I was wrong. Tuloy tuloy ang malas na inabot ko sa pag-iistay sa Korea. Hindi ako nakahanap ng disenteng trabaho since I applied for jobs three months ago. Sa isang Shopping & Retail Center, tinubuan na yata ako ng muscles kakabuhat ng kahon-kahong pangrereplenish ng goods. Sa isang convenience store naman, pinagbintangan pa ako ng may-ari na kasabwat ng magnanakaw na nahuli ko at nireport sa pulis.
Sa ngayon, dishwasher ako sa isang Korean restaurant. Hindi pa naman ako minamalas dito pero I feel like I'm such a disaster waiting to happen. Iningatan kong hindi magkamali sa trabaho ko. Ang simple na nga nito kung tutuusin.
Biglang nagtipon ang mga katrabaho ko sa dirty kitchen.
"What's going on?" tanong ko kay Chae Nan Hee. First friendship ko sa Korea. Siya lang kasi marunong mag-english sa kanilang lahat.
"A celebrity is coming to eat at our restaurant. Manager said the reservation was booked just a minute ago. Isn't it exciting?"
"Who's the celebrity?" kinabahan ako sa balita niya. As much as possible, ayoko sanang makakita ng kahit sinong celebrity. Nawalan ako ng interes sa kanila. Napakabilis kasi nilang magbago, parang mga roles nila sa drama na napapalitan --- kung ngayon nasa chic flick, mamaya nasa action. Pfft.
"Manager doesn't know yet. But he said it was a congratulatory party for a contract signing with YG Entertainment. So we have to start decorating the function room," tinulak na ako ni Nan Hee papunta sa function room.
"W-wait, I have to finish washing dishes!" pag-iwas kong magpunta sa function room. Baka kung sino pa ang makasalubong kong celebrity or reporters.
"It can wait. I need your help to fix the function room," inosenteng sagot ni Nan Hee. Hindi ako mapalagay sa kakaisip kung sino ang celebrity na darating. Sabi ko titigilan ko nang maging curious sa celebrity news pero tuwing nakakasagap ako ng kahit maliit na information, tumatatak na iyon sa isip ko. Hindi alam ng bago kong kaibigan ang history namin ni Sungjae. Hindi pa naman kasi kami ganoon ka-close para i-open ko sa kanya ang bagay na iyon. Isa pa, past is past.
I crossed my fingers na sana hindi si Sungjae ang dumating.
x x x
Nakahinga ako ng maluwag nang dumating ang manager ng celebrity from YG. Hindi ito yung manager ni Sungjae. Gumaan ang loob kong tulungan si Nan Hee sa pagdedecorate. Dumating na rin ang tarpaulin na backdrop sa event.
Daebak! Si Seo Kang Joon ang picture ng nasa tarpaulin. Wow. Nung panahong nagpalamon pa ako sa Kdrama, isa siya sa mga actors na nakatrabaho ni Nam Joo Hyuk para sa palabas na Cheese in the Trap. Close kaya sila? Magkaibigan kaya sila sa personal?
Tinuktok ko ang ulo ko.
Earth calling Joy. Diba wala ka nang pakialam kay Nam Joo Hyuk at sa kahit anong related sa showbiz? pangungulit ng maliit na anti-fan na boses sa utak ko.
Tama, kailangan kong magconcentrate sa trabaho. Hindi ako pwedeng pumalpak ngayon kasi wala na akong maisip na trabahong pwedeng pasukan maliban sa paghuhugas ng pinggan. Bayaran na rin ng upa ko in a few days.
"Ms. Lee Min Rin?" narinig ko ang tawag ng manager ko habang nag-aayos ako ng mga upuan. Agad naman akong pumunta sa kanyang direksyon.
"Yes sir?"
"Before the guest comes, I need you to throw the trash,"
Um-oo nalang ako kahit hindi ko naman ginagawa iyon noon. Sa isip ko, okay na rin iyon. At least, tadhana na mismo ang naglalayo sa akin sa industriyang minsan kong pinangarap.
x x x
Sumapit na ang oras at marami na ang press na nagkakagulo sa labas ng restaurant. Minabuti ko nang simulan ang inutos sa akin ni Manager. Kinolekta ko na ang mga naipong basura sa loob ng dirty kitchen.
Hindi naman nakakadiring gawin ang magtapon ng basura sa Korea. Malinis at well-sorted ang segregation ng mga ito. Nasayangan lang ako sa ilang pagkain na hindi man lang nagalaw pero itinatapon na ng mga customers. Masarap naman ang pagkain sa restaurant na pinapasukan ko. Lubhang mayayaman lang kasi talaga ang mga parokyano roon.
