Sparks Fly

63 2 0
                                    


Paggising ko the following morning, hindi ko napaghandaan ang nangyari. Wala na akong Instagram account.  Anyare?!?!?!


Nakareceive ako ng e-mail na marami daw natanggap na report against my account kaya ito ibinaba ni Instagram. Huwaat?! Ang unang pumasok sa isip ko ay si Sungjae. Siguradong siya ang may kagagawan nito.


Bumangon ako sa kama. Masama talaga ang timpla ko dahil sa lalakeng iyon. Malas ko lang nakaalis na pala ito para pumunta ng school. Humanda siya pag-uwi niya.


"Joy, 'nak, nakita mo na ba ito?" paglapit sa akin ni T'yang sa hapag. Hawak niya ang kanyang cellphone. Parang nagulat pa siya sa nakita sa phone niya.

KPOP NEWS: BTOB'S SUNGJAE DATING RUMORS SPARK

THE KPOP IDOL SUNGJAE FROM BORN TO BEAT, FOLLOWED BY THOUSANDS OF FANS WORLDWIDE, WAS REPORTED TO HAVE REVEALED THE IDENTITY OF THE WOMAN HE HAS BEEN SECRETLY DATING FOR MONTHS NOW BY LEAVING LIKES ON HER INSTAGRAM PICTURES. LATE YESTERDAY EVENING, FANS NOTICED SUNGJAE ACTIVELY LIKING PHOTOS ON INSTAGRAM. MOST OF THE PICTURES CAME FROM ONE ACCOUNT "JOY2DWORLDLALALALALA" WHICH WAS STRUCK DOWN BY INSTAGRAM DUE TO INSISTENT REPORTS THAT THE ACCOUNT WAS A FAKE. THE REPORTS WERE MADE BY THE OUTRAGED FANS WHO DISAGREED WITH SUNGJAE'S CHOICE OF WOMAN, CALLING THIS PARTICULAR LADY AN UGLY WENCH. SUNGJAE'S AGENCY HAS YET TO MAKE A STATEMENT. HERE ARE SEVERAL PICTURES RETRIEVED FROM THE ACCOUNT POSTED BY OUR VERY OWN FANSCOOPERS:


"Hindi ba account mo yung tinutukoy dito Joy? Pictures mo to diba?" Magkamukha na kami ni T'yang sa salamin matapos basahin ang article, ngarag at gulat na gulat. Headline talaga sa umaga ang mukha ko? Omo! Omo! Omo! Wala akong ginagawang kasalanan.


x x x


Hindi kami nakalabas ni T'yang buong maghapon. Tumawag si Sungjae kay T'ya Minyang at nagbilin na isara ang lahat ng kurtina sa bahay at wag sasagot ng tawag sa telepono dahil tiyak na dudumog daw ang press. Sa agency daw muna ito didiretso after school para ayusin ang issue. Kaya kami ni T'yang, parang mga paniki na nabuhay sa dilim ng aming mumunting kuweba.

Nakatanggap naman ako ng skype call from Liza kinahapunan.

P A K T A Y    N A ! ! ! Fan na fan si Liza ng BTOB. Si Sungjae, in particular, ang kanyang ultimate idol. Sigurado akong tumatawag siya dahil nakita na niya ang balita. Mahilig pa naman yun sumubaybay sa Kpop News.


"Hi Liza," kinakabahan pa akong kausapin siya sa video chat namin.

"Anong 'Hi Liza'?! Ano tong nabalitaan ko sa KN? Totoo ba to?" galit ang naririnig ko sa tinig niya. Nasaktan ko ata ang bestfriend ko.

"Liza, let me explain," para akong nagpapaliwanag sa girlfriend ko.

"Sige, simulan mo na!" nakacross arms pa talaga siya habang nakade-quatrong nakaupo sa kanyang higaan. Boss na boss siya sa kwarto niya.

"Ano kasi, Uhh---"

Biglang tumunog ang cellphone ko. Facebook message mula na naman kay SungJ Yook.

Gwaenchana, Min Rin-shi? Mianhaeyo.

Sorry? Sorry lang for all this trouble? Malapit na akong awayin ng bestfriend ko dahil sa kanya. Aiiiish!

"Sinong nag-text? Si Sungjae ba?!" biglang naalala kong nakikita nga pala ako ni Liza.

"Ah hindi, messenger. May nagchat lang," nginitian ko pa siya.

The World was OursWhere stories live. Discover now