Sa Kabilang Dako...
Liza's POV:
Sayang Bruuuuu, sa isip-isip ko talaga. Abot kamay ko lang ang paa ni Nam Joo Hyuk sa stage.. Kung pwedeng siya na mismo ang itake home kong souvenir para kay Joy.
Mula nang bumalik siya dito sa Pinas, hindi ko na siya nakitang ngumiti. Haaaay tsk tsk tsk.
Nakaisip na ako ng magandang birthday gift para kay bespren. Kukuha ako ng personalized Video greeting para sa kanya mula kay NJH. Ang bait ko talagang bespren.
Nang makarating ako sa pila para sa mga magpapa-autograph, sinadya ko talagang magpahuli sa pila. Masmahaba raw ang binibigay na time sa mga nasa huli ng pila eh.
Nang maging turn ko na, nanggigil ako sa hawak kong poster na ipapa-autograph ko sana kay Joo Hyuk.
Iminuestra niya ang kamay niya para abutin ang kamay ko... este ang nilamukos kong poster. Nginitian lang niya ako.
"Excuse me Oppa. Can I get a Video Greeting for my friend. She'll be celebrating her birthday in 2 days," paalam ko sa kanya sabay hablot ng cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.
"No Video Recording!" sabi ng isang staff sa gilid niya.
"It's okay," nakangiting sabi niya sa staff.
"What's your friend's name?" tanong sa akin ni Nam Joo Hyuk.
"She has two names: Marose Ligaya Romualdez and Lee Min Rin," sabi ko.
Parang nanigas si papang sa sinabi ko. Pero saglit lang iyon. Parang na-mini stroke lang siya sa upuan niya. Tapos nagulat ako nang tanungin niya ako tungkol kay Bru.
"She has a Korean name?" tanong ni NJH out of the blue.
"Yes! She went to Korea to study Film Directing but she failed the exams this year. I don't think she wants to retake it anymore," kwento ko.
May parang pilyong ngiting sumilay sa labi ni papang. Ang gwapo niya... Siyeeeeeeeete!
"In fact, her motivation for going to Korea was YOU. She's your biggest fan. She was going to come here but she got sick so I came as her representative," pagpapahaba ko ng usapan.
Nag-iba naman ang expression sa mukha niya na parang may inaalala habang nagtataka.
"Why will she not take the KNE next year?" tanong ni NJH.
Medyo tumaas yung isang kilay ko. Bakit parang interesado si Papang sa Bruhilda ko? Hmmm. I smell something fishy.
"Some THINGS happened last month that discouraged her from even going back to Korea. he-he," sabi ko nalang.
"Ahhh he-he," napansin niya rin sigurong awkward na ang flow ng usapan namin. Nasulit ko na ang VIP ticket ni Bru sa tagal kong nakatayo sa harap ng idol niya.
"Annyeong Min Rin-ah! Saengil Chughahabnida! I hope you had a comfortable flight back to the Philippines. Thank you for your love and support! I hope to thank you and see you again in person one day, Biggest Fan! Fighting! Bye-bye!"
Anong 'see you again'?! Ako lang ba ang nakarinig noon?
"Ah-he-he have you already seen her before?" nacurious kong tanong.
Ngiti lang ang tinugon sa akin ni NJH nang isauli niya ang cellphone ko. Sinenyasan na rin ako ng staff na lumabas dahil may mga magpapa-autograph pa sa kanya.
Itataon ko sana sa birthday ni Bru ang video message ni NJH pero dahil lubhang makati ang tenga ko sa tsismis, gusto kong mabigyang linaw ang narinig ko sa video message.
"Bruuuuuuuu anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pagsagot niya ng tawag ko.
"Nag-iimpake ako Bru," matipid na naman ang mga sagot niya. Haaay nagbago talaga siya mula nang bumalik siya sa Pinas.
"Ha?! San ka pupunta? Maglalayas ka ba?" ganito talaga ako ka-concerned sa bespren ko. Parang anak na ang turing ko sa kanya.
**Chos lang, masarap maging single na maraming Oppa.**"Hindi noh. Tumawag kasi si Boyo at pinapapasok na ako sa trabaho bukas," paliwanag ni Joy.
Alam ko si Boyo yung mayaman niyang pinsan na konyo na may-ari ng resort sa Bora. Sana may pinsan din akong ganoon.
"Ah.. Eh Bru. Maiba lang ako," paalam ko sa kanya.
