***Author's Note: Dear awesome people, nag-eenjoy pa ba kayo? Sorry sa mga naiinip na sa story, I will try my best na gawing mas-exciting ang mga pangyayari sa buhay ni Min Rin. Hold on ka lang. Malapit na hihihi Kung meron po kayong comments and suggestions, I highly appreciate it and encourage constructive criticism on my work. Since this is my first fan fic, gusto ko rin malaman ang nasa isip ng aking mga readers para ma-gauge ko rin ang aking sarili kung tama ba ang genre na ito para sa akin. Salamat sa patuloy na pagtangkilik. Lovelots, AtillaDayuhn***
x x x
Nanaginip ako kagabi.
Buhat ako ng isang lalake sa kanyang mga braso. Nakasuot ito ng black cap at facemask na itim kaya natatakpan ang kanyang ilong at bibig. Pinagmasdan ko ang kanyang mga matang kumikislap na parang mga bituin sa gabi. Oh Bangis!
Napansin kong may kausap ito habang naglalakad sa gabing iyon. Boses ng isang babae. Boses ni...
"Lee Min Rin? Min Rin-shi? gwaenchana? neo kkaeyo issni / Are you awake?" Nagising ako sa boses ni Manager Seo.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nahagip agad nito ang nakangiting mukha ni Manager sa akin. Napabalikwas ako ng gising. Umaga na! Nasaan ako?
"Mianhe, I couldn't leave you at a sauna at your state last night. You were too drunk to even open your eyes," she giggled.
Umakyat ang dugo ko sa pisngi. Inilibot ko ang aking mga mata. Daebak! Ito ba ang kwarto niya? Omo! One hundred times na masmalaki iyon kumpara sa student dorm room na tinirhan ko.
"You can stay here for the meantime. You don't have to come to work too. I already called someone to fill you in as dishwasher," nakangiti pa rin si Manager. Napayuko ako dahil hindi ko siya matingnan sa mata.
Kung kahapon nag-aalangan ako kung anong klase ng tao siya, ngayon naman ay talagang pinupuri ko na siya sa kabaitan niya. Ang liit bigla ng pakiramdam ko sa harap niya. Alam kong nalasing ako kasi wala akong maalala sa mga pangyayari. Hindi rin ganoon kabigat ang ulo ko, meaning, baka nakita na niya akong sumuka.
Good job Joy, you have totally embarassed yourself in front of the manager, Sa isip-isip ko.
"I-I am so sorry for all the inconvenience I caused, Bu-in-nim. I don't remember what happened last night. Mianhe! I will leave right away," hindi ko mabilang ang mga bow na ginawa ko sa harap niya.
"Aniyo. I know you have nobody. I just want to help a friend in need. You must be feeling low, I'm sorry I can't make the situation any better," hinawakan niya ako sa balikat, a gesture that a friend does to show they are comforting someone.
"Actually, Bu-in-nim, my father called last night. He must have heard what happened to the building where I lived. He bought me a ticket to go home to the Philippines today."
"Oh," parang nagulat pa siya sa sinabi ko, "So you're leaving Korea? What time is your flight?"
"11 AM."
"O-Omo. Well, it's already 9AM. Will you make it?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Manager. Sa taranta ko, sabay pa akong napa-Omo omo sa kanya. Inalok niya akong ihatid sa airport. Wala naman akong kailangan iimpake dahil wala na akong gamit. Iyong bag na dala ko lamang sa trabaho ang naisalba ko kahapon. Mabuti nalang at lagi kong dala ang passport ko sa loob ng aking jacket for identification purposes, just in case, gaya ngayon, na bigla kong kailanganin umuwi ng Pinas.
YOU ARE READING
The World was Ours
FanfictionAnnyeong! This is my FIRST Fan Fiction 'inspired by' the KDrama Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Starring: Nam Joo Hyuk Lee Sung Kyung Lee Min Rin (my Korean name) Seo Kang Joon Others... secret :) Story Intro: What's it like being a...