Malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko ang gumising sa akin that Sunday morning. Sa taranta ko, napabalikwas ako sa kama at nahulog sa sahig. Five-thirty (5:30AM) palang sa orasan. Bwisit! Ang aga-aga naman mambulabog ng taong to! Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kwarto para tumigil na yung ingay ng katok. Ang bumungad?
"Aba'y may toleleng pala talaga to sa utak eh..." napabulalas ko sa inis.
"Hi! Good morning," pa-cute na nginitian niya ako sabay kaway pa ng kanang kamay. Nakapang-jogging attire siya.
"What do you want?!" wala pa rin ako sa mood.
"Would you want to join me for a jog?" consistent ang ngiti niya sa akin na para bang hindi niya ako nakaaway kagabi.
"Go away!" wala talaga ako sa mood sa oras na iyon. Isasara ko na yung pinto nang bigla niya akong hawakan sa wrist sabay hila sa akin palabas ng pinto ng kwarto, pababa ng hagdan, palabas ng maindoor ng bahay, palabas ng gate, at dirediretso niya akong kinaladkad sa kung saan hindi ko na alam ang direksyon pero alam kong sa loob pa rin iyon ng exclusive subdivision nila.
Nang nagtagumpay akong kumawala sa hawak niya sa akin, halos habulin ko na yung aking hininga sa pagod. Noon lang ako tumakbo ng ganoon kabilis.
"What's wrong with you?!" Hingal na hingal kong bigkas habang inilagay ko ang dalawang kamay ko sa baywang.
"You seem tired. Are you not used to morning exercise?" parang binalewala niya yung pagkainis ko sa kanya. Parang may concern pa nga sa boses niya eh.
"I didn't want to exercise! I wanted to sleep! You dragged me here, gago!" ayan, namura ko pa siya. I got so cranky. It was the worst feeling of my life --- being dragged out of bed for a morning run (take note: Run, hindi jog!).
"I thought you'd appreciate the fresh air and the view from up here," he smiled. I admit ang cute ng smile niya. Napakawarm at calming ng mukha niya. Para bang ayaw ko nang mainis sa kanya. Ganyan talaga kapag may itsura, they always get their way. Hahah ang bitter ko.
Hindi naman daw ako pangit, sabi ng ilang friends ko sa school. Pinipilahan rin naman ako ng mga boys sa kissing booth tuwing intramurals. I just don't feel pretty enough para bumagay sa mga kagay ni Nam Joo Hyuk. You could say naiinsecure din ako sa itsura ko.
Speaking of itsura, napansin kong yung mga nagjojog sa paligid namin ni Sungjae, napapatingin sa direksyon namin.
Omo! Omo! Omo! Nakalimutan kong Kpop Idol nga pala ang kasama ko! Sobrang fresh ng face niya. Marami talaga ang mahuhumaling kapag nakita siya.
"Don't you want to hide your face? People are noticing you. Is that not a problem?" natanong ko out of curiosity. Wala nang bahid ng pagka-inis. Medyo concerned lang ako na baka dumugin si Sungjae ng mga fangirls niya at patayin ako dahil ako ang babaeng kasama niya.
Ngumiti siya sa akin.
"Abeoji said you were adorable. Tsss... Pabo, they're looking at you, not me," and again I saw those cold blank stares na nanunuot hanggang buto ng tao. Did he just call me stupid?
Then just like the beautiful bukang-liwayway na naabutan namin sa Jogger's park sa subdivision nila, it dawned on me na hindi nga pala ako nakapag-ayos bago niya ako kaladkarin dito!
My messy hair. My inflamed face. The streak of dried saliva on the side of my lips. Probably my sour breath too. All these, plus the fact that I wasn't wearing any shoes. Naka-paa lang pala akong tumakbo papunta dito!
Ang pagkainis ko sa kanya, biglang nagskyrocket sa buwan! OhEmGah! I have never been so embarassed in my entire life. Nanliit ako sa kahihiyan. I think my whole face just turned red.
"Achoo!" Sinipon pa ako! Huwaw. Ang malas ko nga naman. Wala na ako sa mood makipag-away o pagalitan ang childish play ni Sungjae. I just wanted to lay down in bed again and sleep. I didn't want to see this charming tall figure in front of me. So, I decided to walk away.
