Happy Birthday

22 0 0
                                    


Oh Em GaAaAaH!!!

Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa nangyari kanina. Nagkunwari ako na masama pa ang pakiramdam nung tawagan ako ni Mrs. Kim mula sa villa.

Kinuha ko nalang yung order nila for dinner at ifinorward iyon kay chef Jess via call. Ayoko magpakita sa villa at baka makita ko na naman ang kinaiinisan ko maghapon.

Ano ba ang ginawa ko at binubully ako ng isang Nam Joo Hyuk sa Boracay?

Pasalamat ka gurl, pinapansin ka niya, ang swerte mo! bulong ng maliit na boses sa isip ko.

Hah! Swerte ba yung pakainin ka ng bulok na sandwich? pagrarason ko.

Sa mga pinakita sa akin ni Nam Joo Hyuk, nakaramdam ako ng disappointment. Ito ba yung lalakeng pinagkabaliwan ko all these years? Yung sinundan ko sa Korea at naging rason kung bakit ginusto ko maging film director?

Habang nasa malalim na pag-iisip, nagulat ako sa malakas at sunud-sunod na katok sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Justin na may hawak na cupcake at nakasinding birthday candle.

"Happy birthday Yojo, happy birthday yojo... happy birthday.."

sa totoo lang, hanga talaga ako kay Boyo sa lahat ng ginagawa niya... maliban nalang sa pagkanta.

Pagkatapos niyang sirain ang eardrums ko, pumikit ako at nagwish..

Sana makita ko na ulit siya...

Pagmulat ko ng aking mga mata, sumagi sa paningin ko ang isang makisig na pigura ng lalake sa naka-uwang na pinto ng cottage...

si Nam Joo Hyuk.

Natigilan ako sa pagblow ng candle at pati si Justin ay napalingon sa pinto.

"I'm sorry, I didn't mean to disturb.." panimula niya na hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Oh no, it's fine. Can I help you Mr. Nam?" sagot naman ni Justin at inaya sa cottage si Jweki.

"I had dinner with Mr. Kim and Mrs. Kim said she wasn't feeling well," pagrarason niya kay Justin sabay turo sa akin.

Oo! nang dahil sayo!!! ang gusto ko sanang isumbat pero idinaan ko nalang sa tingin. Guest pa rin siya ni Justin at ayaw ko naman mapahiya si Boyo sa mga kliyente niya.

"Mrs. Kim told me to bring her these," may dinukot siyang maliit na paperbag mula sa bulsa ng kanyang beach shorts. Inabot iyon ni Justin at binigay sa akin.

"Saengil Chughahae Ms. Lee," pormal at seryosong pagbati sa akin ni Nam Joo Hyuk bago ito tumalikod at naglakad na papalayo.

Sa bilis niyang maglakad, hindi na ako nakareact para magpasalamat sa pagbati niya.

*lub dub..

Uy heart, teka lang.. wag kang epal! Nakonsensya lang siguro siya dahil sa prank niya kanina kaya umaarte siyang maamong tupa.

Itinuloy ko na ang pagblow ng candle.

Sa dami ng naganap sa magkasunod na araw, nakalimutan ko ang sarili kong birthday.

Habang nilalantakan ko yung customized cupcake na dala ni Justin, ininspect niya ang laman ng paperbag.

"O Cuz, masakit ba ang tyan mo?" tanong sa akin ni Boyo.

"Ha?"

"Puro gamot sa tiyan yung pinadala sayo ni Mrs. Kim," sabay angat ni Justin ng dalawang kamay niya. Kremil-S sa kaliwa, Diatabs sa kanan.

The World was OursWhere stories live. Discover now