Sa paglabas ko sa backdoor ng dirty kitchen, madilim at malamig ang gabi. Napatingala ako sa mga bituin. Ang liwanag ng mga ito sa langit.
Haay Mommy, are you watching over me?
Nalungkot ako sa naisip ko sa sitwasyon ko ngayon. Nag-aral ba ako sa isang international school sa Pilipinas para lang bumagsak sa college entrance exams at maging dishwasher? Napaupo ako sa isang tabi at doon ako nagpakawala ng iyak.
Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon. Tumayo lang ako nang maramdaman ko ang pamamanhid ng aking mga binti. Biglang bumukas ang pinto ng backdoor. Narinig ko pa ang tili ng mga nasa loob ng restaurant. Nakarating na siguro si Seo Kang Joon. Bumungad si Manager sa harapan ko.
"Min Rin-shi?"
"Yes si--," Bago pa man ako makatugon, kinabahan na ako sa hawak niya sa aking mga balikat. Nasasaktan na ako sa pagbaon ng mga daliri niya sa aking braso.
"Ouch! Sir, please let go of me," binigay ko ang buong lakas ko para bitawan niya ako ngunit inilapit niya lang ako lalo sa katawan niya. Sumigaw na ako ng tulong sa takot ko sa binabalak niyang gawin sa akin.
"AISH!#$%^&*(&)^%$#!" Nagsalita siya ng Korean ng napakabilis na hindi ko naintindihan. Mainit ang buga ng hininga sa bibig niya.
Nanghina ako sa pagsastruggle na hindi niya ako mahalikan. Naalala ko yung backhug sa akin ni Sungjae noong napagkamalan ko siyang magnanakaw. Hindi rin ako makapalag sa higpit ng hawak ni Manager sa akin.
"YAA! Meomchwo! / Stop it!... You're hurting the lady," Natigilan si Manager sa ginagawa niyang harassment at nilingon ang pinagmulan ng boses. Bago pa siya tuluyang makalingon, isang suntok ang pinakawalan ng mama na nagsalita.
Dahil sa dilim, hindi ko makita ang mukha ng lalake. Naka all-black ang suot nito, naka black cap at naka black face mask. Parang eksperto sa pakikipagbasag-ulo ang lalake pero laking pasasalamat ko na dumating siya.
"Sige, sipain mo!" nadala ako sa pangyayari at nagcheer ako para sa lalakeng hindi ko kilala. Nung napatumba niya si Manager sa sahig, Lumapit ako para magpasalamat pero agad itong tumalikod.
"Gamsahamnida!" Ilang ulit akong nag-bow sa kanya. Yun kasi ang alam kong way na maiintindihan ng korean na malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya.
"Miss, umuwi ka na," sabi ng lalake sa akin habang naglalakad palayo.
Napamaang ako, "Pi-Pilipino ka?"
Ni ha ni ho, walang imik na tumakbo na palayo yung lalaking nagligtas sa akin. Pakiramdam ko na-inlove ako sa moment na iyon. Hindi ko pa man din nakuha ang pangalan niya. Hindi ko alam kung magkikita pa kami. Isa lang ang alam ko sa kanya, pinoy siya.
x x x
Ayoko makalimutan ang nangyari ngayong gabi, hindi dahil sa bastos na manyak na manager na yun, kundi dahil kay Bangis, ang aking Hero. Iyon ang naisip kong pangalan dahil hindi ko naman nakuha ang totoong pangalan niya.
Alam mo iyong pakiramdam na parang may mangyayaring maganda dahil nakilala mo ang isang tao? Ganoon ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin bukas. Siguradong wala akong trabahong babalikan, pero sigurado rin akong lalo ko pang gagalingan ang paghahanap ng matinong trabaho. Pagtiyatiyagaan ko na pati ang pagcoconstruction, kung kinakailangan, para lang makapanatili pa sa Korea ng masmatagal.
Tinakot kasi ako ni Daddy na puputulin na ang sustento ko kung hindi pa ako umuwi ngayong buwan. Plane ticket nalang daw pauwi ng Pinas ang sasagutin niya.
Haaay Bangis, kailan kaya kita makikita muli?
YOU ARE READING
The World was Ours
FanfictionAnnyeong! This is my FIRST Fan Fiction 'inspired by' the KDrama Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Starring: Nam Joo Hyuk Lee Sung Kyung Lee Min Rin (my Korean name) Seo Kang Joon Others... secret :) Story Intro: What's it like being a...