"Where are you going?" tanong niya at hinawakan ako sa balikat. I shrugged his hand off. I started to embrace myself. Naramdaman ko na yung ginaw ng umaga. Sige lang Joy, I told myself, lakad lang. I needed to get away from this guy. He obviously hates me with this prank he pulled. Nag-effort pa talaga siyang gumising ng maaga.
Hindi ko alam ang direksyon pabalik sa bahay nina Sungjae. Bahala na, magtatanong nalang ako ng direksyon sa available guard na nagpapatrol 24/7.
Biglang naramdaman ko ang paglapat ng warm jacket ni Sungjae over my shoulders. Medyo nagulat ako sa gesture niya pero hinayaan ko siya. Ansarap ng init na binigay ng jacket niya. Maluwag ito sa akin pero napaka comfortable. Bigla siyang humarang sa harapan ko, tinalikuran niya ako sabay luhod.
"You're not wearing any shoes," he was hinting for me to ride piggyback on him. Omo! Omo! Omo! Feeling ko bigla nagshushooting kami ng drama or movie. Sa mga Kdrama ko lang ito napapanuod pero eto ang isang Kpop Idol na inaalok ang likod niya para isakay ako.
Umiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Hindi tuloy magkana-ugaga ang puso ko sa pagtibok ng mabilis na mabilis. Naconscious ako na baka isipin niyang mabigat ako. Parang hindi pa naman ako natunawan sa dami ng adobong kinain ko kagabi.
Sa gulat ko, napatili ako nang bigla niya akong kargahin na pinaprincess-carry.
"Put me down! Put me down!"
"You're feet will get dirty. There are no maids to clean the floor today. And you're too stubborn to ride piggyback," Aba, ako pa ang pinapalabas niyang mali.
"Huwaw, salamat sa sermon ha! Okay fine! I'll ride piggyback," kunwari pagalit ako pero sa totoo lang, kinikilig talaga ako. Ganito rin kaya ang pakiramdam ng mga leading ladies sa Korean dramas?
x x x
"Oh, san kayo galing? Bakit ganyan ang hitsura mo?" bungad sa amin ni T'ya Minyang pagkarating sa bahay. Hindi pa rin ako binababa ni Sungjae. Tuloy-tuloy siyang naglakad hanggang sa loob ng kwarto ko at nilapag niya ako sa loob ng bathroom ng guestroom.
"There, you can wash up now," gaya ng ngiting inilahad niya kaninang nag-good morning siya. Hindi na ako naka-imik. Pinapakalma ko pa ang puso kong kilig na kilig.
x x x
After that morning, hindi ko na nakita pa si Sungjae. Sinundo daw ito ng manager niya kanina pagkahatid niya sa akin sa kwarto. Hindi ko ma-explain kung bakit hinahanap ko siya. Nanood na lamang ako ng downloaded copy ko ng Weightlifting Fairy sa laptop at muli na naman akong na-inlove kay Nam Joo Hyuk.
Sa simula pa lang ng palabas, dun sa part na niligtas ni Joon Hyung si Kim Bok Joo sa pagkalunod sa pool, biglang nagpop ang image ni Sungjae na buhat-buhat ako sa park kanina. Kahit ako nagulat sa biglang naisip. Pagtingin ko sa salamin, namumula ang pisngi ko.
Naku Joy maghunosdili ka. Be still my heart, nakareserve ka for Nam Joo Hyuk. Hinagod ko pa ang dibdib ko para pakalmahin uli ito. Ano bang meron sa antipatikong idol na yun at hindi siya mawaglit sa isip ko at patuloy niyang pinapakaba ang dibdib ko? OhEmGah tinamaan na ba ako ng aroganteng, mayabang, na gwapo na gentleman na yun?!
Omo! Omo! Omo! This can't be! Kailangan ko nang iwasan ang lalakeng iyon. Hindi na maganda ang kutob ko sa kanya. Yook Sungjae, lumayo ka!
YOU ARE READING
The World was Ours
FanfictionAnnyeong! This is my FIRST Fan Fiction 'inspired by' the KDrama Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Starring: Nam Joo Hyuk Lee Sung Kyung Lee Min Rin (my Korean name) Seo Kang Joon Others... secret :) Story Intro: What's it like being a...