati niya sa akin nung tugunin niya yung hug ko.

"Tara na, naghihintay na si Yeobo sa carpark," aya niya sa akin, sabay kuha ng maleta ko sa isang kamay.

Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ni T'yang, ikinwento niya ang buhay niya sa Korea.

Bukod sa kanyang asawa, kasama nina T'yang sa bahay ang kanyang stepson na naghahanda rin daw para sa Korean National Exam.

First time in history of Korea na nag-open sila ng National Exam including foreign students. Sinwerte naman ako kasi a month before my highschool graduation inannounce yung balita. Naconvince ko si Daddy na mag-aaral ako sa Korea in college dahil sabi ko naka-ipon naman ako ng sapat na pera, from my allowance, to handle airfare and visa processing. Siya lang sasagot ng tuition fee ko kasi mahal.

Hindi naman ako nahirapan mag-apply for the Korean National Exam kasi I graduated from an international school na in line sa curriculum nila.

Laid out na ang plano ko. Once makapagsettle ako kena T'yang, magpapatulong ako sa kanya mag-apply ng part-time job for my college allowance. Tuition fee lang kasi ang sagot ni Daddy.

x x x

Ang bait ni Mr. Yook. Magaling din siyang mag-English kaya nagkaintindihan naman kami. Inasikaso nila akong mag-asawa mula sa paghatid ng gamit ko sa guest room ng bahay nila hanggang sa paghahanda ng hapunan.

"Huwag mo palang pansinin yung stepson ko pagdating niya. Ayaw niyang nabibigyang atensyon," bulong sa akin ni T'ya Minyang.

I thought, okay.

Iba ang oras ng uwi ng stepson nina T'ya. Bukod daw kasi sa regular classes ay may trabaho raw ito sa gabi kaya hindi ko siya makikita often. Just in case lang daw na magpang-abot kami sa bahay, iyon ang naging paalala ni T'yang.

x x x

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Dumungaw ako sa bintana mula sa aking kwarto, yung mini-garden lang ni Mr. Yook ang nakikita mula roon. Hindi sa nagrereklamo ako. Wala naman daw kasi silang bisita na tumatagal ng isang araw sa bahay nila kaya ang spare room na iyon ang ginamit nilang guest room. All other rooms in the house have beautiful views of the outside world.

Naisipan kong bumangon at magpunta sa balcony ng bahay.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang fresh! Haaay. Kapag grumaduate na ako sa college majoring in Film Directing, magtatrabaho ako sa YG Entertainment para magkaroon ako ng chance makita yung crush kong korean actor.

Haay, Nam Joo Hyuk, makakapagselfie din ako with you. Omo, I can feel it!

Napansin ko ang isang black van na tumigil sa harap ng bahay nina T'yang. Sa isip ko, baka ito na yung anak ni Mr. Yook.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lalakeng bumaba mula sa van.

*lub dub *lub dub

Omo... Omo... Omo...!

The World was OursWhere stories live. Discover now