"Dapat surprise ko toh sayo sa birthday mo eh pero kating-kati na kasi akong malaman ang sagot,"
"Ano yun?"
"May isesend ako sayong video, panoorin mo. Sabihin mo sa akin anong ibig niyang sabihin sa 'see you again', okay?" sabi ko at pinutol ko na ang usapan namin para isend sa kanya ang video ni Papang.
Naghintay ako ng two minutes bago tumawag ulit pero hindi sinagot ni Joy yung tawag ko.
Naghintay ulit ako ng five minutes pero hindi niya pa rin sinagot. Pinagpipyestahan niya na kaya yung video sa saya niya at iniignore na niya yung tawag ko. Kung hindi ko lang naging matalik na kaibigan si Joy, matagal ko na siyang 'ini-friendship over'! Masyado kasi siyang masikreto.
Ganun pa man, siya pa rin ang bespren ko dahil napakagenuine niyang tao at napakabait na kaibigan. Haaay kung nagkita lang sila ni Nam Joo Hyuk ngayong gabi, tiyak maiinlove yon sa bespren ko.
Pero hindi ko talaga mawaglit sa isip ko yung bati ni Nam Joo Hyuk. Papanoorin ko nalang yung video niya ng paulit ulit hanggang sa makatulog ako tonight.
Haaay naku Joy, may nasesense talaga akong kakaiba.
x x x x x
Omo! Omo! Omo! Ano toh?!
Imbis na matuwa ako sa sinend ni Liza na video, masmalakas ang kinakaba ng dibdib ko. Parang bumalik ang memories ko sa una at huling pagkikita namin ni Nam Joo Hyuk sa Incheon Airport.
May nalalaman pa siyang 'see you again'! Naaalala niya pa kaya ako? Paano mangyayari iyon eh hindi niya naman alam ang pangalan ko. Pinakitaan kaya siya ni Liza ng picture ko?!
OhEmGaaah! Sana naman yung hindi nakakahiya na picture ko ang pinakita niya!
Ayaw ko nang patulan ang pangungulit ni Liza. For sure, iiinterrogate niya lang ako. Naku! Buti nalang huling araw na ni Nam Joo Hyuk dito sa Manila. At least, makakahinga ako ng maluwag kapag bumalik na siya sa Korea.
Ang alam ko kasi dito sa Pilipinas ang huling stop niya para sa asian fan meeting niya. Hinding-hindi ko na siya makikita.
Nasira tuloy ang pagmumuni-muni ko kay Bangis. Grabe talaga yung hype sa performance niya.
Baka bukas may lumabas nang showbiz balita tungkol sa kanya. Makikilala kaya ako? Kinakabahan ako pero hindi kagaya ng kaba na naramdaman ko noon kay Sungjae.
Masayang kaba.
Naeexcite na kaba.
Kinikilig pa rin ako habang nagrereplay sa utak ko yung mensahe ni Bangis para sa akin.
Nagkrus na pala ang landas namin noon. Pero hindi ko siya maalala. Ang liit ng mundo. Kilala niya pa rin ako. Ibig sabihin naging importanteng alaala ako sa kanya.
Omo! Omo! Omo! Sabi ko na eh, dumada-moves na ang tadhana para sa aming dalawa. Hindi lang pala coincidence ang lahat.
Gaya ni Nam Joo Hyuk, sa Pilipinas ulit gaganapin ang huling stop ng Asean Tour nila. Hopefully, by then, magkikita na ulit kami. Sisiguraduhin kong VIP ticket na ang makukuha ko. Inaabangan ko na ulit ang bentahan sa ticketnet online dahil hindi pa nag-announce ang organizers ng tour kung kelan ang return nila sa Pilipinas. Ongoing pa raw kasi yung plans.
Aigoo! Kanina parang lantang gulay lang ako dahil sa banas ko sa general admission ticket ko. Ngayon naman, nalalantang gulay ako dahil para akong nakalutang sa ulap sa saya. Nakakapanginig ng tuhod sa kilig si Bangis. Siya na talaga! Ano ba yan! Nangangalay na ang panga ko sa kakangiti.
Sigh I can't wait to see him again.
YOU ARE READING
The World was Ours
Fiksi PenggemarAnnyeong! This is my FIRST Fan Fiction 'inspired by' the KDrama Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Starring: Nam Joo Hyuk Lee Sung Kyung Lee Min Rin (my Korean name) Seo Kang Joon Others... secret :) Story Intro: What's it like being a...