Omo! Omo! Omo!
The guy was wearing a full black face mask! Parang yung mga nakikita sa movies na nangho-hold up... Hindi ko alam kung sisigaw ako para maging aware ang mga kapitbahay na may magnanakaw sa lugar.
How do they do this ba, in Korea? Sa palabas lang naman nagmamatapang ang mga koreanang bida na labanan ang masasamang tao... utos naman kasi yun ni direk. Pero in real life... Naku!
Pumasok ako sa loob ng bahay. Walang ilaw sa hallway. Pupuntahan ko sina T'yang para tumawag ng pulis. Narinig ko pa ang pagbukas ng gate sa labas ng bahay nina Mr. Yook, it makes that screeching metallic sound na minsan nakaka-ngilo.
Hala siya! Nakapasok na yung burglar! Naghanap ako ng makakapa sa paligid na pangdepensa sa sarili, in case umakyat sa second floor yung magnanakaw. May nakapa naman akong badminton racket - ata. Oo, badminton racket nga.
Kinakapa ko yung dinadaanan ko papunta sa kwarto nina T'yang. It was the room across the long hallway sa second floor, sa pagkakaalala ko nung inorient ako ni Mr. Yook kanina.
Nakarinig ako ng pintong bumukas sa may kusina. Hindi nag-alarm ang bahay nina T'yang. Wala ata sila nung security alarm na katulad ng sa amin sa Pilipinas. Naku po, kailangan ko nang magmadali. Baka may makuha nang ginto yung magnanakaw. Mukhang madaming mananakaw na gamit sa first floor pa lang. Habang nadidistract ako sa panghihinayang sa mga gamit nina T'yang, may bigla nalang humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay nito --- nahuli ako ng magnanakaw! Gumawa ako ng ingay kahit tinakpan niya ang bibig ko at yakap niya ako mula sa likod.
Argh! Hindi ako makawala! Nakuha niya sa akin yung hawak kong racket. Sinubukan kong sipain at tapakan ang paa ng magnanakaw pero hindi mahuli ng paa ko yung paa niya. Kinabahan ako. Baka may patalim yung magnanakaw at gilitan ako ng leeg. Natahimik ako at napalagok. Noong naramdaman nung magnanakaw na hindi na ako pumapalag, dahan dahan niya akong binitawan. Hindi ko siya makita sa dilim kaya hindi ko siya malabanan.
Tapos...
Biglang nag-On yung ilaw. Yung magnanakaw ang nakita ko sa may switch. Hindi ko napigilang mapasigaw sa takot ko sa kanya. Napaatras ako. Ngayon lang ako naging ganito kalapit sa isang magnanakaw. Ni minsan ay hindi ko to naranasan sa Pinas. Dali-dali niyang tinakpan ang bibig ko.
"Min Rin-ah!" biglang napasugod si Mr. Yook sa hallway. Hindi na nito nasuot ang tsinelas niya sa pagmamadali. Nahuli ni Mr. Yook na nanlalaban ako mula sa intruder na nagpupumilit takpan ang bibig ko. Nasa likod ni Mr. Yook si T'ya Minyang.
"Sungjae-ah! !@#$%&^%(*&$@@)(*%&%$," wala akong naintindihan sa sinabi ni Mr. Yook pero bigla naman akong binitawan ng lalaking nakatakip ang mukha. Napatakbo ako kay Mr. Yook na niyakap naman ako gaya ng yakap ni Daddy sa akin.
"Min Rin-ah, I'm very sorry about Sungjae's behavior. This is my son. The one we've been telling you about," Mr. Yook said in a calming voice.
"Sungjae, take that ridiculous mask off and step into my office! We have matters to discuss," Mr. Yook turned to the full face-masked guy na nilayuan ko. Nakita kong he was holding the badminton racket na inagaw niya sa akin kanina.
YOU ARE READING
The World was Ours
FanfictionAnnyeong! This is my FIRST Fan Fiction 'inspired by' the KDrama Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Starring: Nam Joo Hyuk Lee Sung Kyung Lee Min Rin (my Korean name) Seo Kang Joon Others... secret :) Story Intro: What's it like being a...