Nawalan ako ng gana.
Hindi nakapag-take ng Korean National Exams si Sungjae dahil ipinaubaya ni Mr. Yook si Sungjae sa kanyang manager. Wala kaming naging communication for a month.
Alam kong kinailangan ko galingan ang exam para makapasok ako sa magandang unibersidad sa Korea. Kaso...
...nawalan ako ng gana.
Akala ko yung araw ng graduation ni Sungjae ang pinakamasayang araw ko sa Korea. Hindi pala. Iyon ang huling araw na nakita ko siya.
Parang piniga ang puso ko nang umuwi kami ni T'yang na hindi siya kasama. Naabutan nga ni Sungjae yung paparazzi na kumuha ng litrato namin at binugbog niya ito sa harap ng maraming tao. Pag-uwi ni Mr. Yook, nakita ko ang pagod niya sa pagtatakip sa pangyayari para lamang hindi ito lumaki... pero hindi na niya kasama si Sungjae.
"We have to let the issue die down. Sungjae has never been this reckless. I don't think you kids should rush into this floppy romance of yours, Ms. Lee," ang matatalas na salita ni Mr. Yook sa akin nang kausapin niya ako sa kanyang opisina.
Nag-iba ang ere sa bahay nina T'yang nang mawala si Sungjae. Naramdaman kong ako ang sinisisi ni Mr. Yook sa nangyaring detainment sa anak niya. Kahit si T'yang, hanggang mata nalang ako kausapin kapag kaharap si Mr. Yook.
Isang buong linggo kong pinag-isipan bago ako nagpaalam na uupa na lamang sa isang student dorm malapit sa venue ng Korean Exams. Walang pagtanggi si Mr. Yook sa desisyon ko. Tinulungan din ako ni T'yang na makalipat.
"Nak, pasensya ka na at hindi ko nakumbinsi si Yeobo na pigilan ka sa paglipat,"
"Okay lang po T'yang. Hindi rin po ako magpapapigil. Hindi rin po kasi ako makapag-aral sa ganong atmosphere,"
"Lilipas din ang tampo niya. Mabait na tao si Yeobo, Joy. Ingatan mo ang iyong sarili at huwag kang magpapalipas ng gutom. I-chat mo lang ako kapag may kailangan ka ha. Pasensya ka na rin at hindi na kita nabilhan ng cellphone dito," hindi mapagkakaila ang concern sa boses ni T'ya. Nginitian ko nalang siya upang ipakitang okay lang ako.
Sa totoo lang, hindi ako naging okay. Masginusto kong matulog kesa kumain. Masginusto ko matulog kesa mag-aral.
Umasa akong magkikita na kami ni Sungjae sa araw ng exam ngunit sabi ni T'yang sa kanyang chat, next year na lang ito magte-take para makapagfocus sa career, utos ni Mr. Yook sa anak.
Pakiramdam ko nung mga oras na iyon ay gusto ko nang magpalamon sa lupa. Nang dahil sa akin, hindi matutupad ang pangarap ni Sungjae na makapagcollege. Nang dahil sa hindi ko siya pinigilan at sa takot kong ma-headlines, hinabol niya ang paparazzi at napaaway pa rito. Ako mismo ang naglayo kay Sungjae mula sa akin.
Noong araw ng exam, nawalan ako ng gana. Noong araw na iyon, narealize kong ayaw ko nang magfilm director. Ayoko nang malapit sa mga celebrity. Ayoko sa pulitika ng show business.
Ayoko na magkagusto kay Sungjae.
x x x
We regret to inform you that you FAILED the recently concluded Korean National Examination held last...
I expected it. Pero ganun pa man, nalungkot ako.
All my plans here in Korea revolved around passing that exam. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.
*Blinkkk
Sinagot ko ang skype call ni Liza.
"Bru! Bru! Bru!" parang gulat na gulat siya sa ibabalita niya sa akin.
YOU ARE READING
The World was Ours
FanfictieAnnyeong! This is my FIRST Fan Fiction 'inspired by' the KDrama Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Starring: Nam Joo Hyuk Lee Sung Kyung Lee Min Rin (my Korean name) Seo Kang Joon Others... secret :) Story Intro: What's it like being a...